•[13] GRADUATION DAY•

169 26 3
                                    

"MAMI-MISS KO KAYO"😢
(GRADUATION DAY)
*SPOKEN WORD POETRY*

"Nakakalungkot isipin na tayong magkakaibiga'y maghihiwa-hiwalay na , upang tahakin ang ating magkaka-ibang landas,
Kahit nakakalungkot na sa PAGTATAPOS natin ng pag-aaral ng unang yugto ng sekondarya...ay tila TAPOS na rin ang mga KONEKSYON natin...Nakakalungkot isipin..."
->ICE❄

-
-
-
-
Nakakalungkot na may halong saya,
Tila gusto kong maiyak habang nakatawa,
Masaya dahil ang pagtatapos ng pag-aaral ay matatamasa,
Pero nakakalungkot dahil andami kong mami-miss na mga ala-ala,

Nakakalungkot talaga ,
Mas lamang talaga ang lungkot na aking nadarama ...kesa sa salitang 'Saya',

Parang ayoko pa!

Ayoko pang mawalay sa mga kaibigan ko!
Na naging parte na ng buhay ko!

Naging kaagapay,karamay sa lahat ng bagay at iba pa!
Naging sandalan,kanlungan sa problemang dala-dala!

Ang dami kong mamimiss!!

Sobra...!

Lahat mamimiss ko!

Positibo man o negatibo!

Lahat mamimiss ko!

Kakilala man o kung sino!

Lahat mamimiss ko!

Ka-tropa...Kaibigan...Mga Guro!

Lahat mamimiss ko!
Lahat ! Lahat ! Lahat!

Lahat-lahat! Mamimiss ko!

Mamimiss ko yung tambayan !
Yung mga ingay nating magkakaibigan!
Yung parating napapagalitan!
Yung halakhakan ng tawanan !

Yung mga kwentuhan ?
Yung batuhan ng papel o basahan !
Yung walang sawang kantahan kapag wala ang guro!
Yung mga nakakatawang laro na tayo-tayo ang nagpa-uso...

Mamimiss ko yung tunog ng chalk sa blackboard!
Mamimiss ko yung tugtugan kapag nabobored!
Tunog ng gitara, musikang nakakamiss,
Kaso magkakahiwalay na tayo , at tila nakakainis!😢

Tila ang oras ay gusto kong ihinto...o di kaya'y ibalik sa umpisa,

Para ulitin ang nakaraan..

Para ulitin ang mga karanasan..

Karanasang hindi makakalimutan...

Karanasang bumuo ng salitang 'PAGKAKAIBIGAN',

Karanasang handang baunin saan man magpunta...

Karanasang handang dalhin sa pagtanda...

-
-
-
-
-
-
Tila natauhan naman ako at napatigil sa pag-iisip,
Nang ang 'GRADUATION' na tugtugin ay aking marinig,
Ang puso ko'y nagwawala , ang lakas ng pintig,
Tila gusto ko na lang ulit pumilkit,
At isiping isa lang itong panaginip..

Kaso hindi....

Ito na ang huling araw..
Huling araw sa eskwelahan na nagsilbing pangalawang tahanan,
Huling araw para makasama ang mga nagsilbing pangalawang magulang...

Ang aking mga guro...

Mahal ko ang aking mga guro..

Kahit napapagalitan ...

Mahal ko ang aking mga guro..

Kahit madalas utusan..

Mahal ko ang aking mga guro..

Kahit napapatayo sa unahan,

Mahal ko ang aking mga guro..

Kahit madalas mapalabas ng silid-aralan!

Mahal ko pa rin ang aking mga guro...
Dahil sila ang isa...kung bakit ...may isang AKO...

Mamimiss ko sila ...

-
-
-
Nagsimula ng magtawag ng pangalan,
Aakyat sa entablado't makikipagkamayan,

Aakyat sa huling pagkakataon,

Aakyat sa huling....pagkakataon..

At ako na nga ang tinawag ,

Tila ayoko pang umakyat sapagkat ....

Alam kong sa pag-baba ko'y di na ko makakabalik..at yun yung masakit....!

Pero wala na kong magagawa pa,
Sinimulan ko ng maglakad at sa entablado'y nagpunta,
Habang naglalakad ay tila gusto Kong maluha!
Gusto Kong isigaw na ...

"AYOKO PA!"

"PEDE BANG SA SUSUNOD NA LANG?"

"PEDE BANG MAG-EXTEND?"

"PEDE BANG WAG MUNA?"

"PEDE BA??"

Nakipagkamay na ko at sinalubong ako ng ngite,
Pinilit kong ngumite pero bigla na lang akong napahikbi!,
Pinilit kong maging masaya kaso ang hirap!
Pinilit Kong Hindi maiyak ! Kaso ang hirap...!

Napatingin ako sa kamay ko na hanggang ngayon ay di parin bumibitaw,
Ayoko ko pang bumitaw ! Tila gusto kong isigaw !

Kaso ...wala na ring kwenta pa,
Kaya hinayaan ko na ,

Napatingin ako sa unahan ,
At nakita ang iba't-ibang mukha ng kaibigan,
May ilang umiiyak ng lantaran ,

Meron namang nakangite habang tumutulo ang luha,
Meron namang pinipilit ang sariling maging masaya,
Merong ilang nakahalumbaba at walang pekealam,
Meron namang nakatingin sa malayo't sinusukat ang daan,

Sa pagsulyap ko sa kanila'y...

Hindi ko namalayang umiiyak na rin ako...
Hindi ko gustong maging mukhang mahina , pero gusto ko lang na magpakaTO-TOTOO...

Gusto ko pang makasama sila...
Gusto ko pang araw-araw silang makita,
Kasi mahal na mahal ko sila...
Kasi Hindi lang sila basta kaibigan o ano pa..
Kasi sila ang aking pangalawang PAMILYA..

Dahan-dahan na kong bumaba sa entablado...
At dirediretsong nagtungo....
Sa mga kaibigan ko...

Niyakap ko sila!

Ng mahigpit na mahigpit !

At.. Nag-iyakan na kami...

Napuno ng iyakan ang buong paligid....

Nagpasalamatan...

Nagbigay ng huling salita...

At nagPAALAM SA BAWAT ISA..

PAGTATAPOS.....

"Hindi ibigsabihin na 'NAGTAPOS' na'y 'TAPOS' na nga,
Kasi 'PAGTATAPOS' ay may 'BAGONG SIMULA',
Bagong yugto , Bagong kapalaran,
Bagong mga mukha, Bagong mga kaibigan,
Pero wala paring tatalo sa inyo , aking mga kaibigan...
Kasi kailan man ...hindi kayo mapapalitan..."
->ICE❄

PS:Grabeh , naiiyak ako habang sinusulat toh..😢
PSS: Sana magustuhan niyo..

By ICElikeEYES






Ice's Spoken Word Poetry(Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon