Chapter 4

2K 48 3
                                    

Hindi maalis ang tingin ni Lorenz kay Belle. This is the first time that he heard her laugh. He will admit that he was again lost for words. Parang gusto nya na laging marinig ang tawang iyon. Ngunit agad ding nawala ang ngiti ni Belle ng balingan sya marahil ng malaman nito na tinitingnan nya ito.

"Uhm ano....tapos ka na bang kumain? Liligpitin ko na muna yung pinagkainan mo bago tayo pumunta dun sa sinasabi mo." awkward na tumayo si Belle saka dali-daling niligpit ang plato sa harap nya.

"You don't have to do that." Nakatingala sya dito habang hawak ang kamay na pinigilan nya sa pagkuha ng plato. Napalunok si Belle pero tiningnan din sya nito.

What the h*ck! He was cursing sa isip nya. Hindi nya maintindihan bakit sya ganito ngayon. Agpad nyang binitawan ang kamay nito at tumayo.

"You can just leave that, ako na ang bahala dyan mamaya." Pero bago pa man sya makalabas ay nagsalita din si Belle. "This is the least I can do para sa pagtulong mo saken." Tinanguan lang nya si Belle bago tuluyang lumabas ng kusina.

************
Ilang minuto lang ay nakarating na sila sa building kung nasan ang opisina ni Reid Alleje na nagmamay-ari ng Stallion Riding Club. Nakasakay sila sa kotse ni Lorenz. She was so nervouse habang papasok sila ng gusaling iyon at dumoble ang kaba nya ng makaharap na nya ito. He was so intimidating na hindi nya alam kung magtatago sya sa likod ni Lorenz o tatakbo palabas ng opisina. Kahit minsan ay hindi sya nakaramdam ng ganito habang kaharap nya ang kanyang ama o mga kapatid. Tingin pa lang kasi nito sa kanya ay parang sinasabihan na syang wag gagawa ng mali kung hindi ay ipapatapon sya nito sa Taal Lake.

"Sorry if short notice ang pagpunta namin dito." Panimula ni Lorenz, tiningnan lang ito ni Reid Alleje habang prenteng nakasandal sa upuan nito, bago siya binalingan saglit.

"I don't think she's on your list of guests." Reid Alleje said matter of factly.

"She's with me kagabi pa..." pero bago pa man matapos ni Lorenz ang sasabihin nya ay nagsalita ulet si Reid.

"You already said that to me a while ago." napatingin sya kay Lorenz sa narinig, he just gave her a what-look and then shrugged.

"She fell asleep in the back seat of my car while on our way here. I forgot about her when we arrived kaninang madaling araw, kaya hindi ko sya na-log as my guest." dirediretsong paliwanag ni Lorenz dito, napayuko na lang sya sa naging dahilan nito.

"You are?" napaangat sya ng tingin ng tanungin nito. Hindi nya alam kung anong nangyari bakit hindi sya agad nakapagsalita.

"I-it, I mean I a-am." siniko sya ng bahagya ni Lorenz, sinulyapan lang nya ito sa peripheral vision nya. He's enjoying this. Tumikhim sya, she can do this.

"I'm Ysabelle Ortiz, bagong katulong po ni Sir Lorenz." she should give herself a pat dahil hindi nya alam san sya kumuha ng lakas ng loob para masabi iyon.

"Yeah katulong........wait. Katulong?!" hindi makapaniwalang nilingon sya ni Lorenz, kitang-kita sa mukha nito ang pagkagulat dahil sa sinabi nya. While Reid just raised his eyebrows, habang nagpalit ng tingin kay Lorenz at Belle.

"So you hired a new house keeper huh." saglit itong naamuse pero naging neutral din kaagad ang ekspresyon nito.

"I...I j-just..." gustong matawa ni Belle sa reaksyon at sagot na iyon ni Lorenz. Halatang malapit na itong mafrustrate dahil sa sinabi nya.

******************

"San nanggaling na katulong kita?" ito ang paulit-ulit na tanong ni Lorenz mula ng umalis sila sa opisina ni Reid.

Nakahinga ng maluwag si Belle ng iacknowledge ni Reid ang pagstay nya sa SRC pero si Lorenz ay halatang hindi nagustuhan ang naging takbo ng usapan nila.

Hangang-hanga si Belle sa mga nadadaanan nila. Puro puno at malawak na damuhan ang natatanaw nila, may iilang member din na nangangabayo sa di kalayuan. This is what they called picture-perfect.

"You should have informed me beforehand na ganun pala ang sasabihin mo para hindi naman ako nagmukhang tanga kanina." noon lang ulet nya ito binalingan, naiinis nga ito dahil sa sinabi nyang dahilan kay Reid.

"I'm sorry, hindi ko din kasi alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya lalo na ng tingnan nya ako. Iyon ang una kong naisip." napabuntong-hininga na lang ito.

"You're really lucky. You can now officially stay here at SRC. But you can't date other guys here as long as you are under my care." hindi mapakali si Belle sa tingin na iyon ni Lorenz sa kanya. Napatango na lang sya sa sinabi nito bilang sagot bago nagmadaling maglakad.

Nagulat sya ng maabutan sya nito. "Do you understand what....."

"I don't have time for that lalo pa ngayon na nasa ganito akong sitwasyon." hindi nya ito nililingon at sa daan lang sya nakatingin kaya naman mas binilisan pa niya ang paglakad.

"Miss wag kang maniniwala dyan, madami ng babaeng pinaiyak yan." narinig pa nya ang pagpalatak ng nagsalita. Nang linunginin nya ito ay nakangiti ang isang gwapong lalaki na nakaupo sa may fence, nakasuot din ito ng riding uniform tulad ni Lorenz.

"Tsk paninirang puri yan Miro, that's not true." maagap na sagot naman ni Lorenz na tila pinagtatanggol ang sarili sa naging pahayag na iyon ni Miro. The guy chuckled bago bumaba sa pagkakaupo nito. They were on their way to the Clubhouse, nagpumilit kasi si Lorenz na samahan nya ito doon bago sila bumalik sa villa nito.

"Hi I'm Miro Logarta, but you can call me yours." kinindatan sya nito bago ilahad ang kamay SMsa kanya kaya naman napanganga sya dito. Nagpalit ang tingin nya sa kamay nito at sa mukha nito, lalong lumapad ang ngiti nito dahil sa naging reaksyon nya.

Magsasalita pa lang sana sya ng biglang humarang sa gitna nila si Lorenz, shoving Miro's hand away.

"Bilisan mo na ISANG tutulungan mo pa ako sa pag-aayos sa villa ko." agad syang hinatak ni Lorenz patungong Clubhouse.

"Bye Isang, see you around. Basta tandaan mo ung sinabi ko wah, wag kang maniniwala dyan kay Lorenz." pahabol pa nito ngunit tinakpan ni Lorenz ang tenga nya habang patuloy pa din sila sa paglakad.

"Isang? Ano naman kaya yun?" hindi nya napigilan na itanong.

"I told you, you can't date other guys here." bulong nito sa kanya. She could feel his breath brushing against her cheek and the weird unusual beating of her heart kapag ganito kalapit sa kanya si Lorenz. Itutulak nya sana ito ng may magsalita.

"Anong pauso na naman yan Lorenz."

"New girl? Baka mamaya may nagpupumilit na namang makapasok dito dahil hindi ka na nagpaparamdam."

"You should do that in another place. Huwag dito nasisira nyo ang view."

Noon lang din lumayo sa kanya si Lorenz para batiin ang mga lalaking nagbigay ng kani-kanilang mga kumento sa eksena nilang iyon.

She was dumbfounded ng akbayan sya ni Miro.

"I told you marami ng pinaiyak na babae yan." Napalingon sya dito ngunit bago pa man nya maitulak palayo si Miro ay nahila na sya ni Lorenz dahil para mapasubsob sya sa dibdib nito.

"Tsk masyado ka yatang possessive ngayon Lorenz." narinig nyang sabi ni Miro at hinarap ito.

"I just don't want my new housekeeper to be involved in anyone of you." ito ang naging sagot ni Lorenz bago sya hilahin ulet palayo sa lugar na iyon.

"I think I made a wrong decision na isama ka sa Clubhouse." Naguguluhan si Belle sa mga nangyari. Hindi pa nga natatapos ang unang araw nya sa SRC ay parang sasakitan na sya ng ulo.

-Author's Note-

Sorry if slow pace ang takbo ng story, gusto ko sana na mas maging maayos ang pageexplain ng mga naganap hehe, I'll try to improve that.

Thank you and please do comment or vote.

Stallion Riding Club Series (Fanmade) : LORENZ DELA TORRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon