•[16] CLASSMATES•

185 22 0
                                    

"CLASSMATES"
*SPOKEN WORD POETRY*

"CLASSMATES, sila talaga yung bumubuo ng araw natin sa eskwelahan,
Negatibo man yan o positibo man,
->Ice❄

Hindi buo ang araw ko kapag hindi ko sila nakikita,

Sila yung nagsilbi ko na ring pamilya,

Kasama sa mga asaran? Kulitan ? Mga kalokohan at iba pa,

Kakwentuhan,kadaldalan, sandalan sa mga problema,

Sila yung nagpapangite sayo ,

Sila din yung mambwibwiset sayo,

Yung kukulitin ka ,

Yung sasabihan ka ng walang kwenta ,

Sa Classroom....

Nandyan yung mga kaklase mong palabiro,

Yung napapatawa ka pa rin kahit alam mong , Corny na ito,

Yung magjojoke tapos yung nagjoke lang yung tatawa,

Tapos makikitawa ka kahit di mo nagets yung joke niya!😂

Nandyan din yung maiingay o yung feeling magaling kumanta!

Yung kahit wala sa tono walang pake basta makakanta!

Yung tatawa-tawa kapa kapag mali yung lyrics niya!

Pero aminin mo man o hindi napapangite ka niya~

Nandyan din yung mga matatalino!

Laging ginagayahan panigurado!

Yung halos humaba na yung leeg mo makakopya lang!😂

Tapos kapag wala na si teacher sa unahan?

Nako ! Paniguradong pagkakaguluhan!

Nandyan din yung mahilig umutang lalo na kapag Recess time!😂

Yung kukulitin ka kesyo yung baon niya daw naiwan!

Mangangako pa yan na babayaran ka !😂

Hanggang sa ang naging ending ,yung utang naging LIBRE na!😆😝

Hindi rin mawawala dyan yung TAHIMIK! ,yung Hindi makabasag pinggan,

Yung imbes na mag-gala ay magbabasa na lang,

Imbes na makipagdaldalan, magrereview pa yan!

Nandyan din yung classmate mong talentado ,

Yung nakaka-inggit kasi ang dami niyang talento!

Tapos magaling pa sa klase o matalino !

Yung nasa kaniya na ang lahat ng hinahanap mo!

Hindi rin mawawala dyan yung palagi kang aasarin!😂

Kesyo ganyan ka raw , ganto hanggang ikaw ay bugnutin!

Hanggang sa maghabulan na nga kayo kasi naasar ka! 😝

Tapos sabay may mag-a-"AYIIEEEEE ANG SWEET NILA"😂

Tapos bigla kang mamumula !

Tapos wow magic! Hala! Crush mo pala?😂

Nandyan din yung feeling expert sa English! 😝😆

Yung kapag nagsalita may Accent pa?

Sabay tatawa lahat kapag wrong grammar na siya!

Tapos makikitawa ka na rin Kahit di mo naman talaga naiintindihan sinabi niya!😂

Hindi rin mawawala diyan yung classmate mong seryoso,

Seryoso sa pag-aaral , tapos seryoso din kapag nagmahal!

Madalang yan tumawa ! Yung kapag ngumite himala na!

Yan ang mga seryoso ! At madalas matatalino! 😍

Madaldal! Hindi rin mawawala yan sa classmates mo!😂

Yung kukwentuhan ka ng kung ano-ano tapos ang tugon mo lang "ahh.." o di kaya puro tango!😂

Yung daig pa ang rapper sa bilis niya magkwento!

Pero kahit ganyan ang mga yan? Mamimiss mo rin sila panigurado!

Di din mawawala dyan ang mga bully at barumbado di ba?😁

Yung feeling siga sa classroom pero takot sa mas malaki sa kanila?

Yung mga mapanghusga tapos yung sarili ayaw munang tingnan?

Yung tapang-tapangan sa simula pero sa huli? Di naman kayang panindigan! 😏

Hindi rin dyan mawawala yung mga magkasintahan!😁

Yung sa sobrang sweet kulang na lang ipakagat sa langgam!😆

Ang pag-ibig nga naman! 💓

Walang pinipiling lugar yan~💓

-
-
-
-
-
Pero ....

Sobrang MAMIMISS KO SILA ~

Mamimiss ko lahat ng mga Karanasang nabuo kasama sila..

Mamimiss ko yung mga barkada ko ~ katropa ~

Lahat lahat!

Yung mga naging guro ko~

Mami-miss ko sila...

SOBRA....

At syempre .... Ang mga kaklase ko..... 😉

"Kaya hanggang kasama niyo pa sila,

Sulitin at gawin niyong MASAYA ang mga oras na nandyan pa sila,

Kasi dadating at dadating kayo sa punto na ...

Kelangan na ninyong magkahiwa-hiwalay...☺"

-Ice❄

By ICElikeEYES







Ice's Spoken Word Poetry(Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon