*[34] ULAN*

88 3 0
                                    

"Mata ko'y mabigat na at luha'y gusto nang pumatak,

Tila madilim na ulap sa kalangitan na ulan ay buhat-buhat,

Wag muna paki-usap...ayoko pang umiyak,

Pero sa'king pagpikit...huli na ang lahat"

-ICE

Kulimlim na naman ang kalangitan,
Ang liwanag ni haring araw ay natakpan ng kaulapan,
Nagwawari't nagbabadya na naman ng pag-ulan,
At gaya ng inaasahan...dahan-dahan na itong pumatak sa kalupaan,

Wala akong makanlungan...

Wala akong masilungan...

Wala akong pananggalang...

Wala akong maaasahan...

Sa kabila ng pagluha ng kalangitan,
Tila ako'y manhid na't walang pakealam,
Lakad lang ang ginawa walang pake kung mabasa,
Wala naman kasing may pakealam... Kasi wala akong halaga,

Ako'y nakaramdam ng lamig, ng ginaw, ng pait, ng sakit...
Kaya ang tanging nagawa ko lang... Ay yakapin ang sarili ng mahigpit,
Ramdam hanggang kalamnan kita sa labi kong nangangatal,
At pumasok sa isip ko....Kung meron pa bang nagmamahal?,

Humampas ang hangin at ulan sa aking katawan,
Pero mas masakit ang paghampas mo sakin ng katotohanan,
Kulog at kidlat sa pandinig... kay sakit pag tumatagal,
Pero mas masakit pala sa pandinig... ang katagang..."Hindi na 'ko Mahal",

Kung gaano kabilis ang kabog ng puso ko nang una kitang makita,
Ay mas higit pa riyan ang kabog nito nang mawala ka na,
Gusto kong isigaw lahat ng sakit at hapdi,
Umaasang mababawasan kahit man lang konti,

Ayaw huminto sa pagpatak...

Ayaw huminto ng pag-iyak...

Sisikat nga ang araw....

Pero hindi ang aking tanglaw...

Huhupa nga ang ulan...

Pero hindi ang puso kong sugatan..

Sa kalangitan ay ako'y napatingala,
Tila ang nakapaloob na liwanag ay gustong kumawala,
Unti-unti.... Ang madilim na kaulapan sa kalangitan ay nawala,
Pero sana ganon din 'tong iniwan mong kirot.. Sana mabura,

Tila na ang ulan pero tila ang luhang umaagos sa'king mata ay hindi pa,
Tila talon na walang humpay sa pagragasa,
Walang humpay na sakit ang dinulot mong sugat sa'king puso,
Ikaw nga 'tong maraming pangako pero ikaw ang unang sumuko,

Ikaw ang liwanag ko pagkatapos ng ulan...

Pero ngayon madilim na ang TAYO...matapos mo'kong saktan...

Isa kang ulan na panandalian lang...

Na ang pagsikat ng araw... Ang hudyat ng iyong paglisan...

Nasaan na ang PAYONG ko..??

Ang taong MASISILUNGAN at MAKAKAPITAN ko..??

Ang magpoprotekta sakin sa ulan.....

Upang yung SAKIT ay hindi ko maramdaman....

Nasaan ka na??...

Babalik ka pa kaya??...

O talagang hanggang dito na lang tayong dalawa....

Na matatapos din pala....

"Tapos na ang ulan... Tila na...

Parang tayong dalawa... Wala na"

-Ice

Ice's Spoken Word Poetry(Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon