•[8] TORPE•

160 27 6
                                    

"TORPE"
*SPOKEN WORD POETRY*

"Yung mga torpe, sila talaga yung marunong maghintay"
->Ice

Palagi na lang bang ganto?
Yung nakatanaw ako sayo't pinagmamasdan ka sa malayo?
Yung puro nakaw tingin na lang ako,
Feeling ko nga stalker na ko sa kasusunod sayo!

Hayyyyy ,

Ang hirap talagang umamin!
Nahihiya ako , pano kung yung pag-ibig ko'y di mo tanggapin?
Pano kung mapahiya ako?
Pano ko sasabihin sayo na mahal na mahal kita!
-
-
-
-
-
-
Matagal na ko sayong may paghanga,

Paghangang napunta sa GUSTO KITA ,

Gusto na napunta sa MAHALAGA,

Mahalagang iningatan na napunta na sa MAHAL KITA,

Ou mahal kita!
Hindi mo man alam ,basta mahal kita!
Kahit masakit na may kasama kang iba! , basta Mahal kita!

Ako yung parating sumusulat sayo,
Wala mang bumalik na sulat sakin masaya pa rin ako,
Kasi kahit pano nakita kong napangite kita!
Na sa simpleng sulat sa papel ay napasaya kita!

Ako'y parang anino mo na sayo'y laging nakasunod,
Yung nakapamulsa't nakasandal sa pader at may jacket na suot,
Yung parating nakamasid saan ka man magpunta,
Tinitingnan ka sa malayo at tinitiyak na ligtas ka,

Isang araw....

Isang umaga kung saan tayo'y nagkabanggaan!
Mga bitbit mong libro't papel ay iyong nabitawan!
Napahiya ako ng sobra! , Biglang nataranta !
Nataranta't nabigla sa aking nagawa!

Dali-dali akong napayuko't pinulot ang mga libro,
Ngunit sa panghuling aklat kamay mo'ng nahawakan ko!
Tila nakuryente ang buo kong katawan!
Tila naistatwat hindi makagalaw!

Napatingala ako't nagtama ang ating mga mata,
At nakita ang mukha mong may bahid ng pagtataka,
Lalo akong nagulantang at napatulala,
Napatulala sayong mukha na mala-diwata ang ganda!

Ako'y biglang natauhan !

Ngayon ko lang din namalayan na kamay mo'y hawak ko parin,
Kaya dali-dali ko itong binitawan
at muli sayong napatingin,
Tatawa-tawa ka't ngingise kaya napangite na rin ako!
Ako tong lalaki pero bakit ! Kinikilig ako!

Di ko mapigilang mapangite ng abot langit ng umaga na iyon!
Ang sarap sa pakiramdam sarap ulit-ulitin bat ganon! d^_____^b
Ang ngite mong kay tamis tila minu-minuto kong nami-miss!!
Bakit kasi ang torpe torpe ko! Grabeh! Nakakainis! d>__<b

Akala ko'y iyun na ang huli nating pagtatagpo!
Meron pa palang kasunod na kabanata na parang sa libro,

May binibining nagpunta't naupo sa tabi ko,
Amoy pa lang ng buhok niya alam ko na kung sino to,

Ang babaeng minamahal ko ng patago,
Ang babaeng gustong gusto ko!

Sabay kaming bumaba dahil pareho ang destinasyon,
Sana kung gaano kapareho ang uuwian ganon din sana ang relasyon,
Ikaw kasi ang pangarap ko sinta!
Pero mukhang ang IKAW ay hanggang pangarap na lang talaga...

Sabay tayong naglakad sa dumidilim ng paligid,
Wala ni isang nagtangkang basagin ang tahimik,
Walang nagsalita ,tanging mga hakbang lang ng paa ang maririnig,
Tayo na nga lang dalawa pero ang dami pa ring BAKIT!!

Bakit di ko parin maamin?

Bakit di ko parin masabi??

Bakit ganon?

Binigay na nga ng Panginoon yung pagkakataon na makausap ka pero Bakit ...????

Pero bakit di ko parin masabi na MAHAL KITA!!

Hanggang sa nagkahiwalay na nga tayo dahil magka-iba ang ruta pauwi,
Parang hiniwalay din nito ang puso sa katawan ko tila ba nasawi!

Hanggang sa ako nga'y nakauwi at napatahimik sandali,
Napaupo sa isang tabi at sinimsim aking kape,

Buti pa yung kapeng to,MATAPANG !
Samantalang tong nararamdaman ko ,di ko man lang mapaglaban !
-
-
-
-
-
Nung araw ng mga puso ay nakaplano't nakatatak na sa isip ko na AAMIN NA AKO SAYO!
Aaminin ko na na MAHAL kita!
Na Gustong-Gusto kita!
Na handa akong maghintay ng gaano man katagal sinta!

Kasi Mahal kita.....

Mahal na Mahal kita....

Habang naglalakad ako patungo sayong tambayan,
Kay lakas ng pintig ng puso ko! Ang bilis ! Di ko mapigilan!
Nabalot na ng kaba ang buo kong sistema,
Pero di na ko aatras pa,
Di na ko uurung pa!

Natagpuan kitang nakaupo't mag-isa ,
May hawak na libro na tila nagbabasa ,

Ang swerte naman ng libro na yan!
Nakikita niya ang mukha mo ng malapitan! 😭

Napatigil ka sa pagbabasa ng ako'y tumayo sa harap mo,

Napangite ka ...
Kakaibang ngite...
Yung mga ngiteng ngayon ko lang nakita,
Mga ngiteng sobrang nagmamarka!
Yung mga ngiteng mapapangite ka na lang din pagkat nakakadala...

Huminga ako ng sobrang lalim,
Nag-ipon ng lakas ng lakas ng loob para sabihing....

"Mahal kita noon pa,
Mahal kita dati pa,
Pasensya ka na ngayon ko lang naamin,
Ngayon lang kasi nagkaroon ng lakas ng loob para sabihin,
Sorry kung duwag ako,
Sorry kung torpe ako,
Pero wala na akong magagawa pa ,
Mahal kita ,"

Kitang kita ko kung pano ka natulala,
Ang reaksyon mo'y nabalot ng pagkabigla,
Hinihintay ko ang sagot mo,
Hinihintay ko ang tugon mo!

Bigla ka ulit napangite ,

Ngunit sa pagkakataong ito'y may luha ng umagos sa mga mata mo,
Nakangite ka habang lumalandas ang mga luha sa pisnge mo,

Bigla mo kong niyakap ng sobrang higpit na tila ayaw mo na akong makawala,
Habong humihikbi ka'y inamin mong....
"Mahal din kita,
Kay tagal kong hinintay na umamin ka!
Mahal na mahal din kita!
Dati pa..."😢💕

Ang saya ko ...

Sobrang saya ko ...

Wala na atang mas sasaya pa sakin nang araw na yun!!

Hindi ko inaasahang , yung MAHAL KO ,

MAHAL DIN AKO ,..💕

"Mahal na Mahal kita sinta ko,Torpe man ako , Atleast yung puso ko , totoo ! "

PS: Medyo mahaba ,Hehe ,sana natapos niyo hanggang dulo!💕
PSS: PARA SA MGA TORPE DYAN! AMIN NA!💕

By ICElikeEYES



Ice's Spoken Word Poetry(Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon