C̶h̶a̶p̶t̶e̶r̶ 1

13.3K 200 17
                                    

Love

"Good morning Love!" Nakangiting bati sakin ni Danilo nang makita akong pababa sa hagdan. Nakaupo lang siya sa sofa pero ang dating niya ay parang artista na guest sa talk-show, camera nalang kulang.

Napatingin ako sa hawak niyang bulaklak habang diretcho pa rin ang lakad palapit sa kanya.

Tumayo siya para salubungin ang yakap ko.

"Love? Para san naman to?" Tukoy ko sa bulaklak matapos halikan ang pisngi niya.

"It's for you."

Napangiwi ako. Marahan siyang tumawa nang makita iyon.

Alam kong akin to pero para saan??

Two years na kami ni Danilo pero pakiramdam ko nililigawan niya pa rin ako. Lagi tuloy akong natutukso ng "pahiram naman ng jowa mo" ng mga kakilala kong babae.

Honestly, I can't blame them. I would want all the women to have a Danilo in their life. Someone who will cherish them and who will value them. Yung nandyan para sa'yo sa hirap at ginhawa, hindi lang sa umpisa.

"Flowers on a typical day? Do I deserve this?" Ngumuso ako at kinuha na ang mga bulaklak.

"Of course you do. Besides, Valentine's day is just a few days away. Sabihin nalang nating pre-Valentine's gift ko. Chocolates din sana kaso ayaw mo naman tumaba eh." Hinawakan niya ang bewang ko at marahang pinisil-pisil iyon.

"You know how strict Papa can get sa trainings ko, Love. I need to stay fit. I don't want to fail him. Isa pa, okay na ako sa sweetness mo. Hindi nakakataba." Ngisi ko.

Marahan siyang tumawa.

"But remember, I don't mind you getting fat okay?"

Agad akong umiling.

"No, Love. Dapat sexy din ako para di ka na tumingin sa iba." Tukso ko bago tumawa.

Hinuli niya lalo ang bewang ko kaya natigil ako.

"Kapag tumingin ako sa iba, ipacheck-up mo agad yung mga mata ko. I might be getting blind if that ever happen. And you know I would never do that. I'm too inlove with you to even think about that."

Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya.

He's loyal. My trust for him are as high as the heavens above at kahit kailan hindi niya sinira iyon. For me, he is the greenest flag ever.

"Let's go?" Ngumiti siya at nilahad ang kamay sa akin.

"Wait Love, lagay ko lang ito sa kwarto ko." Masaya kong paalam.

Ngumisi siya at kinagat ang kanyang pang ibabang labi.

"Be fast, can't wait to hold you again." Habol niya habang paakyat ako ng hagdan. Hindi ko naman napigilang tumawa.

Nilapag ko ang bulalak sa kama bago lumapit sa tukador. Pinasadahan ko ng tingin ang sarili salamin. I'm just wearing a simple white shirt and fitted pants. No make-up for me. Hindi ko alam kung hindi lang ba ako marunong o talagang hindi ako sanay. Hindi ko rin naman kasi kailangan ng make-up sa training.

Addicted to Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon