•[25] Mr./Ms BITTER•

77 17 7
                                    

"Mr./Ms BITTER"
*Spoken Word Poetry*

"Masaya kayo ngayon together,

Pero di kayo aabot ng forever!,

Oo Bitter na kung Bitter,

Basta WALA PA RING FOREVER!"

-Ice❄✌😅

Anong nginingite-ngite mo diyan?,
Kinikilig ka na naman kaya mukha ka ng timang!,
Buti hindi ka nahihilo sa pagpapa-ikot niya sayo?,
Mukhang bulag ka nga sa pag-ibig kaya di mo matanaw ang  totoo!,

Tapos ano?
Pabibihag ka sa mga salitang mabubulaklak?
Tapos ibibigay mo ang lahat?
Hanggang sa walang matira't masalat?
Sa una'y masarap sa una'y may galak!
Pero sa huli? anong ending??
Diba Pusong wasak?
Magmumokmok sa tabi na panay ang iyak??
Puso'y hati daig pang biniyak?
Nawalang bigla sa isang kurap?
At iniwang sawi sa isang iglap,

Ano?? Ganon ba gusto mo?
Yung parati ka na lang umaasa sa pag-asang akala'y may pag-asa?
Yun pala tulad din siya ng iba na puro PAASA,
Yung tuwang tuwa ka pag nagreply siya?,
Partida wrong send pa!

Anong feeling ? Diba masakit!

Yung papakitaan ka ng maganda sa simula tapos sa huli nganga ka na?

Anong feeling? Diba masakit!

Yung magbibigay siya ng motibo 'tas pag nakakita siya ng bago agad ipagpapalit!

Anong feeling? Diba masakit??

Yung ang haba ng 'yong sinabi tapos ang reply sayo maiksi!?

Anong feeling? Diba masakit??

Yung nag-effort ka't nagpapansin para lang mapansin pero wala pa rin?

Anong feeling? Di ba masakit??

Yung matutunaw na yung pangalan niya sayong katatanaw sa kaniyang ACTIVE NOW?

Anong feeling ? Di ba masakit?

Yung puro STALK ka na lang at umaasang "Ako na lang , Ako na lang sana , Ako na lang ulit?"

Anong feeling ?? Di ba masakit!

Yung ichachat ka lang kapag may kailangan?
Yung kakausapin ka lang kapag bagot lang??

Anong feeling? Diba masakit?

Yung feeling mo may feelings siya para sayo?
Wag kasi assuming masyado!
Kaya yan! Nasaktan ka ng todo!

Oh? Alam mo na yung feeling! Diba ang sakit??

Na nilaro ka't ginawang laruan tapos biglang iiwan ng luhaan kapag gusto ka nang palitan?

Na ginawa kang bola at pinagpasapasahan?
Tapos kapag naka-Score ano? Diba tatakbuhan?

Diba ang sakit??

Para kang pinaglumaang damit?
Yung ipamimigay ka na lang kapag di na fit!

Yung kapag napakinabangan kana bigla ka na lang iiwan !

At ang masakit...

Wala man lang sapat na dahilan!!

Oo masakit !

Wala man lang sapat na basehan!

Oo masakit!!

Na mas pinili niya ang isang SIYA kesa sa isang AKO!

Oo Sobrang sakit!!

Na nakikita ko SILA na MASAYA habang ako ay MAG-ISA!

Napakasakit!!

Na yung mga PANGAKO mo'y MAPAPAKO din pala!

Oo ...masakit...

Na lokohin at paglaruan!

Masakit....

Tila ito na ang katapusan!

Masakit....

Na iwanan ng luhaan!

Masakit....

Na ang iyong PINAGLABAN...

Ay may IBANG PINAGLABAN...

Na yung isinugal at pinusta mo hanggang dulo...

Ay mas nauna pa sayong SUMUKO at NAGPATALO...

Na yung minahal mo't iningatan...

Ay ang tingin ngayon sayo'y WALA LANG...

Yung akala mong makakasama mo hanggang pagtanda...

Ay siya palang magbibigay ng TANDA na wag ng umasa...

At wag basta basta ibigay ang buong TIWALA...

"Mapait lang siguro ang aking sinapit kaya ako naging bitter,

Pero....

WALA PA RING FOREVER!"✌😆

PS: Para sa lahat ng Ampalaya dyan!😆
PSS:Sa mga tinamaan ,Sorna ✌😅
PSSS:Sana makarelate kayo!

By ICElikeEYES

Ice's Spoken Word Poetry(Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon