•[31] Bakit PARANG TAYO?•

120 9 3
                                    

"Bakit PARANG TAYO?"
*Spoken Word Poetry*

"Yung magpapakita ng motibo,

Aasa ka na totoo,

Kakapitan mo hanggang dulo,

Pero iiwan ka sa kabilang dako"

-Ice

Tayo na ba?

Bakit ganyan ka?

Masyado kang maalaga,

Yan ba'y kaibigan pa?

O baka naman...Ka-ibigan na?

Yung mga titig mo kasi iba na,

Dati kinakaya ko pa,

Pero ngayon hindi na,

Masyadong makahulugan,

Di mo man sinasambit ay nararamdaman,

Tikom man ang bibig o di gumalaw ang katawan,

Feeling ko'y iba na , kung paano mo'ko pagmasdan,

Ayokong bigyan ng kahulugan,
Kasi baka sa huli'y mapahiya,
Pumasok sa isip na subukan,
Pero baka ang bumalik ay dismaya,

Ibang-iba na kasi yung turing mo,
Ibang-iba sa nakilala ko,
Yung feeling na gusto mo ako?,
O baka naman...feeling ko lang talaga toh,

Ice's Spoken Word Poetry(Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon