Chapter 10 - Trying

1.1K 103 14
                                    

Dumaan naman ang dalawang araw simula ng magkasama silang namili ng gamit sa eskwela na hindi nagbabangayan sila Richie at Arbie.   Pareho nilang pilit na pinagaaralang pakisamahan ang isa't isa.  Nasa salas nakasalampak si Weng at nagbabalot ng mga libro niya.

Richie:  Wala bang nabibili na plastic cover na gawa na?  Pahirap pa yan eh.

Arbie:  Ang tamad mo talaga, kapag hindi mo binalot yan madali yang masisira.

Richie:  Hindi yan, maingat naman ako sa mga gamit ko eh.

Arbie:  Teka nakakahalata na ako ah, ikaw nga ang bumili ng plastic cover na ito, nakikihingi lang ako eh.  Eh di ibig sabihin may balak kang balutin ang mga libro mo, oh eh bakit ayaw mo ng balutin?

Richie:  Wala lang, I just changed my mind.  Bahala na, kapag sinipag ako, iwan mo na lang dyan  yung hindi mo magagamit na plastic.

Arbie:  Tinatamad ka ba talaga, oh hindi ka marunong magbalot ng libro?

Namula ang mukha ni Richie, napapahiya.

Richie:  Eh may ate akong nagbabalot ng libro ko since I can remember tapos idagdag mo pa si Mommy ang nageenrol sa akin so bago pa makarating ang libro sa akin nakabalot na kaya wala akong chance para matutunan yon.

Arbie:  Akin na nga mga libro mo, ako na ang magbabalot.

Richie:  Huwag na, I can live na hindi yun nakabalot.

Arbie:  Huwag kang maarte ilabas mo na, ako magbabalot ikaw maghawak ng libro para mas mabilis tayong matapos.

Napakamot na lang si Richie sa ulo at inilabas ang mga libro. Pinanonood niya kung paano ang ginagawa habang hawak na nakatayo ang libro.

Arbie:  Oh madali lang diba. Pero okay lang yan, am sure hindi lang ikaw ang lalaking hindi marunong magbalot ng libro.  Isa pa ikaw naman ang bumili ng plastic eh. Kaya okay lang yon kung baga ikaw ang nagsupply ng materials ako naman ang manpower kaya quits lang tayo.

Richie:  Salamat housemate ha.

Arbie:  You're  very much welcome housemate.  Pero pahiram ako ng washing machine bukas ng umaga, kailangan kong maglaba ng mga pamasok ko na pinamili namin ng Kuya ko.  

Richie:  Bakit lalabhan, eh di ba bagong bili nga?

Arbie:  Hindi kami kasing yaman mo, sa Ukay-ukay namin binili ang mga yon.  Kaya kailangan labhan.

Richie:  Ah okay, sige lang you can use anything  you need. May liquid detergent at fabric softner din ako diyan.

Arbie:  Hay salamat, buti na lang meron para maaga akong makapaglaba. Ikaw anong plano mo bukas?

Richie:  May breakfast  meeting ako, darating bukas yung mga classmates ko nung high school na dito din magaaral kaya magkikita-kita kami pagdating nila.

Arbie:  Ang saya naman, buti ka pa may kakilala ka sa school.  Ako wala eh, pero siguro naman mababait ang mga tao dito.

Richie:  Don't worry ipapakilala kita sa kanila. Kapag wala kang naging friend sa first day of class, you can always hang out with me. Housemate naman tayo eh di friends na din yon.

Pinilit na ngumiti ni Weng, kahit medyo kinakabahan at nalulungkot siya.

Inubos nila ang oras ng araw na yon sa paghahanda ng mga gamit nila para sa eskwela. Kinabukasan, nagising si Weng bandang ika-pito ng umaga. Sarado na ang pinto ng kwarto ni Richie pero  nakalagay sa may tabi ng main door ang isang laundry bag na may maruming damit.

Nagtimpla siya ng kape at nagtoast ng slice bread at nilagyan ng butter. Yun na ang agahan niya.  Kailangan  niyang magtipid.  Kapag hindi siya nakahanap ng  pagkakakitaan, kailangang mapatagal niya ang natitirang pera niya para sa pamasahe at pagkain. May utang pa siyang babayaran kay Richie.  Nang may magdoor bell. Pinagbuksan naman ni Weng si Noel.

The Faith I Found In You (Leap of Faith Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon