C̶h̶a̶p̶t̶e̶r̶ 2

7.5K 156 29
                                    

Danilo

Pinasadahan ko ng tingin ang mga bulaklak na binigay sakin ni Danilo. Nilagay ko ang mga ito sa flower vase at dinisplay sa kwarto. All of it still look fresh kahit tatlong araw na ang nakalipas.

Ngumiti ako at tinuloy na ang pag-bibihis. Today is Valentine's day. Bukas naman ay 2nd year anniversary namin ni Danilo.

Actually, today was supposed to be our anniversary.

Valentine's day ko sana siya gustong sagutin pero nasobrahan ako sa training nung araw na iyon at nakatulog ako sa pagod. I ended up saying yes to him the next day. . .which he didn't mind. Tinawanan pa nga ako.

Gusto ko sanang bukas na icelebarate ng sabay ang Valentine's and anniv namin pero hindi pumayag si Danilo. He wants us to celebrate even simple occasions together. He believes that every moment counts.

Nang masuot ang skinny jeans ay dinampot ko ang puting sando sa kama at sinuot iyon. Pinasadahan ko ng tingin ang sarili sa salamin. Hinayaan kong nakalugay ang buhok ko. Nang masiyahan sa itsura ay inayos ko sa dibdib ang letter "D" na pendant ng suot kong kwintas.

Binigay sakin 'to ni Danilo noong nag-simula siyang manligaw sakin.

He said that I could wear it kapag handa na akong sagutin siya. . . 2 years ago I decided to wear it. And it looked so perfect on my neck.

Inayos ko ang sintas ng combat boots ko saka lumabas ng kwarto pero napatalon ako nang pag-bukas ko ng pinto ay naroon na si Betina, isa sa mga kasambahay namin.

"Ma'am Luna, pinapasabi ni Sir Danilo na puntahan niyo daw po siya sa parking."

"Parking? Okay, thanks Bet!" Ngiti ko at agad akong lumakad-takbo palabas ng mansyon.

Nakita ko agad si Danilo na nakasandal sa kanyang BMW. He's wearing white shirt and straight cut pants kaya mejo terno ang style ng suot namin. Mas lalo akong napangiti.

"Happy Valentine's Love." Bati ko sabay yakap sa kanya nang makalapit. "Sorry..alam kong puyat ka ulit kagabi dahil sa meetings mo. Sabi ko naman kasi sa'yo kahit bukas nalang tayo umalis, Love."

Tinapik-tapik niya ang likuran ko gamit ang kamay na nakaakap.

"Don't worry about it. This day is special too, you know why? Cause today's our 2nd supposed-to-be anniversary." Tukso niya sabay tawa.

"Danilo!"

"I'm just kidding. But still, it's Valentine's day. And you also said na yung gusto ko naman dapat di ba? I want to celebrate this day with you, Love."

Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang ngisi. Okay, he got me there.

"Sige na nga, ready na nga ako oh?"

"You are always ready. Let's go?" Nakangiti akong tumango.

Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng kanyang kotse at agad akong sumakay. Umikot naman siya papunta sa driver's seat. Pag-sakay niya ay may inabot siya mula sa backseat at iminuwestra sakin ang paper bag.

"Cho...co...lates?" Basa ko sa tatak nito.

"Hmm-mm, but it's Keto. You don't have to worry about getting fat."

Nilingon ko si Danilo at magandang nginitian. Nilapag ko ang paper bag sa hita ko at mabilis siyang niyakap.

"Thank you Love. You really make me happy."

"You deserve it."

Muli ko siyang tiningnan at napabaling sa kanyang labi. Habang nakatingin doon ay hindi ko napigilan ang sarili na bigyan siya ng halik.

Addicted to Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon