•[19] BROKEN•

121 22 2
                                    

"BROKEN"
*SPOKEN WORD POETRY*

Wasak...

Walang sawang iyak...

Gumuho...

Ang aking mundo...

Durog...

Ang aking puso...

Sawi...

Ang Pag-ibig ko...

-
-
-
-
-
Masarap magmahal,
Yung lalong sumasaya habang tumatagal,
Yung parang walang pambura kasi hindi na mapawi,
Parang kinilig sa istorya't biglang napangite,

Parang candy'ng sobrang tamis,
Parang kwentong nakaka-miss,
Parang idulong gusto lagi makita,
Parang bitwing may ningning na hindi masakit sa mata,

Sobra akong mag-alay ng pag-ibig,
Kaya naman pala ...Sobra din yung sakit,
Parang kape na naparami yung pait,
Parang pasaherong nakikisiksik,

Sobrang sakit talaga,
Lahat na'y aking ginawa!
Lahat-lahat sinta!
Pero di ko akalaing...
Kulang pa pala,

Hindi pa pala sapat ang binigay kong oras,
Hindi pa pala sapat ang mga ngayon ko't bukas,
Hindi pa pala sapat ang mga effort ko,
Hindi pa pala sapat ...ang pag-ibig ko...

Ang sakit ng ginawa mo sobra!
Papano mo yun nagawa?
Papano mo yun kinaya,
Papano mo ako nakayang...ipagpalit sa iba,

Sinugal ko ang pag-ibig ko para sayo,
Kahit malabo akong manalo mahal ko,
Pumusta ako ! Isinugal ko ang aking puso,
Pero , ako pa rin pala yung NALOKO,
Ako pa rin talaga yung TALO,

-
-
-
-
Ngayon ang ikatlo nating anibersaryo,
Kaya naman pinaghandaan ko ito ng todo,
Nag-ayos at nagsuklay ng buhok,
Pumurma't pumili ng magandang suot,

Bumili na 'ko ng 'yong regalo,
Magugustuhan mo ito panigurado,
Isang bagay...na bagay na bagay sayo,
Isang bagay na para lang talaga sayo,

Napakahalaga ng araw na 'to sakin,
Napatingin tuloy ako sa hawak ko na singsing,
Nagnining-ning ito mistulong mga bitwin,
Matagal ko din itong pinagipunan para bilhin,

At Ou , Tama yang iniisip niyo,
Handa na akong magproposed at ialay ang puso ko ng buong-buo!,
Handa na akong pakasalan siya,
Handa na akong mahalin siya hanggang pagtanda,

Habang hawak ko ang singsing ay bigla ko itong nabitawan at nahulog,
Kaya't agad ko naman itong pinulot,
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil nahanap ko agad,
Baka kasi mawala pa ang para sa Mahal ko ng sagad,

Gusto kitang isorpresa,
Gusto ko kasing maiyak ka sa saya,
Gusto ko yung magugulat ka,
Gusto ko yung ...masaya ka...

Nagtungo na ko't nagpunta sa palagi mong pinupuntahan,
Para batiin ka mahal,
Para ayain ka na rin na magpakasal,
Para mahalin ka na ng buong buo,
Para mapatunayan ko sayong ako'y totoo,
Ang pag-ibig ko...

Sa di kalayuan ay natatanaw ko na ang 'yong likuran,
Nakaupo't nakatalikod ka't tila may pinagmamasdan,
Kaya naman lumapit pa ako,
Inihakbang ko pa mga paa ko,

Parang may kinakausap ka...

Lumapit pa ako...

Bakit parang sobra mong saya...

Lumapit pa ako...

Bakit...bakit may kasama kang iba??

Lumapit pa ako ng konti...

Bakit nakaakbay sya sayo...

L-lumapit pa ako ....konti pa...

Dun ako napahinto...

Nang biglang maglapat...

Ang mga labi niyo...

Lalapit pa ba ako??

Napaatras ako,

Magkahalong sakit at galit ang naramdaman ko,
Hindi ko alam kung lalapit pa ako...
Hindi ko alam ang gagawin ko...
Hindi ko alam...Hindi ko alam..

Tinalikuran ko sila ,

Tumakbo ako..

Takbo pa ...

Takbo pa ulit,

Hindi ko alam kung saan na ako nakarating ...
Basta wala na akong pakealam pa,
Basta ang alam ko lang, ang sakit ng aking nadarama,
Sobra .....

Napasandal na lang ako sa pader at napaupo,
Hindi ko namalayan...na yung luha ko kanina pa pala tumutulo,
Napakapa ako sa bulsa ko't dinukot yung sing-sing,
Ang sing-sing na para sayo ...
Para sayo...

Napahagulgol ako sa sakit...

Ng puso ko...

Sumisikip...

Ang puso ko...

Ang hapdi...

Ng puso ko...

Wala na ...

Ang PUSO ko...

Sapagkat...

Wala na...

Ang NAGPATIBOK nito...

Ayoko na...

"Kung minsan,
Kahit ibinigay mo na ang lahat para sa taong mahal mo,
Nasasaktan ka pa rin..."
-ICE❄

PS: para sa mga broken at sa mabobroken pa lang(haha joke lang)😂
PSS: Salamat kung nabasa mo ng buo😉

By ICElikeEYES

Ice's Spoken Word Poetry(Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon