First Warning
I didn't know how I survived this day. Basta pagkatapos niya akong halikan ay nagpakabait muna ako. Ayokong isipin niya na gustong-gusto ko ang ginagawa niya kaya magpapakasinutil ako. No way!
Good thing I didn't have to deal with him the whole day dahil may ginawa siya noong hapon at inabot na iyon ng gabi. Naiwan lang ako sa kwarto niya buong mag-damag.
Ayos na iyon eh...kaso bumabalik nanaman ang matinding pintig ng puso ko ngayong gabi na at oras na para sa pag-tulog.
Saan ako matutulog? Saan siya matutulog?
Kanina pa ako paikot-ikot dito sa loob, hindi mapakali. Pinapakinggan ang nangyayari sa labas ng kwarto niya. Naroon kaya siya sa opisina niya o nasa labas?
Dinikit ko ang tainga ko sa pinto upang makinig pero nang marinig ko ang pagsara at bukas ng pintuan sa labas ay agad akong kumaripas ng takbo patungong banyo.
Hell! What's happening to me?!
Nilock ko kagad iyon at binuksan ng malakas ang shower para malaman niya na nasa loob ako.
Binawi ko ang paghingang pinigil ko kanina habang sinasandal ang sarili sa pinto.
Ilang sandali pa ay naramdaman ko na ang pag-pasok ni Ice sa loob ng kwarto.
Pumikit ako at tinapik-tapik ang pisngi.
Stop being so hysterical! You have a monster to face!
Pinagpatuloy ko nalang ang talagang ginagawa ko tuwing gabi. Nagshower ako at kung ano-ano pa. At nang matapos ay doon ko lang napagtantong...wala akong dalang pamalit na damit.
Ugh! Stupid!
Inikot ko ang mga mata ko sa buong bathroom at nakita ang maliit na piraso ng tuwalya. Sinubukan ko ito iikot sa katawan ko ngunit kitang-kita pa rin ang kaluluwa ko! Naiinis ko itong inalis.
Sa kabilang gilid ay may nakita akong dark green na mukang tuwalya ngunit nang kuhain ko ito at buklatin ay malaking bathrobe pala ito.
Well, this is better.
Sinuot ko iyon at binlower ang buhok. Sa salamin ay kitang-kita ko kung gaano kalaki ang roba. Halos kita pa rin kasi ang balikat at collarbones ko, pero mas ayos na iyon kesa ang kaluluwa ko ang makita.
Huminga ako ng malalim saka tahimik na lumabas ng banyo. Nang nahagip ng mga mata ko si Ice ay para akong binuhusan ng malamig na yelo sa kaba.
He's topless already! Mabuti nalang at suot niya pa ang kanyang pantalon. Naka-upo siya sa kama habang nakatitig sa bawat kilos ko. And damn, it was like gravity...making me slower and making it harder for me to move.
Kumirapas ako ng lakad patungo sa walk-in closet at sinara iyon! Muli ay nakabawi ako sa pag-hinga! Hinanap ko ang mga gamit ko at nainis nang makitang halos iba na ang mga damit na naroon. Sa pantulog ay puros mga silky night dress na nalalapit na sa lingerie ang itsura! Bakit ganito ang mga pinapasuot niya sakin?
Kumuha nalang ako ng puting T-shirt at boxer shorts para sa pantulog.
Nang makumportable sa itsura ay binuksan ko na ang sliding door ng walk-in closet at napatili ako nang bumungad sa harap ko si Ice.
"Shit!! A-Ano ba?!" Pumikit ako at tumagilid sa kanya dahil halos mabunggo na ang katawan ko sa katawan niya!
"I'm waiting for you..." Napapaos niyang sinabi.
Hell?! He's not happy when he's waiting.
"B-Bakit? Umabot na ba ako ng isang oras? I know you don't like to wait pero alangan namang maging the Flash ako para lang sa gusto mo?" Sinubukan kong harapin siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/138140029-288-k413832.jpg)
BINABASA MO ANG
Addicted to Love You
AcciónShe knows one thing about him, he's a criminal who deserves a death sentence. One tragic incident made her looking for him without even knowing his name. Making her want to kill him with her own clean hands. Little did she know, she's setting hers...