•[5] PERIODIC TABLE OF ELEMENTS•

462 36 0
                                    

"PERIODIC TABLE OF ELEMENTS"
(SCIENCE)
*SPOKEN WORD POETRY*

Mahal ?

Ayus ka lang ba?

Ano ba yang pinagkakaabalahan mo't nagkakaganyan ka?

Tila may problema kang iniinda,

Kunot noo ka na naman at mukha'y di maipinta,

Kumain ka naman di ba?

Bakit parang ika'y balisa?

May sakit ka ba?ha?

Hmmm...

At ano yang hawak hawak mo?

Ayy Ou nga pala noh!

Nag-rereview ka nga pala para sa Exam niyo,

Bukas na yan di ba?

Kaya naman pala todo aral ka,

Ano nga palang subject yan?

Siyensiya ba?

Periodic Table of Elements ang topic?

Kaya pala todo ka sa pagkakabisa,

Mahal , Gusto mo ba na turaan kita?

Hindi ko na masyado na saulado
yan pero pangakong matuto ka,

Alam mo mahal , OXYGEN kita ,

IKAMAMATAY ko kung wala ka,

Ang dating puso kong sugatan,

Dahil sayo nagHELIUM na ,

Salamat sayo Mahal kasi natitiis mo aking kakukitan ,

Kahit medyo may pagkaBISMUTH ka na,(Beastmode)😂

Ang CALCIUM , pampatibay ng buto!

Pero ikaw , pampatibay ng PUSO ko!

Ikaw ang GOLD ko !

Ikaw ang SILVER ko!

Kasi may HALAGA ka sa buhay ko!

Ikaw ang KAYAMANAN ko!

HYDROGEN ? H20 ? WATER ? TUBIG?

Kapag nauuhaw yan ang kailangan pamatid,

Parang PUSO kong uhaw sa pag-ibig!

Pag-ibig na nais ko'y sayo lang masapit!

Handa kong inumin lahat ng pagmamahal mo !

Kahit ilang GALLIUM pa ng tubig yan! Gagawin ko !😂

Ituturo ko sayo ang daan patungo sa puso ko na kung saan nakalaan ang pag-ibig ko !

I will LEAD you the way ,!
Hanggang sa matagpuan mo na ang isang AKO,

EUROPIUM mo ako ,

Kasi "Eu" lang ako,

Ou sayo lang ako mahal ko!

Pero sana akin ka lang din gaya ng pagkakasabi ko!

Ang buhay ko pag wala ka ay parang MEITNERIUM ,

Kasi MT ,

Ou MEITNERIUM mahal ko!

Kasi EMPTY(MT),😌

Walang laman ,

Walang buhay ,

Kasi wala ang isang ikaw!

Sana nakatulong ako kahit pano ,

Sana napagaan ko yang nadarama mo ,

Sana pumasa ka sa exam bukas!

Sana pumasa din ako sa puso mo!😊

Sana may maisagot ka bukas!

Sana sagutin mo na rin ako!😌😊
Ng DALAWANG MATAMIS NA OXYGEN! para "OO"!

IODINE ! LANTHANUM! VANADIUM ! URANIUM! (I LA'V U)💕

I LOVE YOU !!!😊💕💕

May pahabol pa nga pala akong elemento para sayo!

Pasensya nakaligtaan ko!

Pero wag kang mag-alala MAGANDA to parang mukha mo!💕😊

Handa akong gawin lahat para sayo mahal ko!

Handa akong i-alay lahat !

Even MY 'SULFUR' YOU~💕😊

Ulitin ko !

Para mas lalo mong mapagtanto !💕😊

Handa kong ibigay at i-alay sarili Kong buhay mahal ko!

Even MY OWN 'SOUL FOR' YOU~😊💕

Inulit ko yan kasi MAHAL KITA!

Kasi mas masaya kung inuulit ang pag-ibig para damang dama!

"Ikaw ang nawawalang ELEMENTO ng buhay kong mala FORMULA,

Ikaw ang matagal ko ng hinahanap hanap at sa wakas nakita na,

Para akong SCIENTIST ng PAG-IBIG ,

Kasi NADISKUBRE kong MAHAL kita"

PS:RELATE BA ??😂💕SANA MAGUSTUHAN NIYO!

By ICElikeEYES

Ice's Spoken Word Poetry(Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon