•[21] ALAY KONG TULA•

110 17 1
                                    

"ALAY KONG TULA"
*SPOKEN WORD POETRY*

Bawat pagbigkas at paggawa,

Bawat paglabas ng mga salita,

Bawat pantig at titik na kinabisa,

Bawat paggawa ko ng mga tugma,

Tugmang mga salita na sakto't walang katulad,

May saktong bilang at saktong sukat,

Tugmang ibinagay at inalay ko sa iyo,

Magkatugmang ibinigay ng puso ko,

Ang ikaw at ako na naging tayo na ngayon,

Tayo'ng matatag na sinubok ng panahon,

Puso kong kay tigas na ngayon ay mamon,

Dati'y mabangis na hayop na daig pang liyon,

Pero dahil sayo nakita ko ang liwanag,

Ang tamang landas  na aking tinahak,

Mistulang lumilipad sa ere o alapaap,

Dahil yan sayo Mahal....Salamat,

Di man magkatugma ang estado,

Di man magkasukat o pareho,

Wala mang tamang bilang o tantsado,

Hindi ibig sabihin na hindi sakto't magkatugma...

Ang puso nating dalawa....

Dahil hindi masusukat ang pag-iibigan nating wagas at totoo,

Pag-iibigang matatag at buo,

Pag-iibang walang makakasira,

Pag-ibig na malaya,

Pagmamahalang walang humahadlang,

Pagmamahalang masaya lang...

Umaawit ang mga ibon kahit saan,

Tila kay sarap pakinggan,

Kasabay ng pagsayaw ng mga puno,

Pagwagayway ng matataas na damo,

Sa ilalim ng mga nagni-ningning na mga bitwin,

Habang pinagmamasdan ang bilog na buwan,

Habang tayo'y magkatitigan at pareho ang tingin,

Habang tumatakbo sa isip ko ang salitang "Ikaw lang",

Walang pangamba,

Basta kasama kita,

Di ko na kelangan ng bulalakaw upang humiling pa,

Kasi nga ,heto na..kasama na kita,

Hindi ako magsasawang tumula,

Hindi man tumila ang ulan...

Hindi ako magsasawang tumula,

Umaraw man ng kay tagal...

Hindi ako magsasawang tumula,

Batuhin man ako ng lait at panghuhusga,

Hindi ako magsasawang tumula,

Pagtawanan man ako ng walang sawa,

Hindi ako parin ako magsasawang tumula,

Dahil ang mga tula ko....

ay alay ko....

SAYO....


Ito ang alay kong tula,

Na aking binigkas at ginawa,

Mga inilabas kong salita,

Mga pantig at titik na kinabisa,

Ang ginawa kong tugma....

Tugmang IKAW at AKO...

Kasi..

TUGMA TAYO..

"Tutula ako hanggang dulo,

Tutula ako mahal ko,

Ito ang alay kong tula ..

Kaya hanggang dulo??..

Tayo'y magkatugma"

-ICE❄

By ICElikeEYES

Ice's Spoken Word Poetry(Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon