•[6] MGA ALA-ALA NG UMAGA•

195 28 1
                                    

"MGA ALA-ALA NG UMAGA"
(SPOKEN WORD POETRY)
By Kuya Ice

Minulat ko ang aking mga mata,

At bumangon sa pagkakahiga,

Bumangon nga ngunit sa kalooban ay hindi parin pala,

Minulat nga ang mga mata pero hindi parin mulat sa katotohanang wala ka na,

Inayos ko na muna ang kumot at unan na aking hinigaan,

Ayos na nga yung higaan pero hindi ako simula nang ako'y iyong iwanan,

Mabuti pa yung kutson ko sa kama ,

Walang bahid ng sira ,

Di tulad ng pag-iibigan natin,
May bahid na nga ng mantsa ,gusot pa!

Dumako na ko sa mga bintana,

Ibinuhol ang bawat kurtina,

Sa pagbuhol ko ng bawat isa nito'y naalala ang dati'y mahigpit nating pagsasama,

Matatag ,

Malakas ,

Walang sukuan,

Tila walang makakasira,

Pero lahat ng yan kabaliktaran pala,

Kasi ang dating mahigpit na pagkapit ngayo'y bumitaw na,

Nasilaw ako sa araw kaya't ako'y napapikit,

Pero sa pagpikit kong yun naalala ko lang yung hapdi at sakit!

Na sa pagpikit , dilim lang nakita ko!

Parang nung umagang maliwanag nga pero dumilim nung iniwan mo ko,

Iniiwas ko ang mukha ko sa maysinag sapagkat nasusulo!

Pero di ko parin maiwasan na masaktan sa salitang totoo!

Yung totoong wala ka na,

Yung totoong di kana babalik pa,

Yung totoong wala na talaga,

Yung totoong ...di mo na ko mahal pa,

Sinimulan ko ng humakbang,

Ngunit sa bawat paghakbang ng mga paa'y tila ang bigat sa pakiramdam,

Tila gusto ko na lang iluha lahat ng pighati!

Tila gusto ko na lang mamatay parang puso kong sawi!

Dumeretso na ko sa pagsisipilyo't paghihilamos,

Sinabuyan ng tubig ang mukhang maamos,

Pero ang puso ko'y mukhang hindi na matatanggal ang galos,

Mananatiling hikahos na sa pag-ibig ay kapos,

Dumeretso na ko sa may lamesa,

At nakita ang mga pagkaing inihanda ni mama,

Lahat masarap, katakam-takam
pero tila nawalan ako ng gana,

Kasi ang dating babaeng bumibisita tuwing umaga para samahan akong mag-agahan ay wala na...

Napatahimik ako ng panandalian,

Tila di makabasag-pinggan ,

Inaalala ang mga panahong nandyan ka,

Katabi, kausap , nagsusubuan ng pagkain sa lamesa,

Pero lahat ng yan ay imposible't malabo na,

Naglakad takbo ako at muli'y nagtungo sa kwarto ko,

Ibinagsak muli ang katawan ko sa kama ko ,

Kasabay ng kanina pang pigil-pigil na luha ko ,

Napuno ng kalungkutan at mga hikbi ang apat na sulok ng kwarto ko,

Ang sakit talaga ,

Pero bakit ganon ,

Kahit anong gawin ko para kalimutan ka'y di ko magawa!

Siguro nga'y mahal pa rin kita,

Kahit sinaktan mo ko ng sobrang sobra,

Ou , Mahal pa rin kita ,

Kahit sobrang tanga ko na,

Ou , Mahal pa rin kita ,

Kahit imposibleng BUMALIK ka pa ,

Kasi WALA ka na sa tinutungtungan kong lupa,

"Sa pag-iwan mo sakin sinta nang umagang yun ay hiniling na sana bumalik ka,
Pero yun ay malabo na dahil wala ka na,
Basta lagi mong tandaan na...
Mahal na Mahal kita"

PS: Naiyak ako 😢djk lang, Sana magustuhan niyo😊
PSS: Pa-Goodmorning ko sa inyo😂

PSS: Pede nyo na rin mapanood o mapakinggan ito sa Youtube channel ko! Just click the link bellow and don't forget to like and subscribe! Paki hit na rin ng Notification bell Icon para updated kayo sa mga future uploads ko! 😊😍 https://www.youtube.com/channel/UCyNRkQR-LcoDZh-LbdvzmQg

By ICElikeEYES

Ice's Spoken Word Poetry(Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon