C̶h̶a̶p̶t̶e̶r̶ 21

4.7K 118 32
                                    


Love Song

Ang pag-upo ni Ice sa kanyang reclining chair ang huli kong nakita bago ako nakatulog. Talagang nag-titiis siya doon kahit na kwarto niya naman talaga ito.

Well, siya naman ang nag-sabi na dito ako matulog kaya bahala siya!

Pero sa tuwing gumigising ako ay hindi ko na siya naabutan doon. Anong oras kaya siya nagigising?

Uminat ako at dumiretcho sa banyo pag-kabangon. Naisip kong mag-shower sandali bago lumabas para sa almusal. Muli akong hinatid ni Aling Sita sa patio. Gusto ko sanang tanungin kung nasaan si Ice pero masyado nang iba ang mga ngiti niya kapag nababanggit ko ang kanyang Master kaya huwag na lang.

"Susunod nalang daw po si Master sainyo ma'am. Dito niyo nalang po siya antayin." Ngiti ni Ate Sita bago siya nagpaalam.

Hm... Okay! I'll wait for him here then.

Maligalig kong kinuha ang garlic bread at kinagatan ito. Kasunod ay ang pag-inom ng kape. Binagalan kong kumain para kapag dumating si Ice ay may kasabay pa rin siya.

Natigilan ako.

What the hell? Luna? Ikaw ba yan?

Binura ko ang huling inisip at nilantakan ang pagkain. Kung wala siyang kasabay aba kasalanan niya dahil matagal siya!

"Good morning!"

Muntik na akong mabilaukan nang sumulpot si Cloud sa Glass door ng patio.

"G-Good morning.." Sabi ko nang makainom ng tubig.

Gwapong tumawa si Cloud habang umuupo sa pwesto kung saan dapat si Ice.

"M-May sasabihin ka ba?"

"Mm.. Wala naman. I'm just checking on you. Now I can see that Ice is really taking good care of you." Ngisi niya.

"He's giving me a lot of work lately. Ayaw niya sigurong mabulilyaso ang trabaho kaya hindi niya ako pinapabayaan."

"Nah, I don't think so." Aniya habang kumukuha ng calamari at kinain ito.

"W-What do you mean?"

"Sinisiguro ko pa." Kumindat siya. "Hindi talaga ako sanay na ganito si Ice. I mean, that man is cold and scary but now...damn I don't know him anymore!" Umiiling siyang tumawa.

"He's still cold and scary, Cloud. What are you talking about?" Iniwas ko ang paningin ko sa kanya at muling kinagatan ang tinapay.

"Um.. Cloud can I ask you a question?" Nakagat ko ang labi ko nang naisip kong sunggaban ang oportunidad na ito.

Sa kanilang tatlo, si Cloud na siguro ang pinaka-madali kong makakausap. Si Red kasi ay may pagdududa sakin habang si Ice naman. . .Kailan ko ba iyon nakausap ng matiwasay?!

"What? If I'm single? I'm always single Luna but unfortunately I don't wanna die yet."

I glared at him but in the end I can't help but smile.

"RS Anderson and Governor Padrino...they're your customers right? Why...why did we need to kill them?" Tanong ko sa maliliit na boses.

"This isn't just about business, Luna. If you're lucky enough...you'll know that soon." Aniya at tumayo na.

Nakapamulsa siyang naglakad paalis ng patio.

"And moon..." Tumigil siya sa paglalakad at nakatalikod na nagsalita. "Don't tell Ice about me coming here. He'll beat the shit out of me." Ngumisi siya at patalikod na kumaway.

Nang makaalis si Cloud ay natahimik ang paligid ngunit hindi naman tumitigil ang utak ko sa pag-iisip. Come to think of it, all of my previous clients are now dead...maliban sa isang nakatakas.

Addicted to Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon