•[17] GITARA•

127 20 10
                                    

"Gitara"
*Spoken Word Poetry*

"Sa paghawak ko sa gitara...

Sa aking bawat pagtipa....

Ay tila aking naalala....

Ang dating TAYONG masaya...

Na mistulang musika...

Na likha nitong gitara..."

-Ice❄
-
-
-
-
-
Kasama kita ngayon,

Malalim ang titig sa isa't isa na mistulang balon,

Pawang nakangite ang mga mata,

Sumisimbolo ng salitang MASAYA,

Napatulala ako saglit sabay kinuha ang gitara,

Huminga ako ng malalim upang mag-alay ng harana,

Tila di nakakasawa ang mukha mong kay ganda,

Tila di na ata mapipinta ang sayang aking dala-dala,

Ang sarap sa pakiramdam!

Maaliwalas sa katawan!

Tila lahat ng problema'y
nakalimutan,

Salamat sa iyo aking mahal,

Sinimulan ko nang tumugtug,

Kasabay ng pag 'TUG! TUG!' ng PUSO kong tila nabugbog....

Sayong pagmamahal!

Kahit medyo kinakabahan sapagkat ika'y nasa harapan ay ipinagpatuloy ko!

Parang batang walang alam na tinatahak ang daan kung saan yung SAAN ay wala paring pake ! Basta ipagpapatuloy ko!

Sa gitara'y napahawak ako ng mahigpit,

Tila naglaho yung kanina'y tapang kong bitbit,

Nakapanghihina ang 'yong titig sumisikip aking dibdib,

Walang tigil sa pagkabog walang tigil sa pagpintig,

Napangite na naman ako ,kaso may halong pait,

May kahalong hapdi...sobrang sakit..

Puso ko'y mas bumilis pa yung tibok,

Di ko mawari kong itutuloy pa yung tugtog,

Tumipa muli ako ng string kaso bigla itong napigtal,

Napatingin ako sa aking mahal,

Hindi ito kumikibo,

Nakangite pa rin ito,

Napatitig ulit ako sayo,

Parang gusto ko lang titigan ka...

Parang gusto ko lang panoorin ka...

Ang naputol na string ay Sinubukan kong ibalik,

Kaso mukhang malabo na parang IYONG PAGBABALIK,

Bigla namang may kumirot sa aking daliri,

May hiwa pala kaya't ako'y napangiwi,

Pero walang sinabi ito sa nararamdaman kong hapdi,

Ang sugat sa puso kong daig pang nasawi,

Ayoko na....

Ayoko ng ganito....

Ang hirap.....

Pagod na ko....

Pagod na 'kong umiyak...

Subalit....Tumugtog parin ako...

Kahit may KULANG na'y ipinagpatuloy ko...

Kahit may KULANG na sa buhay ko...

Kahit WALA na yung ....

MAHAL KO...

Napatitig muli ako sayo...
Wala ka paring kibo...
Pano ka ba naman kasi gagalaw eh LARAWAN MO ang kaharap ko...

Larawan mong kay ganda...

Larawan mong ako ang nagpinta...

Kung pwede ko lang sana ibalik...

Kung pwede ko lang sana maulit yung halik...

Kung pwede lang yung SANA...

Kung pwede lang ulit makasama...

Ngunit.....wala na....

Kahit ganon....

Tumugtog pa rin ako...

Kumanta ako...habang tumutulo ang mga luha ko...

Habang inaalala ang mga ala-alang lumipas...

Kahit parang ayoko nang salubungin yung BUKAS...

Kasi ano pang HALAGA ng BUHAY ko....

Kung WALA na ang BUHAY ko...

Napatitig ulit ako sa'yong larawan...

Mukhang di na talaga titigil ang luha ko sa pag-uunahan...

Pinagmasdan kita...

Hinawakan at niyakap...

Kahit litrato lang ....

Kahit larawan lang....

Muli.....

Tumugtog pa rin ako...

Kahit paos na'y kumanta ako!

Kahit ka'y hapdi na ng mga daliri ko'y ....tumugtog pa rin ako...

Kasi sa pagtugtog ko ng gitara ...

Pakiramdam ko...ika'y aking kasama....

Kasi ikaw ang nagturo sa aking tumugtog nitong instrumento...

At ikaw rin ang nagturo...at nagpatibok ng aking puso....

Mahal ko....

"Sa pagtugtog ko ng gitara..

Ikaw agad ang na-aalala..

Mahal kita ....

Ito ang aking harana...."

-Ice❄

PS: Sana magustuhan niyo😍❄

By ICElikeEYES

Ice's Spoken Word Poetry(Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon