C̶h̶a̶p̶t̶e̶r̶ 39

3.6K 101 47
                                    


Sorry

"What do you mean, No?"

"I want to talk to them, Ice."

"Damn it Luna, hindi mo ba ako naiintindihan!? You can't just fucking leave now! I won't fucking let you!" Inis niyang sinabi.

"Ice, mali ka... H-Hindi kita iiwan. I can't do that too. I just want to talk to Papa and tell him everything.. at least before we leave." Buong puso kong sinabi ang huli.

Mariin akong tiningnan ni Ice, tila hindi siya makapag-desisyon.

Humakbang ako palapit at hinaplos ang kanyang pisngi. Napapikit siya sa ginawa ko. Parang sa isang haplos ay napakalma ko ang bagyo.

Tumikhim ako bago muling nagsalita.

"I told you not to feel that way again. There's nothing to worry about. I'm with you. I'll always be with you. Trias is dead, halos lahat ng target natin ay tapos na. Wala nang mag-tatangka kay Papa kapag sinabi ko sa kanya ang mga kailangan niyang malaman."

He grimaced.

"You're forgetting someone." Aniya sabay nag-iwas ng tingin. Binaba ko ang kamay kong nakahawak sa kanyang pisngi saka hinanap ang kanyang mga mata.

"Kung ganoon, sino?"

"Me, Luna." Aniya at seryoso akong tiningnan. "I'd kill anyone who would take you away from me. Your family is not an exemption."

"Voltaire!" Saway ko sa kanya ngunit hindi siya nag-patinag.

Mariin siyang pumikit bago marahas na bumuntong hininga.

"15 minutes, Lady. I'm giving you 15 minutes." Seryoso niyang sinabi bago ako tuluyang iniwan dala ang ilang importanteng dokumento.

Nang mapag-isa ako sa kwarto ay saka lang ako sinampal ng katotohanan.


Shit! Magkikita kami ni Papa!

Anong sasabihin ko sakanya? Paano ako mag-sisimula?! Paano ako magpapaliwanag?! And I only got 15 minutes to do all of that! Damn you, Voltaire!

Kagat ang pang-ibabang labi ay mabilis kong kinuha ang baril ko mula sa bag na dala ko at sinuksok ito sa likurang parte ng aking pantalon. Tumakbo ako sa mesa ni Ice at tiningnan kung may mga importanteng dokumento pa doon.

Napabuntong hininga ako nang wala nang nakita.

Lumabas ako sa kanyang opisina at agad bumungad sa akin ang ilang tauhang nagkakaguluhan. Ang iba ay hinahakot ang ilang produkto. Ang iba naman ay galing sa vault. Habang ang iba tinatakas na ang ilang mga babae at runners.

Shit! Sila Maya!

Tumakbo ako pababa sa basement kahit halos mabunggo ako ng ilang barakong tauhan ni Ice na abala sa pag-takas.

Tumalon ang puso ko nang makita ko si Maya at Akie na may bitbit ding mga produkto!

"Maya! Akie!"

"Luna!!"

Mahigpit kaming nag-yakapan ni Maya.

"Bilisan niyo'ng kilos niyo! Hindi kayo hihintayin ng oras!" Sigaw ng isang barakong lalaki.

Addicted to Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon