Sweat
We stayed at the firing range for hours. Hindi ko na nabilang kung ilan dahil wala rin naman ako sa wisyo.
Halos naubos na rin ang mga targets doon bago natuwa si Ice sa tira ko.
Hindi ko nga lang alam kung matutuwa ba ako dahil maski nakabalik na kami sa kanilang hideout ay ang nakakapanindig balahibo niyang epekto pa rin ang nasa isip ko. Ang bawat kilos. Ang bawat ngisi. Lalo na ang mga mabibigat niyang tingin. All of it makes me tremble.
Pinarada niya ang kotse sa tapat ng bahay at tinapon ang susi sa isang armadong lalaking lumapit. Umakyat siya sa hagdan patungo sa double doors at agad akong sumunod. Tinatanguan siya ng bawat armadong lalaking nadadaanan namin.
Pag-pasok namin sa loob ay bumungad sila Sven, Tres, at iilan pa nilang tauhan. May kasamang panibagong babae. Tatlo sila, matatangkad at ang ganda'y maihahalintulad sa mga modelo sa magazine.
Nakaakbay si Cloud sa isa at nag-hahalikan sila na parang sila lang ang tao sa paligid. Natigil lang nang tuluyan kaming makalapit.
Dinilaan ni Cloud ang labi niya habang nahihiyang tumawa ang babaeng kaakbay niya.
"Don't you dare choose, Ice. These are my girls!" Banta ni Cloud na parang aagawan ng babae.
"Don't give a shit, Cloud. Where's Red?" Tamad na sagot ni Ice.
"In your office, waiting for you. He's got some company too." Sagot ni Cloud saka tumingin at kumindat sa akin.
Binalingan ako ni Ice gamit ang gilid ng kanyang mga mata.
"Dos!" Inis niyang tawag niya.
"May kausap pang runner, Master." Sagot ng isang tauhan.
"Master, ako nalang pong maghahatid..." Nag-presenta si Sven. Hindi man lang siya tiningnan ni Ice pero ilang saglit lang ay tumango ito ng isang beses bilang sagot.
"Tara, Dawn." Yaya sakin ni Sven.
Humakbang na si Ice papunta sa hagdan paakyat samantalang si Cloud naman ay inakbayan pa ang isang babae at mukang pupunta na rin sa kanyang opisina.
Si Tres ay naiwan kasama ng natirang babaeng hindi napili ni Cloud at pinasok ito sa isa pang kwarto. Nang mabuksan niya ang pinto ay nanlaki ang mga mata ko sa nakita. . .
Si Angelie.
She's dancing slowly for some guy. Sa tingin ko ay isa ito sa tauhan nila dito. That's her job here. . .ang mag-bigay ng aliw.
So basically, this place is not just a drug nest then. It's even more. Malala pa sa malala.
"Lika na, Dawn." Muling tawag sakin ni Sven. Tumango ako at sumunod.
Kinamusta niya ako habang nag-lalakad kami pababa sa basement. Pinakisamahan ko naman siya ng maayos. Sa lahat ng kalalakihan dito, si Sven lang talaga ang nakakitaan ko ng kaunting malasakit. Not that I needed it. Pero ang isiping may nag-mamalasakit ay malaking tulong na rin.
"Ano? Kamusta naman ang pangalawang misyon?" Sabik na tanong ni Maya. Nasa higaan siya ni Akie sa taas dahil nakasalampak na ito sa higaan niya sa baba. Tulog.
Umiling ako.
"Sa firing range lang kami pumunta." Nanlaki ang mga mata ni Maya.
"Teka wait. Sinong kasama mo? Wag mong sabihing...si Master!"
"Siya nga." Sabi ko at kumuha na ng mga kumportableng damit.
Napabalikwas siya.
"Shit! Sinama ka ni Master?! Mabait ba sayo? Takot ako dun eh!" Humalakhak siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/138140029-288-k413832.jpg)
BINABASA MO ANG
Addicted to Love You
AcciónShe knows one thing about him, he's a criminal who deserves a death sentence. One tragic incident made her looking for him without even knowing his name. Making her want to kill him with her own clean hands. Little did she know, she's setting hers...