Chapter 9 - Beastmode

1.2K 99 11
                                    

Kinabukasan, nagising si Weng na naiinitan. Nagmulat siya ng mata at iginala ang paningin.

Arbie:  Susmaryosep dito ako sa labas nakatulog!

Kinapa ang dibdib, ang tiyan at ang pagitan ng hita ng maramdamang nakakumot siya nakahinga ng maluwag. Malikot siyang matulog at kapag maalinsangan inililiis ang damit or worst naghuhubad siya habang natutulog.  Naupo siya sa sofa, pilit inaalala kung anong nangyari ng nagdaang gabi.  

Arbie:  Wala akong balak matulog dito dahil alam kong hindi pwede nakikinig lang ako kay Kuya at nakatulog ako at marahil si Richie ang naglagay ng unan at kumot sa akin.  In fairness mabait naman pala talaga siya.

Itinupi niya ang kumot at binibit ito pati ang unan at ang kanyang cellphone papasok ng kwarto.  Iniayos yon sa kama niy. Kinuha ang charger at isinaksak ang phone niya.  Nagpunta siya ng kusina at nagtimpla ng kape.  Tinignan niya ang rice cooker marami pang natirang kanin.  Naisipan niyang gumawa ng Yang chow rice. Naghiwa siya ng bawang, puting sibuyas at onion leaks, kumuha ng dalawang hotdog at hiniwa ng maliliit at  gumawa ng scrambled eggs.  Binuksan niya ang exsaust fan. Isinangag ang mga ingredients na yon sa butter at tsaka inilagay ang nilamas na kanin.  

Naisip niya may hotdog at itlog na ang kanin at may natira pang konti ng baboy kaya magpiprito na lang siya ng daing.  Nagpainit siya ng mantika at isinalang ang apat na piraso ng daing na galunggong.  Halos patapos na ang piniprito ng magising si Richie sa amoy ng daing.

Bumangon ito ng nakakunot ang noo. Lumabas ng kwarto...

Richie:  WHAT THE FUCK IS THAT SMELL?

Hindi pinansin ni Weng ang pagsigaw nito.

Arbie:  Good morning housemate! Daing na galunggong ang sarap ng amoy no?

Richie:  ARE YOU CRAZY?!

Binitbit ang kawaling may galunggong at inilabas sa veranda.  Humabol naman si Weng.  Ipinatong ni Richie sa silya ang kawali tsaka isinara ang pinto.

Richie:  Aren't you thinking?  Eh di amoy daing na yang buong unit natin? Rule #3... Bawal magluto ng maamoy na pagkain sa kitchen tulad ng daing, tuyo at bagoong.   Kakapit sa walls, clothes and everywhere ang amoy non eh.

Arbie:  Ang arte mo!   Ang OA mo naman, may exhaust fan na nga sa kitchen eh.

Richie:  Kahit pa, sige nga pumasok ka sa  loob... nadala ba ng exhaust ang amoy niyang daing mo?  Hindi di ba at umabot hanggang sa kwarto kaya nga ako nagising eh.

Arbie:  Grabe ka naman para amoy lang ng daing eh, mawawala din yon no!  Napaka-arte mo daig mo pa ang sosyal na babae sa kaartehan... sobrang ayos, sobrang organized daig mo pa ang babae eh.  sigurado ka ba na lalake ka ha kasi habang nakakasama kita mas  lumalamang na babae ang tingin ko sa yo eh.

Richie:  This is my Unit at susundin  mo ang gusto ko!   Ayoko ng makalat, ayoko ng maamoy ang paligid at lalong ayoko ng mabaho.  Kung may problema ka sa mga rules ko walang pumipigil sa yo. You can leave!

Nanlaki ang mata ni Arbie... kumunot ang noo.

Arbie:  Eh di lumabas din ang totoo... gusto mong umalis ako! Hindi mo lang ako mapaalis dahil pirmado mo ang contract na hawak ko.  Umalis ka nga sa harap ko at iwan mo yang daing ko dyan! 

Nagulat si Richie sa sinabi nito, wala sa isip niya ang sinabi nito.  Hindi naman niya gustong umalis si Arbie pero hindi siya nakapagsalita.  Dahil hindi naman talaga siya sanay na nakikipagtalo.  Umamba ng suntok si Weng.  

Arbie:  Umalis ka nga sa daan bago pa kita masapak... bwiset!!!

Nagulat si Richie, hindi niya inaasahan yon. Napaatras... hinawi siya ni Weng papasok ng  kusina.  Natunganga lang si Richie. Pinagmamasdan lang ang ginagawa ni Weng habang bumubulong sa sarili.  "Ang daming arte, akala mo kung sino, pagaari mo ba pati hangin na hinihingahan ko ha!  Akala mo mamamatay ka sa amoy ng daing, san ka naman nakakita ipinagluto mo na galit pa, bwiset talaga!!!"

The Faith I Found In You (Leap of Faith Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon