Mouse and CheeseSinungitan ako ni Ice buong araw. Wala akong magawa dahil kasalanan ko naman talaga ang lahat. Kaya heto buong araw din akong nag-mukmok sa kwarto habang kung anu-ano ang inaasikaso niya sa labas.
Kakatapos ko lang mag-work out nang kumatok si Aling Sita. Muntik pa akong mapatalon dahil sa pag-aakalang si Ice iyon. I'm not ready to face him now that I'm covered in sweat.
Medyo ayokong maabutan niya ako ng ganito at naiinis ako dahil ganoon ang nararamdaman ko.
"Ma'am, itatanong ko lang po sana kung saan niyo gusto kumain?" Ngiti niya sakin habang nakasilip sa pinto.
Pinulot ko ang facetowel sa kama at pinunas iyon sa aking braso.
"Um, kung saan si kakain si Ice, doon nalang din po ako." Nakagat ko ang labi ko sa napaka-unfiltered na sagot.
Nag-ngising aso si Aling Sita.
"Asa library pa po si Master, ma'am. Gusto niyo po bang tanungin ko siya?"
"Wag! A-Ang ibig kong sabihin, a-ako nalang ang mag-tatanong Aling Sita." Hilaw akong ngumiti.
"Kung ganoon po, babalikan ko nalang po kayo mamaya ma'am." Nag-taas baba ang kanyang kilay bago nag-paalam.
Uminit tuloy ang pisngi ko. Pakiramdam ko masyado nang iba ang naiisip ni Aling Sita.
Binura ko nalang iyon sa isip kasabay ng malamig na tubig mula sa shower. Binilisan ko pati ang pag-kilos para lang maabutan si Ice sa library.
Suot ang sleeveless shirt at gray na sweatpants ay dumiretcho na ako sa palabas ng opisina ni Ice. Gaya ng nakagawian, panay ang tingin ng mga nakabantay niyang tauhan na iniirapan ko lang.
Kumalabog ang dibdib ko nang makatapat na sa pintuan ng library. Iniisip kung bakit ko ito ginagawa at kung kaya ko bang gawin 'to.
Ilang beses kong inangat ang kamay ko para sa pag-katok na hindi ko matuloy. Iniisip ko palang kasi ang mga mata niya ay umuurong na ang sikmura ko.
Bumuntong hininga ako at sumuko nalang. Bahala siya! Ako nalang kakain ng dinner mag-isa!
Ngunit bago pa man ako makatalikod sa pinto ay bigla itong bumukas. Tumambad sa harap ko si Red na nagulat din nang makita ako.
"Looks like the mouse is playing around." Ngisi niya.
"Shut up!" Rinig kong singhal ni Ice sa pinsan kahit na nakatalikod na ito sa kanya.
Humalakhak si Red.
"No, I'm serious, Ice. I'm not teasing you for being cheesy. Luna's here." Kumaway patalikod si Red at nilampasan na ako.
At nang makaalis siya sa harap ko ay wala nang pagitan samin ni Ice. Ang mga mata niya'y nakatuon na sakin. Nilalakbay ang kabuuan ko.
Napapalunok kong kinagat ang aking labi.
Hindi ko inakalang ganito magiging katindi ang mga mata niya kapag nasa library.
Napatalon ako nang magsimula siyang maglakad palapit sa akin.
I almost closed my eyes when he stopped in front of me. Naramdaman ko na ang mainit niyang hininga sa aking pisngi. His wide iron-clad chest blocking my sight.
Nakagat ko ang labi ko nang iangat niya ang kamay niya. Akala ko kung ano na kung hindi lang ito dumiretcho sa doorknob at sinara ang pinto sa likod ko.
"What are you doing here?" Untag niyang nag-patalon sakin. Lalo pa nang marinig ko ang pagclick ng lock ng pinto.
"U-Um... S-Si Aling Sita, pinapatanong k-kung kakain ka na daw." Nakagat ko ang labi ko.
BINABASA MO ANG
Addicted to Love You
AksiShe knows one thing about him, he's a criminal who deserves a death sentence. One tragic incident made her looking for him without even knowing his name. Making her want to kill him with her own clean hands. Little did she know, she's setting hers...