*new note*
Next UD will be on August (1st week).
Pls. Spare me.
Pls. Don't be mad.
2 weeks to go.
Thanks for reading! ///slash waiting hehe///
と(=゚ω゚)つ
-----------------Love
Ilang minuto pa siguro akong natulala sa kinatatayuan ko bago bumalik sa huwisyo. Natulala na ako at napaisip pero wala pa rin akong sagot sa tanong na gumugulo sa isip ko.
What the hell happened?
Suminghot ako at pinunasan ang tumulong luha sa aking pisngi. Sinulyapan ko ang Maja Blanca na nakalahati ko na ngunit para akong nawalan ng gana.
Bumuntong hininga ako at nagpatuloy na sa paglalakad palabas ng bahay na iyon. Habang naglalakad ay panay pa rin ang libot ng aking paningin sa disenyo ng bahay. Maganda kasi talaga ang pagkakagawa nito.
May ilang paintings din na abstract ang disenyo ngunit mahahalatang mababangis na hayop ang naroon.
Kumabog nang mabigat ang dibdib ko nang maaninag ko ang likod ni Ice. May hawak na siyang brown envelope at nakatayo doon.
He's smoking.
Parang gusto ko tuloy uli bumalik sa loob dahil sa panghihina ng tuhod.
Talaga Luna? Dahil galit siya sa'yo ay hinang-hina ka?
Ngunit huli na ang lahat para bumalik sa loob ng bahay dahil nilingon na ako ni Ice. Mabilis niyang tinapon ang kanyang sigarilyo at inapakan ito habang nakapamulsa.
Tiningnan niya ako na parang alam ko na ang gusto niyang sabihin.
Bakit ko nga ba siya pinigilang manigarilyo? Ganoon na siya noon. Tanggap ko na siya ngayon. Kaya kahit ano pang gawin niya, huwag lang siyang malayo sakin.
Sinubukan kong ngumiti habang naglalakad palapit sa kanya ngunit iniwas niya lamang ang paningin niya sa akin.
Ngumuso ako at sumunod na sa kanya nang maglakad siya.
Pagkatapos ng sandaling pag-papaalam kila Nana Rosie ay muli kaming sumakay sa chopper. At habang umaangat ang chopper sa ere ay doon ko lang nakita ang ilang grupo ng kabataang lalaki na tila nag-ttraining sa bandang likod ng isang bahay. Gaya ng ginagawa ng mga runners sa base.
Tinanaw ko sila mula sa himpapawid hanggang sa tuluyan na silang nawala sa paningin ko.
This time mas naging kalmante ako. Siguro nag-oover think lang ako. Kung may problema si Ice, kung ano man iyon ay susubukan ko nalang siyang tulungan. Kaunting lambing pa siguro.
Napangiti ako habang nakatingin sa tanawin. Iniisip ang mga paraan ng paglalambing na pwede kong gawin kay Ice. Napasulyap ako sa kanya at nakita ang seryoso niyang mukha. Medyo nakakunot pa ang noo niya dahil sa nakakasilaw na umaga.
Kahit nag-susungit ay hindi ko pa rin mapigilang ma-gwapuhan sa kanya.
Umurong ako palapit sa kanya at sinasadyang idikit ang balikat ko sa braso niya. Tumikhim siya ay umurong paabante!
Mamaya na nga lang!
Kitang-kita ko ang nag-kukulay asul na dagat habang palapag ang chopper. Mukang isang private island naman ang narating namin. Ang akala ko'y sa base na kami pupunta, hindi pala.
BINABASA MO ANG
Addicted to Love You
AcciónShe knows one thing about him, he's a criminal who deserves a death sentence. One tragic incident made her looking for him without even knowing his name. Making her want to kill him with her own clean hands. Little did she know, she's setting hers...