C̶h̶a̶p̶t̶e̶r̶ 29

4K 105 34
                                    


Benguet

I never imagined being this calm and happy at the same time with Ice. Ang akala ko'y imposibleng maging ganito kaming dalawa. I thought that we're like fire and ice. Always fighting against each other. No chance of getting along.

But then I guess, nothing's impossible...

He's been shot pero wala sa itsura niya ang nabaril. We're very okay. Super okay actually but not until the next morning...

Kinusot ko ang mga mata ko pagkatapos kong mag-mulat. Wala pa rin si Ice sa tabi ko.

Kagabi, nauna akong natulog dahil nag-paalam siyang kakausapin muna si Red.

Sinubukan ko siyang antayin kaya lang ay hinila na ako ng antok. Natulog nalang ako sa isiping tatabihan niya ako at magigising akong yakap siya. Pero hindi iyon nangyari.

Marahan akong bumangon at umupo sa kama ngunit natigilan nang makita si Ice sa kanyang reclining chair. Nakadekwatro siya doon habang ang isang kamay niya ay nakapahinga sa kanyang labi. Tila ba kanina pa ako pinapanood.

Ngumiti ako.

"Hi. Sana dito ka nalang sa tabi ko nag-hintay. You don't mind smelling my morning breath, do you?" Maganda kong sinabi sa kanya ngunit hindi man lang siya sumagot.

Tinanggal ko ang nakatabon na comforter sa akin at tumayo mula sa kama. Iniwas ni Ice ang paningin niya nang lumantad na ang suot kong oversized shirt at mini boxer shorts.

"Kamusta na ang sugat mo, Ice? Kailangan kong linisan yan. Palitan natin ng gasa." Malambing kong sambit habang humahakbang palapit sa kanya ngunit natigil ako nang tumayo siya.

"Get yourself ready. May pupuntahan tayo." Malamig niyang sinabi bago dire-diretchong nag-lakad palabas ng kwarto.

Napanguso ako habang pinapanuod siyang isara ang pinto.

Something's off. . .

Ngunit kahit ganoon ang nararamdaman ay sinunod ko pa rin ang gusto niya. Naligo ako at nag-handa. Gray na sweatpants ang sinuot ko kapareha ng isang fitted white shirt.

Masaya akong natapos sa paghahanda ngunit nalungkot muli nang malaman na hindi ko rin siya kasabay kumain. Hinatid lang ni Aling Sita ang almusal sa kwarto.

"Aling Sita alam niyo po ba kung kumain na si Ice?" Hindi ko na napigilang mag-tanong habang nilalapag niya ang pagkain ko.

"Naku ayaw nga po magpaistorbo ni Master. Medyo mainit daw ang ulo. Hinatiran namin siya ng pagkain ma'am pero hindi po namin alam kung nagalaw na niya iyon." Paliwanag ni ate Sita.

Nakagat ko ang labi ko...

Mainit ang ulo?

Bakit kaya?

"Saan niyo siya hinatiran ng pagkain?"

"Sa library po ma'am, naroon po sila ni boss Red buong magdamag kagabi. Madaling araw na po nung pumanhik siya rito sa kwarto niyo."

Ibig sabihin...hindi talaga siya tumabi sakin??

Bumuntong hininga ako at tipid na ngumiti kay Aling Sita. Nang makaalis siya ay nag-madali akong kumain at nagsipilyo. Mas mabilis pa ang naging kain ko ngayon kesa sa mga training namin noon sa academy kaya hindi ko mapagilang matawa sa sarili.

Addicted to Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon