•[26] MOVE ON?•

104 16 4
                                    

"MOVE ON?"
*Spoken Word Poetry*

"Move on...kay daling banggitin,

Pero kay hirap gawin"

     -Ice❄

Ilang beses mo na bang nasabi sa sarili na magmu-move ka na?

Isa ? Dalawa? Tatlo? o higit pa?

Ako kasi....di ko na mabilang!

Parang pagpatak ng mga luha ko sa higaan,

Ang hirap kasing kalimutan,

Imbes na takbuhan ang nakaraan bagkus pang binabalikan,

Inakala ko nga dati na ang dali lang,

Parang nung gabi na sinabi mong "Ako lang",

Agad ko yang pinaniwalaan,

Ako'y umasa ,at iyan ay pinanghawakan,

Umaasang sana'y huwag mo 'kong bitawan,

Naging masaya tayong dalawa,
Yung bakas ang mga ngite sa mga mata,
Pawang mga puso'y naging isa,
Binubusog ng pag-ibig ang isa't isa,

Araw-araw magkasama magka-usap,
Kamay ay magkahawak,
Mga halik at mga yakap,
At sabay na nangarap,

Pangarap na hindi natupad,
Mga pangakong kung san na napadpad,
Napako naglaho na parang bula,
Nagpaloko sa isang taong inakalang siya na nga!

Nagpakatanga ng ilang ulit,
Di iniinda yung sakit,
Walang paki sa masasapit na pait!
At umaasa pa rin na sana'y bumalik,

Kaya di nyo ko masisisi kung nahihirapan ako,
Nahihirapang kalimutan ang mga ala-alang nabuo,
Ala-alang sobrang tumatak,
Ala-alang sa dibdib ay kay bigat,
Ala-alang masaklap,
Mga ala-alang...nagturo sakin kung paano umiyak,




Gustong-gusto ko nang makalimot at sumuko,
Pero tila may pumipigil na kung ano,
Pilit ko itong nilabanan at pinigilan,
Kahit sobrang hirap na wakasan ay kailangan,

Move On!

Kahit masakit...kailangang tanggapin,
Kahit mahirap...kailangang gawin,

Move On!

Wag nang umasa't magpakahangal!
Kasi hindi ka na nya mahal!

Move On!!

Pina-ikot-ikot ka lang niya!
Ginawang laruan at iiwan na lang pag nagsawa na!

Move On!!

Wag nang umasa pa!
Di na siya babalik pa!
Masaya na nga siya di ba?
Sa piling ng iba!

Move On!!

Tama na !
Wag na ipaglaban kung alam mo na namang SUKO na SIYA!

Move On!!

Move On!!




Nagawa ka niyang iwan ng ganon-ganon na lang!

Kaya ipakita mo na kaya mo rin na iwanan ang mga alala at huwag nang balikan!

Ipakita mo na hindi siya hadlang!

At mas lalong hindi siya kawalan!

Kaya ang mabisang paraan??

MagMOVE ON KA NA LANG!!

O kaya ikain mo na lang!✌😋

"Mahirap talaga bumitaw kung matagal mo na itong pinanghawakan,

Pero kakapit ka pa rin ba sa taong may iba Nang kinakapitan?"

-ice❄

PS:Para sa lahat ng hindi pa makakamove On diyan! 😄
PSS:Anong feeling? Diba masakit?✌😂
PSSS:Sana magustuhan nyo!

By ICElikeEYES

Ice's Spoken Word Poetry(Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon