Chapter 6 - Settling in

1K 90 9
                                    


Huling linggo ng July, Lunes ng umaga dumating si Richie sa Moldex.  Ipinarada ang kotse niya sa kanyang parking slot.  Isa-isang ibinaba  sa isang gilid ng lobby ang mga gamit niya. Walang tao sa reception area pero deadma si Richie.  Alas syete pa lang din naman kasi ng umaga. Baka nagkakape pa ang staff o nagaasikaso ng mga   customers sa kabilang building.  Ang building na nagsisilbing hotel ng Moldex. Buhat ni Richie ang electric griller at turbo broiler ng mapansin siya ng gwardiya na naglalakad papunta sa kanyang pwesto.  Napatakbo ito ng mapagsino ang lalaking nagbubuhat.

Manong Guard:  Naku, Sir Richie! Sir, bakit hindi kayo tumawag ng tao sa counter?  Akina ho, ako na ang magbubuhat niyan.

Richie:  Hindi na po, kaya ko naman pakibukas na lang po ng pinto.  Tsaka paki sabi sa counter pahiram ng cart.

Pinagbuksan nga ng gwardiya si Richie ng makapasok ito nagmamadaling pinindot ng gwardiya ang buzzer.

Manong Guard:  Ms. Pearl, Mam Francine... nandito na si Sir Richie.  Noel... dalhin mo yung isang cart dito.

Nagmamadaling lumabas si Pearl at Francine. Nataranta naman si Noel.  

Noel:  Sir, ako na ho ang magbubuhat niyan.

Richie:  It's okay,  kaya ko na ito.

Pearl:  Pasensya na po kayo may inaasikaso lang po kasi ako para sa hotel.

Francine:  Sir, I am on the phone so pasensya na kung hindi naman kayo napansin agad. How was your trip?

Tumingin si Richie sa kanila. 

Richie:  Tinawagan kayo ni Mrs. Bryant ano?   Siya ang nagsabi sa inyo na darating ako and to make sure to take care of me?

Francine:  Yes Sir,  pasensya na ho talaga, magagalit ho si Mam kapag nalaman niya na hindi kayo naasikaso eh.

Richie:  Don't worry about it, wala akong sasabihin.  But promise me one thing, kapag nandidito ako kakampi ninyo ako. Huwag ninyong pansinin yang Nanay ko. Walang gustong gawin yon kung hindi ang tratuhin akong bata.  Do I strike you as a boy?

Pearl:  No, Sir, napakaprofessional po ninyo eh

Richie:  Exactly, my brother trusted me to help take care of this place.  Kaya huwag kayong matakot sa galit ng Nanay ko.  Ang katakutan ninyo ang galit ko dahil kapag pumalpak tayo mananagot ako sa Kuya ko, which is the President of R&R.  Si Mrs. Bryant nagpapakananay lang yon. Understood?

Sumagot naman silang lahat... "yes Sir."

Richie:  Pearl and Francine go back to what you are doing. Manong make sure laging may tao sa main door, kung kailangan ninyong umalis make sure na may kapalit kayo.  Okay lang ako ang dumating papano kung babae ang dumating para maglipat, eh di walang nakatulong.

Manong Guard:  Yes, Sir.  hindi na po mauulit.

Richie: Sige na go back to your post.  Si Noel na ang tutulong sa akin.

Noel:  Sir, okay na ho ba, iaakyat na ho ba natin ang mga gamit ninyo?

Richie:  Hindi, marami pang gamit sa kotse.  Halika kunin na natin.

Makalipas ang kalahating oras naipasok ng lahat ng gamit ni Richie sa unit niya.

Noel:  Sir, kailangan ninyo ng tulong?  Wala naman masyadong ginagawa sa ibaba eh.

Richie:  Sige, yun lang washing machine, nandon na yon sa laundry area matagal na hindi ko lang alam ikabit eh. 

Noel:  Automatic ba Sir?

The Faith I Found In You (Leap of Faith Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon