C̶h̶a̶p̶t̶e̶r̶ 9

4.4K 117 30
                                    

Hyve Club, BGC

Gising na si Akie at Maya nang makarating ako sa kwarto. Hinahanda na nila ang mga pagkaing mukang kakabigay lang din ni Jiz. Pancakes iyon at may bacon. Meron din mga nakahiwang prutas.

"Woah, mukang big time mission ah?" Sabi ni Akie nang mapansin ang dala kong damit.

Tumango ako at inangat ito para lalo pa nilang makita.

"Sa isang club kasi yung location." Paliwanag ko at nilapag na sa kama ang mga dala.

"Club?! Ako na mag-mamake up sayo Dawn. Pwede?" Masayang sabi ni Maya.

Nagulat ako doon. Hindi ko inakalang kailangan pa ng make-up. Nag-dadalawang isip akong tumanggi dahil hindi naman ako marunong mag-make up. Maski naman noon. . .

"S-Sige. Pero may magagamit ka ba dito?" Tanong ko habang palapit sa mesa para sabayan silang kumain.

"Dawn, kumpleto ang lahat dito. Parang heaven." Halakhak ni Akie.

"Excuse me! Walang TV at bawal ang cellphone!" Ismid naman sa kanya ni Maya. "Heaven lang naman sa'yo kapag dinala kana sa ibang mundo ng mga usok mo eh."

"Grabe siya? Pero kaya nga eh. . .namimiss ko tuloy si Franshine." Ngumuso si Akie habang naka pangalumbaba sa kanyang tuhod. Nakapatong kasi ang paa niya sa upuan at sigang nakaupo. Siguro ang tinutukoy niya ay iyong girlfriend niya sa labas na nabanggit niya.

Hinampas ni Maya ang braso ni Akie.

"Wag ka ngang maingay! Baka may makarinig sayo!" Saway niya.

Napangiti ako habang sumusubo ng pancake na pinatungan ko ng bacon.

"Asuus, selos ka lang eh!" Panunukso sa kanya ni Akie.

Pasimple akong tumawa nang makita ang pandidilat ni Maya.

"Yuck!! Kadiri! Kay Jiz nalang ako! Busog pa ako!" Pareho kaming natawa ni Akie.

"Shhh! Huy! Pag ikaw narinig ni Jiz, baka di kana gawing runner ng mga boss, baka gawin kang aliw para sa kanya." Pabirong banta ni Akie.

Ngumiwi naman si Maya.

"Mamaya ikaw ang maihandang pagkain samin, sige ka kakainin kita." Mas lalong humagalkpak si Akie at di na napigilan ni Maya na hampasin siya.

Tumatawa lang ako habang nanonood sa kanila.

Mabilis na lumipas ang oras. Napagtanto ko nalang na tapos na akong maligo at naghahanda na para malagyan ng make-up ni Maya. Pinaupo niya ako sa harap ng tukador at sinimulan ayusan.

She said she thinks smoky eye will look good on me so that's what she did. Inayos niya rin ang kilay ko kahit na ayaw ko. Then she used dark red lipstick on my lips.

Tiningnan ko ang sarili sa salamin. Hindi ko naman first time naayusan pero ngayon lang ata ako nagamitan ng dark colors. Pinagmasdan ko rin ang perpektong wing eyeliner na nilagay ni Maya sa gilid ng mga mata ko.

"Ganda oh! Ang hot!" Sigaw ni Akie nang tumayo ako.

Pumalakpak naman si Maya.

"Sino pang mag-aakalang runner ka?! Wala!" Tawa nito habang inaayos pa ang kulot na dulo ng buhok ko.

"Salamat." Nahihiya kong sambit.

"Galingan mo ha?! Bumalik kang buo." Kindat sakin ni Maya.

Tumango naman ako at ngumiti. Muli kong pinasadahan ang sarili sa salamin. That red off-shoulder bodycon dress fits perfectly on me. It showed my curves and a little bit of my cleavage.

Addicted to Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon