•[35] ADVANCE AKO MAG-ISIP•

20 3 0
                                    


"ADVANCE AKO MAG-ISIP"

*Spoken Word Poetry*

By Kuya Ice❄

"Unang beses palang kita nakita,

Bakit bigla agad lumuha?,

MABABAW pa man ang pinagsamahan,

Pero bakit kay LALIM agad ng naramdaman?"

-ice ❄

Di pa ko tapos kumain, busog na agad,

Di pa tapos yung joke, tatawa na agad ng sagad,

Di pa ko tinatanong, may sagot nang kasunod,

Di pa ko inuutusan, may simangot na agad na kabuntot,

Advance ako mag-isip,

Yung tiniklop ko agad yung damit kahit di pa pinaplantsa,

Binasag ko agad kahit di pa puno yung alkansiya,

Uminom agad ako ng gamot kahit walang sakit na matinde,

Yung nakipagbreak ako sa kaniya kahit di naman naging kami!

Yung ako na yung nagturo kasi wala yung guro,

Yung sinalang ko na agad yung kaldero kahit wala pang apoy na nabuo,

Yung tubig muna bago sumubo,

Yung di ka pa pagod pero agad na sumuko..?,

Unang beses nakilala,

Pero feeling ko kilalang-kilala na kita,

Oo kagaya ka lang din nila,

Mang-iiwan kapag nagsawa na,

Yung kabilang ka sa pagbibitaw ng mga pangako,

Pangakong inakalang hanggang dulo,

Pangakong inasahan ko,

Pangakong di inakalang mapapako,

Oo advance na kung advance kung yan yung iniisip nyo,

Hindi ba pwedeng takot lang ako?,

Takot na umasa?, masaktan?, sa pag-ibig na hindi sigurado?,

Advance ako eh, yun ako,

Ayokong masaktan at makapanakit ng damdamin,

Ayoko yung pinipilit kaya wag nyo kong pilitin,

Ang dami ko na ngang problema dadagdag pa sa iisipin,

Mas ok na yung single para tuloy lang yung kain,

Advance akong mag-isip,

Parati na lang binabanggit,

Pasensya na, ganon talaga,

Ayoko lang makaranas ng sakit..

Kung ako'y maiinlove ulit?,

Uunahin ko na yung isip kesa sa puso,

Lilinawin ko na agad bago pa dumating sa punto na malabo,

Hayaan mong painitin na kita bago ka pa manlamig,

Kakapit agad ako sayo ng mahigpit bago kapa bumitiw,

Yayakapin kita kahit hindi mo hilingin,

Biglaang halik 'yong tipong 'di mo pansin,

Yung nagawa ko na bago mo pa gawin,

Yung nafall na agad ako sayo bago mo pa 'ko mahalin,

Kakantahan kita kahit nauna na'ko sa tugtug,

Tutugtugan kita kahit 'di marunong tumugtog,

Magsosorry ako sayo kahit hindi ka naman galit,

Patatamisin ko agad ang bawat sandali kahit hindi naman mapait,

Susuyuin agad kita 'di ka pa man nagtatampo,

Pangingitiin kita kahit bakas pa ang saya sa labi mo,

Hindi ka pa man gutom, busog ka na agad sa pagmamahal ko,

Oo mapapagod, pero hindi ako susuko,

Hindi na 'ko mangangako kaya gagawin ko na lang,

Liligawan araw-araw kahit may Tayo na naman,

May effort at hindi lang puro salita,

'Yong may gawa at hindi lang ngawa,

Magseselos agad ako kahit wala namang dahilan,

At hindi 'yon kawalan ng tiwala 'yon yung salitang "pakealam",

May pake ako sayo yan yung parating tandaan,

Mahal kita sa umpisa hanggang huli, ikaw lang,

Advance Mag-isip?

'Yong unang beses palang nakita gusto agad pakasalan!

And it's not malandi! Sigurista lang😂

"Kaya tayo madalas nakakadanas ng sakit,

Advance tayong mag-isip?,

Pero 'yong iba kaya sila Advance,

Kasi sigurado na sila sa kanilang The One"💕

-Ice❄

Ps: Actually, matagal na'tong spw na toh sa notes ko, hehe kaso hindi ko matapos-tapos kasi busy hehe, kaya this morning tinapos ko siya..hehe 💞😂

Pss: Enjoy reading!❄

[DONUT COFFEE, JUST SHARE!]

Ice's Spoken Word Poetry(Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon