C̶h̶a̶p̶t̶e̶r̶ 13

4K 115 42
                                    

Locked

Umungol ako habang minumulat ang mata. Wala pang segundo ay bumalik nanaman ang matinding kaba na panandaliang nawala sa akin.

I suddenly remembered what happened...

I remembered his glare. Then his devilish smirk. I was totally stunned when he walked towards me. And it's funny. . .

No.

It's so stupid that I forgot to defend myself. Nagawa niya akong patulugin nang wala man lang akong kalaban-laban.

And now...where am I?

Selda? I've never been in this part of the house pero sa amoy ng mga alak at sigarilyo, paniguradong nandito pa rin ako.

Then I realized. . .

I failed.

Bumangon ako at tiningnan ang sarili. Wala akong nararamdamang masakit. Napabalikwas ako nang maalala ang mga dokumentong kinuha ko.

Shit!

Wala na!

Kinapa ko lahat ng bulsa ko, kinapa ko ang lahat pero wala. Marahas akong napa buntong hininga sa inis. How can I just fail?!

Pero teka. . .

Naroon si Ice sa binabaan kong parte ng pader. Andito siya kahit na sinabing tatlong araw siyang mawawala. Nandoon siya sa labas. Sa gilid ng kalsada. What the hell is he doing there anyway?!

He knew? But that's impossible. Really impossible.

"Gising ka na pala. Kumain ka muna." Napatingin ako sa bukana ng bakal na selda nang nag-salita ang isang armadong lalaki.

Sumenyas siya sa parteng hindi ko na tanaw at ilang saglit lang ay may lumapit pang lalaki na may dalang tray ng pagkain. Binuksan niya ang selda at pinasok ito.

Tiningnan ko lang 'yon ng masama at hindi pinansin.

"Kumain ka. Mabigat ang mangyayari sayo. Kailangan mo ng lakas." Huling sabi ng tauhan bago ako nilayasan.

Sumibol nanaman ang kaba sa aking dibdib. Ang isiping galit si Ice ay talagang nakakapanindig balahibo.

Pero bakit ba? Bakit ba ako kinakabahan gayong ako dapat ang magalit?

Siya! Siya ang may atraso! Hindi lang sakin kundi sa maraming tao!

At kung hindi dahil sa atraso niyang 'yon ay wala sana ako dito. Kaya pwede ba, Luna?! Sa lahat ng misyon mo, ngayon ka HINDI pwedeng pumalya!

Lumapit ako sa tray ng pagkain at sinimulan kainin iyon. Buttered chicken, rice at mushroom soup. Nakakatakam din naman kaya hindi ko na pinigilan ang sarili ko.

Wala rin naman akong magagawa. Kailangan ko din naman talaga harapin si Ice. But the next time I face him, I'll make sure I won't be shaking like crazy. I need my guts to stay intact and fight.

Hindi ko alam kung ilang oras na ang lumipas pero sigurado akong malapit nang mag-madaling araw. Inalala ko lahat ng mga daan sa hideout. Lahat ng mga posibleng posisyon ng mga tauhan sa loob at labas. Kailangan ko pa rin makatakas kahit na bumaba ang posibilidad na magawa ko iyon lalo pa't nahuli na ako. I still need to try.

Hindi ko man makuha ang ilang mga dokumentong kailangan ko, at least I can still fully remember Ice's real name.

Lourde Isaac Voltaire

Maybe we could do a further research about him then eventually it will connect to the people that we need to get too.

Hinubad ko ang suot kong jacket at inayos ang pag-kakatali ng aking buhok.

Addicted to Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon