•[37] BAKIT AKO PA?•

16 1 0
                                    

"BAKIT AKO PA?"

(The Revelation)

*Spoken Word Poetry*

By Kuya Ice❄️

"Kulang, hindi kumpleto,

Mahina, sa mga isip na sarado,

Kutya, tukso, lahat sinalo,

Pero, nang ika'y dumating na--

ako'y nabuo"

-Ice❄️

Bakit ako pa?

Ang tanong na bumubulong noon pa,

Bakit ako pa?

Sa daming taong masama--- sa'kin pa napunta,

Itong sinapit na sakit na minsang tinuring na sumpa,

Na sa murang edad, bigat ng reyalidad agad ang dinala,

Bakit ako pa?

Laging nasa isip paulit-ulit binabanggit,

Itong dagta ng pait na parati kong bitbit,

Itong sakit sa dibdib na tila dumidikdik,

Sarili'y minaliit at tila ayaw ng pumanhik,

Masakit, sobrang sakit---

Hindi lamang sa pisikal,

Kundi pati na rin sa mental,

Maging ispiritwal na kaisipan ay naapektuhan,

Pananampalataya ay tila nawala ng panandalian,

Sinisi ang Panginoon? Pag-asa'y naglaho?

At binato ng mga tanong---

Bakit mo ako pinabayaan?

Bakit mo kami pinabayaan?

Bakit ko ito nararanasan?

Nasaan na ang kaligtasan?

Bakit.... Bakit..??

Pero aking napagtanto,

Na mali ang mga salita't tanong na aking binato,

Wala akong karapatan o ang sinuman na Siya'y sumbatan,

Marahil, may plano siya, kasi lahat ng bagay ay may dahilan,

Parang--

Kapag may nawala? May papalit...

Kapag may umalis? May dadating na bago..

Kapag malungkot? May magpapasaya...

Kapag may nagkulang? May bubuo...

Sa ngayon, kulang ako...

literal sa pisikal,

Pero masaya at kumpleto...

kung usapang emosyonal,

Pakiramdam ko'y ako'y buo at walang nawala,

Dahil may mga tao pa ding naniniwala sa kakayahan at talento kong dala,

Message:

Hi? Ako si Kuya Ice, Sorry ngaun lang nagparamdam at nakagawa ulit hehe... Pero gusto q lang magpasalamat sa inyo..kasi kahit medyo matagal aqng nawala, ay, nandyan pa rin kayo at tumatangkilik sa mga works ko,❄️☹️💓, Sa totoo lang, di ko alam kung paano ko to sisimulan, kung pano ko sasabihin sa inyo yung THE REAL ME, yung totoong ako, yung walang tinatago, sorry guys, siguro takot lang ako majudge dati? May part kasi sakin na natatakot ako kung ano magiging reaksyon niyo? Kung tatanggapin niyo pa din ako after ko sabihin ang sikreto ko, Hindi sa mababaw yung tingin ko sa inyo or wala akong tiwala, siguro sa sarili ko, noon, wala akong tiwala, pero ngayon? Ready na 'ko, di ko lang alam kung kayo ready na, hehe, siguro marami mashoshock? Magugulat, after niyo mabasa to... pero sana, walang magbago, gusto ko lang magpakatotoo...

Isa po akong PWD or sa makatuwid?

Meron po akong kapansanan, 5 or 6 yrs old ako nung nakuha q tong kapansanan na toh.. At that very young age, ang daming nabago sa buhay ko.. Masakit mawalan ng paa... Tama po kayo ng nabasa, nawalan po ako ng kanang paa, masakit, pero mas masakit pala ang mawalan ng ama, at nangyari lahat yan sa iisang gabi, na ambush po kami habang sakay kami sa single na motor, ang tatay, ang nanay ko at ako, Pinaulanan ng bala, at pinatay ang tatay q ng walang kalaban laban, at isa aq sa nagtamo ng maraming tama ng bala, sa siko, sa kaliwang tuhod.. At ang pinaka napuruhan ay ang kanan kong tuhod... Kung kaya naging dahilan ito upang maputol...kasi wala na talaga....

Dahil sa nangyari... 3 years akong nagstop ng pag-aaral.. Para magpagaling.... Para hanapin ung sarili ko... Nag-aral akong maglakad gamit ang naging sandata q sa pang-araw araw kong buhay.. Ang saklay...mahirap sa simula, ilang beses nadapa, pero, hindi sumuko, kasi gusto ko, Pero hindi lang naman yan, pati rin sa pamilya ko, ang tunay kong saklay na handang umalalay at naging pundasyon ko para magpatuloy muli sa buhay,

After 3 years nga ng pagpapagaling, nag-aral aq ulit, grade 1 aq non, mahirap sa simula, kasi mahirap kapag naiiba ka sa kanila, kukutsain ka? Lalaitin ka? Sasabihan ng masasakit na salita, but I manage to ignore them, ignore lang, mapapagod din sila, then, lumipas ang mga taon, nasanay na rin aq, Buti na lang iba yung mga kaklase ko non, mababait sila, tanggap nila ako, nung elementary kasi aq, marami aqng gustong gawin na bawal, kasi baka mapagod daw ako? Mahirapan? Hindi ko kakayanin kasi malayo?, ang nasasalihan ko lang non na competition ay more on Poster making, dun kasi aq marunong,

Nung naghighschool ako, dun q napakita yung totoong ako, yung mga kaya kong gawin, yung mga gusto ko, naranasan kong makipagcompete sa different schools, sa loob man o sa labas ng paaralan namin, in terms of arts, quiz bee, board games like chess, damath and math checker, at marami pang iba, minsan nananalo, minsan natatalo, ganon naman parati, masaya naman kasi aq sa experience na nakuha ko, yung award kasi bonus na lang yun eih, yung karanasan talaga yung mahalaga kasi mas matututo tayo don,

Sa kasalukuyan, Grade 12 na po aq ngayung pasukan, sa Lunes, June 10, start na po ng pasukan namin.. 😊❄️

Hmm.. So ayun guys, hindi q na kinuwento ng super detailed kasi baka magmukha ng MMK ito kulang na lang ng Dear Charo... Hehe charot lang guys😊❄️ just keep smiling guys...😊❤️

So ayon guys,

This Is ME... THE REAL ME... 😊❄️ I'm a PWD, and I'm proud of it, Isang makata. I'm Ice❄️

Ice's Spoken Word Poetry(Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon