C̶h̶a̶p̶t̶e̶r̶ 5

5.5K 125 11
                                    

Closed Doors

The first thing I did after closing the door of his office was breathe. Hindi pala ako nakahinga habang nag-lalakad palabas.

Nagitla ako nang makitang nasa gilid ko na ang isa sa mga barakong lalaki kanina. Mukang kanina pa nag-hihintay.

Siya yung barakong sinapawan ni Cloud.

"Ihahatid kita sa tutulugan mo." Aniya at nag-pumauna nang lumakad.

Sumunod ako agad.

"Dos, bago ni Master?" Tanong ng isang nadaanan naming tuahan.

"Oo, pero runner 'to." Ngisi ni Dos kahit dire-diretcho pa rin ang lakad.

Pinasadahan ako ng tingin ng lalaki.

"Runner lang? Sayang naman!" Humalakhak ito, ganoon din si Dos.

"Sabi eh.."

Bumaba kami sa unang palapag. Akala ko doon na ang sinasabi niyang tulugan pero dumiretcho pa kami sa isang pasilyo at bumaba sa hagdan papuntang basement.

If it's creepy upstairs, it's way worse down here. The lights in the hallway are Red which makes it harder to see. I can hear different kind of voices from every corner. Merong nag-tatawanan, may umiiyak, may ilang sumisigaw sa saya. Nag-igting ang panga ko nang may marinig na humihingi ng tulong.

Nilampasan namin ang ilang pintuan. Di gaya ng sa taas, gawa sa bakal ang mga pintuan dito. Nang makarating sa bandang dulo ay huminto kami sa tapat ng isang kulay abong bakal na pintuan.

"Kukunin kita bago mag-alas tres. Kakausapin ka ulit ni Master." Huling sabi ni Dos bago ako bahagyang tinulak papasok sa loob ng kwartong iyon. Muntik pa akong masubsob.

May mga gusto pa akong itanong gaya ng damit at gamit pero hindi na niya ako binigyan ng pag-kakataon. Sinarado na niya agad ang bakal na pintuan.

Nag-pasalamat nalang ako dahil puti ang ilaw sa loob ng kwarto.

Hindi iyon kalakihan, sakto lang para sa tatlo hanggang apat na tao. May isang double deck at katapat nito ay isang single bed. May matangkad na cabinet sa gilid na tatlo ang pinto. May lamesang pang apatan at upuang gawa sa kahoy. Sa dulo ay may pintuan na mukang para sa banyo.

"Uy bago!" Napabaling ako sa babaeng nag-salita.

Masyado akong nakatuon sa paligid, ni hindi ko napansing may tao.

Nakahilata siya sa ibabang parte ng double deck at napabangon nang makita ako. Saka ko lang din napansin ang isa pang babae sa lapag. Naka indian-sit siya bandang dulo ng kama at bumubuga ng usok.

"Ganda mo naman! Paniguradong babae ka ng mga Boss 'no? Pero bat ka nandito sa basement? Sa taas kayo ah?" Nilapag niya ang librong hawak at tumayo na para makalapit sakin.

"Runner ako." Sabi ko habang tinutuon ang paningin sa babaeng nasa lapag.

"Runner?! Seryoso? Pero kung nandito ka..malamang runner ka nga rin talaga." Nag-lahad siya ng kamay. "Maya nga pala." Ngiti niya sakin.

Tinanggap ko ang kanyang kamay at ngumiti pabalik.

"Dawn.."

"Yan naman si Akilla, wag mo nang pansinin.. Wala kasing misyon kaya yan ang pinagkakaabalahan niya." Pakilala niya sa babaeng tumatawa-tawa sa lapag. She's using Cannabis.

"Dito kana lang sa single bed. Si Akie kasi gusto diyan sa taas ng double deck pero kapag nasobrahan sa hithit, baka mapilitan kang matulog sa pwesto niya ha? Minsan lang naman." Aniya saka humalakhak.

Addicted to Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon