•[22] DEPRESSION•

78 13 3
                                    

"DEPRESYON"
*Spoken Word Poetry*

"Nakakalungkot isipin na...

Kung sino pa yung mga Mahal mo sa buhay...

Yun pa yung nag-da-down sayo"

-Ice

Nakakapagod din pala,
Sobrang hirap tila di makahinga,
Ang hirap magpanggap na OK ka,
Kahit ang totoo...ang sakit sakit na,

Ang hirap ngumite at tumawa,
Kay bigat sa dibdib na maging masaya,
Yung magbibigay ka ng halakhak,
Kahit alam mo namang...iyon ay pagpapanggap,

Bakit nga ba ganon?,
Pakiramdam ko,nabubuhay ako sa kasinungalingan,
Sa mga pekeng taong nakikipagplastikan,
Yung mga mapanghusga,mapangpintas panay mali mo yung nakikita,
Bulagbulagan sa maraming tamang iyong nagawa,

Ayaw muna sabunin ang sariling mantsa,
Ayaw muna ituwid ang mga gusot nila,
Kapag nagkamali ka ng konti agad mamumuna,
Babatuhin ka ng kutya at masasakit na salita,

Bakit ba ganon sila?,
Ano pa bang kulang kong ginawa?,
Saan ba ako nagkamali?,
Paano to nangyari?,

Mahal ko sila ng sobra,

Pero bakit yung balik sakin ay masama?,

Mahal ko sila ng sobra,

Pero sobra yata kung makaulila,

Mahal na mahal ko sila...ng sobra,

Pero bakit ganyan ang turing at pakitungo....
Kung makapanakit ay wagas...

Ahh.....siguro nga'y...

ANAK AKO SA LABAS...

Na hindi niyo 'ko minahal kahit kailan,
Na ang tingin lang sakin ay basura sa daan,
Walang kwenta sa inyong mga mata,
Tinuring na wala lang pagkat walang halaga,

Ang dami ko nang tinanggap na hirap,
Nakalimutan ko na nga ang salitang 'Pangarap',
Masyado na 'kong sinaid at walang tinira,
Kahit konti.....wala....

Gusto kong kwestyunin ang Diyos at magtanong,
Gusto kong lumapit sa Kanya't ibulong,
Ang maraming BAKIT na naipon,
Maraming tanong na gustong itanong,

Bakit??,
Bakit ko nararanasan ang sobrang sakit?,
Bakit parating may lungkot at pait?,
Bakit sobra naman yata?,
Bakit ba ako pa??,

Tila ayaw sakin ng lahat ng tao,
Tila isinusuka na ng mundo,
Ayoko pang sumuko pero ang hirap,
Pano pa 'ko mangangarap??,
Pano pa 'ko lalaban sa buhay na parati akong talo?,
Yung parating niyuyurakan ang aking pagkatao?,
Tinatapaktapakan ang dangal,
Yung sobra na 'kong hangal,
Ganyan talaga siguro...kapag wala sayong nagmamahal,

Minsan naisip ko na lang wakasan ang sarili ko,
Ilang beses hiniwa ang braso hanggang magdugo,
Ilang beses nagtangkang tumawid sa kalsada upang mabunggo,
Ilang beses tinangka ngunit lahat nang yon nabigo,

Bakit ayaw Mo pa 'kong mawala?,
Kulang pa ba ang pahirap na dinama?,
Kulang pa ba ang mga lait at kutya?,
Kulang pa ba ang mga masasakit na salita?,
Kulang pa ba ??,

Nakakapagod na,
Gusto ko na lang maglaho't mawala,
Bakit ba 'ko pinanganak pa?,
Wala naman akong halaga?,

Bigla naman akong nagitla nang may tinig na nadinig,
Napatingin ako sa musmos kong kapatid,
Bigla itong lumuha at titig na titig sa bagay kong bitbit,
May hawak pala akong patalim at tila kapit kapit ko ito ng mahigpit,

Napatingin ako muli sa paslit kong kapatid,
Iyak ito ng iyak na nagpasikip ng aking dibdib,
Nabitawan ko ang hawak ko kasabay ng pagpatak ng aking luha,
Tinungo ko ko ang kapatid ko at niyakap ko siya,


Ito na yun...

Ito na ang dahilan kong mabuhay,

Ito ang rason ko sa buhay,

Ang mahal kong kapatid,

"Hanggat may pag-asa,

Wag kang susuko,

Lahat ng bagay ay may dahilan,

Hindi yan basta binigay na lang,

Ibinigay yan upang maging aral at mas lalong tumatag,

Wag magfocus sa isang bagay bagkos tumingin sa panglahat,

Sarili natin ang unang-una nating matatakbuhan,

Sarili natin ang una nating mapagsasabihan"

-Ice

PS:First time ko magsulat ng ganitong genre , yung walang love as a couple ,pero may love as a sister/brother😉💓❄
PSS:Wag masyadong padepress,enjoy your life be happy!(kahit nasasaktan na)joke😂
PSSS:Sana magustuhan niyo😁

By ICElikeEYES



Ice's Spoken Word Poetry(Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon