WARNING: SPG!!!!!!
Fire and Ice
Pero mukang mali ako nang isipin kong hindi ako magbabago.
The way he tested my patience didn't end that day... For the past three straight days...he tried to wake up the devil inside me. Killing the angel within me, slowly, with his own ways and words.
Hindi na rin muling nakabisita sakin si Maya. Tingin ko'y dahil wala naman na siyang sugat na gagamutin.
I may not be wounded on the outside but inside...I'm dying. Really really dying.
Isang kalabog nanaman mula sa aking bakal na selda ang nagpabangon sakin. At nang makitang si Dos iyon ay tila nanghina nanaman ako.
This is the fourth day of him torturing me. My body...including my mind. Like what he said, he won't stop until he gets whatever he wants. And I just won't let that happen.
But I can't deny that the way he touched me every after his wrath...were very soft and gentle. Kaya mas lalo akong nagagalit sa kanya!
Mabibigat na yapak ni Dos at ng isa pang lalaki ang lumapit sakin. Naka-posas na ang kamay ko mula kagabi dahil sa ginawa kong panlalaban kaya ngayon ay mas kampante silang lapitan ako.
Malungkot na mga mata ni Benteuno ang nanuod sakin habang hinihila ako palakad nila Dos sa pamilyar na pasilyo. I'm still wearing this frigging hospital gown! Barefoot and with a hair that's very messy.
"Dos... Please... P-Pakawalan niyo na ako." Nag-mamakaawa kong bulong kay Dos.
Nakangisi niya lang akong inilingan.
"Walang lugar ang awa para sa mga traydor na tulad mo. Pasalamat ka nalang at hindi ka pa pinapatay ni Master." Mariin niyang sagot bago hinigpitan ang pag-kakahawak sakin.
Marahas nila akong dinala ulit sa Red Room.
Hinanda ko na ang sarili ko at inantay na paupuin sa bakal na upuan pero hindi nila iyon ginawa. Nanatili kaming nakatayo sa gitna ng kwartong iyon na tila ba may inaantay.
Ilang sandali pa ay pumasok na si Ice. Ang kanyang diamond earring ay kuminang at nakuha ang paningin ko. Ngunit mas nakuha ng hawak niyang maliit na lalagyan ang atensyon ko. Ang isang kamay niya'y nakamapulsa habang ang isa ay marahang inaalog-alog sa ere ang hawak.
Tumigil siya sa pag-lalakad nang makatapat na sakin ngunit bago niya ako hinarap ay ginawa niya muna ang paborito niyang gawain.
Ibinulsa niya ang maliit lalagyan habang pinapatunog ang leeg pagkatapos. Nang harapin niya ako ay hindi na maganda ang kutob ko. Baka naubusan na siya ng pasensya dahil kahit anong gawin niya ay hindi ako nag-sasalita.
I swallowed hard thinking that he might kill me right now.
Tinitigan niya ako. At kahit hinang-hina ay nagawa kong makipagtitigan sa kanya. O baka naman hindi ko lang talaga magawang pigilan ang tingnan ang mga mata niya? Because it's too unreadable and hypnotizing. It's too dark and powerful like a strong magnetic field.
Napabitaw lang ako sa pakikipagtitigan nang kumalabog ang pinto. Lumingon ako doon at nagulat nang makita si Sven na hinihila ng dalawang barakong tauhan papasok sa loob.
"Wala akong alam! Wala akong alam! Bat ba ayaw niyo maniwala?!" Sigaw niya sa dalawang lalaki ngunit natigilan siya nang makita niya kung sino ang nag-aantay sa kanya sa loob.
Halata na sa kanyang mukha ang takot at butil-butil na ng pawis ang namumuo sa kanyang noo. Agad akong kinabahan para sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/138140029-288-k413832.jpg)
BINABASA MO ANG
Addicted to Love You
ActionShe knows one thing about him, he's a criminal who deserves a death sentence. One tragic incident made her looking for him without even knowing his name. Making her want to kill him with her own clean hands. Little did she know, she's setting hers...