•[27] You're my Fantasy•

80 19 2
                                    


"You're my Fantasy"
*Spoken Word Poetry*
By Kuya Ice

"Gawin nating kaka-iba at mahiwaga,

Yung nababalot ng pantasya,

Yung mga bagay na pambihira,

Ang pag-iibigan nating dalawa"

-Ice❄

Mahal?

Gusto mo bang pumasyal?

Meron kasi akong alam na lugar!

Gusto mo bang sumama?

Pangako di ka magsisisi sa makikita!

Tsaka wag masyado nerbyosa ha?

Baka kasi bigla kang mabigla at mapatalon na lang sa tuwa!

Baka naman tumalon din ang puso mo sa iba?

Wag naman sana!

Subukan lang nilang agawin ang aking diwata!

Makakakita sila ng taong tinusta!

Oh tama na nga!

Balik na tayo sa hiwaga!



Sa pagkumpas ko ng kamay kasabay ng pagwagayway ng mga puno,
Lumiwanag tila sinag ang paligid san mang dulo,
Mga bituing nagnining-ning ay tila gumagalaw,
Mga halaman at mga damo ay tila sumasayaw,

Busog na busog aking mata!
Pero ang mas labis kong ikinasaya,
Na kasama kita sinta,
Na tila kumuryente sakin ng tuwa,

Hawak-hawak kita sa kamay nang kay higpit,
Ito na ang umpisa ng mahiwagang daigdig,
Ililibot kita san mo man naising magpunta,
Pakikiligin kita ng hiwaga hanggang puso'y sumaya,

Gagawa ako ng palasyo,
Matayog at gawa sa yelo,
Pero sinadya ko talagang makaramdam ka ng lamig,
Para ako ang magsilbing init at yakapin ka ng mahigpit,

Lalabas tayo ng dun nang magkahawak kamay,
Magkasama't magkasabay sa paglalakbay,
Handang umalalay sa oras na mahirapan,
Handang maging tulay sa mga daanan,

Ano man ang humarang sa'ting daanan?
Sino't ano man ang humadlang?
At kapag buhay mo na ang pinagtangkaan?!
Wala akong ititira sa kanila kahit isa lang,

Handa kitang protektahan,
Pangakong iingatan,
Hanggat kasama mo ako?
Ligtas ka pangako,

Ililipad kita sa himpapawid,
Yung sobrang taas hanggang mapakapit ka ng mahigpit,
Hihiga tayong dalawa at ang ulap ang magsisilbing unan,
Ang mahiwagang kalupaan ay sabay nating pagmamasdan,

Napatingin ako sa'king sinta,
Nagliliwanag ang mukha niya sa saya,
Ang mga ngite niya'y talagang nagmamarka,
Ang mga mata'y ngumingite ng kay ganda,

Napatingin ka sakin at sabay ngumite,
Tila may naramdaman akong kilite,
Ang puso ko....ang bilis ng pintig,
Di ko namalayan ma binigyan mo na pala 'ko ng halik,

Di ako makagalaw sa aking pwesto,
Daig ko pang iniputan ng adarna't naging bato,
Tila istatwa sa monumento,
Tila huminto ng panandalian ang pag-ikot ng mundo,

Ang sarap sa pakiramdam,
Na talagang ..napasaya kita ng lubusan,
Pero mas masaya ako na sumaya ka,
Na ako ang dahilan ng mga ngite mo't tawa,



Bumaba na tayo sa ulap at sa bahaghari dumaan,
Nagpadausdos pababa at bumagsak sa karagatan,
Sabay lumangoy hanggang dumating sa pangpang,
At Ibinagsak sa buhanginan ang pagod na katawan,

Nagkatinginan tayong dalawa,
Sabay natawa kahit walang nakakatawa,
Naupo tayo,magkatitigan,
Tila nag-uusap kahit hindi nag-iimikan,

Nagkaka-unawan,

Nagkaka-intindihan,

Bigla kang lumuha ...habang nakangite nang kay ganda,
Humikhibi pero hikbing may saya,
Niyakap kita't pinatahan,
Hinaplos ang likuran,

Kumalas ako't ikaw muli'y pinagmasdan...
Ang mahiwaga mong mukhang hindi matutumbasan...
Dahan-dahan kong inilapit ang aking mukha....
Hanggang sa magdikit muli ang mga labi nating dalawa....

"My fantasy,
And my reality"

-Ice

PS: Mamimiss ka namin miss AA,❄
PSS:Queen_of_Fantasy

By ICElikeEYES

Ice's Spoken Word Poetry(Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon