C̶h̶a̶p̶t̶e̶r̶ 35

3.8K 94 25
                                    


One Wrong Move

Gumising ako ng maaga para maunahan sana si Ice sa pag-bangon pero wala nanaman siya sa tabi ko. It never happens! Lagi siya ang nauunang nagigising.

Nakanguso tuloy akong dumiretso sa banyo para maligo.

"Um, Aling Sita, si Ice po saan?" Tanong ko pag-labas ng banyo at maabutan siyang nag-lilinis ng kwarto.

"Ay, ang rinig ko po ma'am, may sinundo daw po."

Kumunot ang noo ko. Sinundo? Sino naman ang susunduin niya? At bakit kailangan pang sunduin? At bakit hindi niya ako sinama sa pag-sundo?

Hell! Bakit ba ang dami kong tanong?!

"Alam niyo po ba kung sino?" Hindi na ako nakatiis mag-tanong lahit alam kong malabo na alam ni Aling Sita ang sagot.

"Hindi po ma'am eh." Great! Sabi na nga eh.

"Sige po.. Salamat.."

"Ma'am ang pagkain niyo po, nasa patio na." Ngiti niya sakin.

Nakangiti naman akong tumango bago dumiretcho sa walk-in closet para mag-bihis.

Sa patio ako nag-palipas ng umaga. Habang kumakain ng almusal ay tinatanaw ko ang ilang runners na nag-ttraining sa malayong gilid ng base. Wala roon sila Maya kaya tingin ko'y may misyon ang dalawa.

Sumimsim ako sa aking juice at natigil nang marinig ko ang magarang tunog ng kotse ni Ice. Uminom ako ng tubig at pinunasan na ang aking labi bago nag-mamadaling pumunta sa baba.

Dumiretcho ako sa entrada ng bahay at nakita ko ang likod ni Ice. Nakababa na siya at umikot lang sa may frontseat tila may pag-bubuksan ng pinto.

At nang buksan niya ito ay nag-tangis ang bagang ko.

It was a woman! A tall and sexy woman!

Who wears a silver shiny sexy dress in the morning? Really? Siya lang! But I admit, she's not just sexy..she's also pretty. With her foreign features, I felt envious. Napatingin tuloy ako sa suot kong plain white tshirt at boxers ni Ice. (na parati kong sinusuot dito)

"Your house is huge. I like it in here, Ice." Sinabi ng babae sa sopistikadang paraan.

Ibig niya bang sabihin, dito siya titira?!

Napahawak ako sa dibdib ko. Ngayon ko lang napansin na ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko. Mali, hindi pala mabilis..kundi malakas. At sa sobrang lakas ay nakakasakit na!

Huminga ako ng malalim at sumandal pa lalo sa hamba ng double doors. Pinag-ekis ko ang aking braso at saka matapang silang tiningnan.

Natigilan si Ice sa pag-hakbang paakyat ng hagdan nang makita ako. Ganoon din ang babaeng kasama niya.

"Luna, bakit ka nandito sa baba?" Kumunot ang noo niya.

"Waiting for you, I guess." Kibit balikat ko.

"Can you change clothes first before you wait for me next time? Your shirt's too thin, your boxers' too short. Damn." Inis niyang sinabi sabay hawak sa palapulsuhan ko.

"And she is?" Tanong ng babae.

Ugh! Ako dapat ang mag-tanong niyan!

"There are things that you don't have to know, Ms. Davidson." Tamad na sagot ni Ice.

"Oh, okay.. I won't believe it if you tell me  that she's your girl anyway." Halakhak niya. "I wanna see my room." Nag-katinginan kami ni Ice.

Addicted to Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon