•[20] CRUSH NGA BA?•

137 19 8
                                    

"CRUSH NGA BA?"
*SPOKEN WORD POETRY*

Dear crush,

Alam mo ba ?

Crush kita,

Pero malamang sa malamang hindi mo alam...

Na sayo'y may paghanga,

Oo crush kita dating dati pa,

Noong una palang kita nakita ako'y nabighani na,

Kakaiba ka kasi sa mga nakilala,

Meron kang gandang pinaghalong dyosa't diwata,

May ugaling Maria Clara,

Mahinhin,maaliwalas ang mukha,

Parating nakangite ang mga mata,

Ang mga labi'y mapupula,

Kaya naman, puso ko'y kaagad...nabihag mo na,



Gusto kita parating makita,

Ang yong mukhang kaakit-akit at nakakadala,

Di ko maiwasang ang saya'y magmarka,

Yung parang timang na ngingite na lang bigla,

Pasulyap-sulyap ako sa iyo,

Kapag malayo ang 'yong tingin ay titingin ako,

Pinagmamasdan ka ng palihim at patago,

Kasi sa mata na lang kita kayang angkinin ng buo,



Kahit malabo na maging tayo,

Kasi nga.. langit ka,at heto lang ako,

Walang maipagmamalaki bukod sa aking puso,

Kaya di na ako aasa pa kasi nga... malabo,

Baka nga hanggang tingin na lang ako...

Baka nga hanggang sulyap na lang ito...



Dear Crush,

Crush nga ba kita ?

Ayy mali pala...

Crush nga LANG ba kita ?

Kasi kung crush lang,

Bakit gan'to ang pakiramdam,

Kahit sa panaginip parati kang nandyan,

Napagkakamalan kong ikaw yung nakakasalubong sa daan?

Parating tulala at iniisip ka,

Ngingite sa tabi na parang tanga,

Hindi mapakali sa isang tabi kung di ka makikita,

Ngayon? Crush nga lang ba kita?

O....matagal ko nang niloloko ang sarili ko dahil ang totoo...

MAHAL NA KITA,

Dear Crush,

Ngayon alam ko na,

Na hindi na ito paghanga o kung ano pa,

Hindi ito basta na lang naramdaman ,

Hindi ito tumibok na lamang,

Ngayon alam ko na,

MAHAL KITA..

"Yung dati'y crush kita,

Ngayon, MAHAL NA"

-ICE❄

PS: Oh? Mahal mo na ! 😂ang poproblemahin mo na lang ay ang katagang.."Mahal ka ba?"(joke lang😂)
PSS:Sana magustuhan nyo!

By ICElikeEYES





Ice's Spoken Word Poetry(Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon