•[7] THE TEN-YEAR GAP•

225 26 2
                                    

"TEN-YEAR GAP"
*SPOKEN WORD POETRY*
By Kuya Ice

"He was 25 years old while I was just 15 years old when I first met him.
That was also the time I thought that age has nothing to do with love... or has it?"
->The Ten-Year Gap💕

Agwat ng edad?

Sa paghahanap nga ba ng pag-ibig kelangang alamin muna ang salitang EDAD?
Kelangan bang pareho at tama yung AGWAT?

Kelangan ba tingnan muna yung BILANG bago yung PAGKATAO?
Kelangan bang parating pareho yung numero?

O di kaya'y lamang ka ng konti,
O kaya naman siya yung lamang sayo ,

Ang Pag-ibig ,

Hindi yan parang pamimili sa palengke na itatanong mo yung presyo,
Na itatanong mo yung HALAGA kung MAGKANO,

Kasi ang tunay na Pag-ibig ay hindi nababayaran ng pera o ng kung anuman,
Kaya kapag dumating siya sayo wag mo nang pakawalan ,

Wala yang pinipiling agwat o distansya ,
Kusa mo yang mararamdaman yung tipong di mo inakala,
Ou , yung tipong nagulat ka't di makapaniwala ,
Na maaari palang umibig kahit ilang ulit pa ang edad mo sa kaniya,

.
.
.
.

Ako'y isang hamak lang na tagasilbi sa isang pilyang babae,

Isang dukhang walang yaman at maipagmamalaki,

Isang lalaking kahit pagod na pagod na'y nakangite,

Isang lalaking matibay at di pagagapi ,

Taga-gapas ng damo sa bakuran,
Taga ligpit ng kalat sa daan,
Tagahatid sundo sayo hanggang eskwelahan,
Taga bantay mo kung maylakad ka man kung saan,

Sa bawat paglipas ng araw ay may naramdaman akong kakaibang pakiramdam,
Pakiramdam na hindi tama kaya't nais kong pigilan,
Ngunit sa bawat pagpigil ko'y mas lalo pa atang lumalala,
Lumalala ng lumalala hanggang sa natanggap ko nang mahal kita!

Mahal kita kahit ilang beses mokong pinagtabuyan,
Mahal kita kahit ilang beses ginawan ng kalokohan,

Hindi ako magsasawa na mahalin ka kailanman!
Hindi-hindi kita susukuan!

Ngunit..

Sumagi saking isipan na malaki ang distansya ng ating edad,
Na hindi lang antas ng buhay ang malaki ang agwat,
Hindi lang basta dalawa o isa ang pagitan ng edad natin,
Kundi sampung taon akong mas matanda sayo kung iisipin ,

Pero sadyang mapagbiro ang tadhana,
Umamin ka sakin na ako'y mahal mo din pala,
Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman kung saya!
Sayang handa kong baunin saan man magpunta,

Lubos ang saya nating dalawa ,
Yung kikilitiin kita hanggang sa tumawa ka!
Yung handa akong magpaka-isip bata!
Yung sasamahan kita san ka man magpunta!

SNOW....

Paborito ko talaga ang snow,

Gusto ko talaga ng snow,

Gusto kong makakita ng snow,

Gusto ko kasama kita kapag nakita ko ang snow,

"You remind me of snow , Cold yet Beautiful"
->The Ten-Year Gap

Ikaw mahal ay parang nyebeng kay lamig nga pero may nakatagong gandang nakalagak,
Mapagkunwari na mataray o matapang pero may pusong busilak,

Isang babaeng nagpapapansin makakuha lang ng sapat na atensyon,
Kaya naman gagawin ko ang lahat para mapunan lahat ng yon,

Naalala ko tuloy nung nagproposed ako sa iyo!

Dahil handa kang magpakasal sakin sa edad na dalawampo!

Ikaw at ako , sobrang saya natin ,

Yung pareho tayong sumumpa sa ilalim ng nagnining-ning na mga bituin!

Kasabay ng ning-ning ng mga mata mo!
Kasabay ng mga pangakong ating binuo....

Ngunit hindi lang pala mapagBIRO ang tadhana,
Marunong din pala itong magLARO........

Isang di inaasahang pangyayari na nangyari ng hindi inaasahan,

Isang pangyayaring ....

Kay sakit...

Ubod ng sakit..

Bumabaon ang hapdi at kirot sa puso...

Na ang masayang pagsasama natin'y may kaakibat na pighati sa dulo...

" Sorry kung hindi ko na matutupad ang mga pangako ko sayo Cruzzete ko,
Aalis na ako.Pasensya na kung hindi na kita mapapakasalan"😢
->The Ten-Year Gap

Mukang ang Pinky Promise natin sa isat-isa'y dito na magwawakas,
Parang naglakad sa buhanginan at naiwan lang yung bakas,

Tanging ala-ala ko na lang ang mapapabaon sayo mahal ko,
Pasensya na kung hindi ko natupad aking mga pangako...

Basta lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita ,

Wala man ako sa tabi mo ,
Isipin mong binabantayan kita sa malayo,
Nawala man ako sa mundo, Hindi ka naman mawawala sa Puso ko....
.
.
.
.
.
"Pinagtagpo nga...
Ngunit hindi tinadhana..."


PS: Para sa mga nakapagbasa at magbabasa palang! Ah, sorry kung medyo maypaka-spoil ,pahapyaw lang naman yan🙈
PSS:Sana magustuhan niyo😊💕

By ICElikeEYES

Ice's Spoken Word Poetry(Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon