•[15] SAYANG•

135 19 9
                                    

"Sayang"
*Spoken Word Poetry*

"May mga bagay-bagay talaga na hindi itinakda,

Mga pangyagaring dapat mangyari pagkat nakatadhana na,

Kahit masakit , kelangang tanggapin,

Kahit mahirap , kelangang lagpasan....

Kelangang maging matatag...

Kailangan....sapagkat kailangan...."
->Ice

Nakakalungkot na wala ka na...

Ang sakit... Sobra....

Parang gusto ko na lang maluha....

Parang gusto ko na lang din MAWALA...

Parang tamad na tamad kumain pagkat walang gana...

Parang naubusan ng lakas pagkat nakakapanghina...

Sobrang hapdi at kirot parang ilang beses hiniwa...

Parang batang nagmamakaawa...

Na sana ...

BUMALIK KA...

Pilit pinaniniwala ang sarili kahit nagmumukhang tanga...
Pinipilit ngumite at mag mukhang masaya....
Pinipigilan ang luha na bumagsak mula sa aking mga mata...
Habang ina-alala ang mga ala-alang malabong mabura...

-
-
-
-
-
-
-
Simulan natin ang kwento kung saan una kitang nakilala,
Unang beses palang kitang nasilayan...ay nabihag mo na!
Kabigha-bighani ang natural mong ganda...
Nagnining-ning na parang bitwin ang maaamo mong mata...

Napatulala ako sayo...
Parang nanonood ng magandang pelikula pagkat tutok na tutok sayo...

Parang bigla namang bumagal ang buong paligid...
Nang mapansin kong unti-unti kang lumalapit...
Sumisikip ang aking dibdib!
Tila di makahinga't bumibilis ang pintig!

Sinalubong mo ko ng ngite sabay binate ng "magandang umaga",
Habang binibigkas mo ang mga kataga'y tila ako'y napatunganga,
Hindi ko kasi akalaing mapapansin mo ako,
Talagang gumanda yung umaga ko't nabuo dahil sayo !

Dyan nagsimula ang kwento nating dalawa ,
Nagpakilala sa simula't kinilala ang isat-isa,
Hanggang sa lumalim ang ating samahan,
At tayo na nga ay naging matalik na magkaibigan!

Pero ang totoo'y hindi lang basta kaibigan ang tingin ko sayo,
Kasi simula palang sa simula alam ko ng iba 'to..!
Alam kong higit pa dyan ang aking nararamdaman...
Alam ko sa sarili Kong matagal na kitang MINAHAL...

Ou...
Matagal na kitang Mahal...

Di ko lang maamin sayo pagkat natatakot ako...

Ou...
Matagal na kitang Mahal...

Una palang kitang nakita ay nagkaroon na ng paghanga!
Hanggang sa Di ko na Malayan na MAHAL NA PALA KITA...!

Kasi Ou!

MATAGAL NA KITANG MAHAL!

Siguro nga'y takot lang ako na yung pagmamahal ko'y di mo ibalik,
Siguro nga'y duwag lang akong makaramdam ng kirot at sakit...

PERO HINDI NA NGAYON!

KASI HANDA KO NA ITONG IPAGLABAN...!

PARA SAYO....

-
-
-
-
-
Tinext kita ngayong gabi...

At sinabi sayo na bukas.." sa school ay maaga kang magpunta",
Sapagkat may sasabihin ako sayong MAHALAGA ,
Isang bagay na dapat ipinaalam ko na noon pa...!
Isang bagay na itinago ko sayo sinta mula pa sa umpisa,

Matapos yun ay pinikit ko na ang aking mga mata,
Ngunit sa pagpikit kong yun ay imahe mo ang nakita,

Bigla kang tumalikod at tumakbo palayo....
Pinilit kitang habulin ngunit ayaw umandar ng mga paa ko,
Tila di ako makaalis sa pwesto,
Pinilit kong sumigaw ngunit walang tinig na lumabas sa bibig ko...!

Bigla akong nagising....
Pawis na pawis at balisa...
Parang sobrang pagod kahit wala namang ginawa...
Napatingin sa orasan at napansing umaga na...
Napangite ako ng maalalang ang araw na ito ay mahalaga...!

Ang araw kung saan AAMIN na ko sa KANIYA!!

Nagmadali na kong nag-ayos para maunahan ko siya sa paaralan,
Wala pang labing-limang minuto ay nandun na ko !
Nakahinga naman ako ng maluwag nang di ko siya nadatnan,
Gusto ko kasi una ako sa kaniya para yung kaba ko mabawasan,

Umupo muna ako sa upuan at sumandal kasabay ng pagtunog ng cellphone ko,
Napangite naman ako agad nang pangalan mong nasilayan ko,
Binuksan ko ang mensahe at binasa,
Nakasaad sa mensahe na ika'y malapit na,...

Napasandal na lang ulit ako at naghintay...

Mga limang minuto ng biglang marinig ko ang Boses ng pamilyar na tao,

Ang MAHAL KO....

Napatingin ako sayo...
Nakangite ka ng sobrang ganda ,
Bagay na bagay sa iyong mukha..
Bigla mo kong tinanong kung ano yung sasabihin ko sa kaniya,
Mukha wala na talaga akong magagawa kundi umamin na...

May kabang sinabi ko ang mga katagang...

"MAHAL KITA...HINDI LANG BILANG KAIBIGAN...KUNDI MAS HIGIT PA...---"

Natigil naman ako sa pagsasalita nang mapansin kong siya'y lumuluha na...!
Lumuluha habang nakangite at masaya...
Pero mababakas sa kaniyang mata ang lungkot na dala,
Parang ang puso ko'y bigla na lang may pumiga...

Nagsalita ka habang ramdam ko pa rarin na ika'y nasasaktan...

At sinabi mo ang salitang...

"SAYANG"

At bigla siyang tumakbo kung saan...
Hinabol ko siya at pilit na inabutan...

Kaso bigla na lang akong nadulas at nadapa....

At pagmulat ko'y...

PANAGINIP LANG PALA....

Habol-habol ko ang hininga ko ,
Tila napagod sa panaginip na tila totoo...

Biglang may tumawag sa cellphone ko...
At lumitaw sa unahan ang ibang NUMERO....

Parang ayaw ko pang sagutin ...
Parang nakaramdam ako ng takot...

Sa huli'y sinagot ko din ito,
At napakinggan ang boses ng kabarkada ko,

Nagsalita siya...

"DRE.. Si-Si *insert name* ,
WALA NA SIYA,

NABUNGGO YUNG SINASAKYAN NIYA KANINANG UMAGA,

NADALA PA SIYA SA OSPITAL , NGUNIT.....WALA NA TALAGA...."

Napalunok ako....
Tila ang tagal magrehistro ng mga sinabe niya...
Parang mainit na kanin na gusto kong iluwa ,

AYOKONG MANIWALA ....

HINDI PWEDE ....

AAMININ PA KO EH...

NA MAHAL KITA...

HINDI KO KAYA.....

HINDI KO KAYA.....

Bigla ko namang naalala ang huling katagang sinabi niya sa panaginip ko....

"SAYANG...."

"Tanggapin...kahit masakit...
Bumitaw...kahit mahirap...
Kapagka nga tadhana na ang naglaro... Ang hirap na DAYAIN..."
-Ice

PS:Dahil antagal ko di nakapagpost ng SWP,Medyo hinabaan ko..😉💕busy eh hehe
PSS: Sana magustuhan niyo💕

By ICElikeEYES

Ice's Spoken Word Poetry(Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon