Chapter 20

1.6K 49 4
                                    

Will it end like this? napangiti si Belle ng mapait sa naisip. As much as gusto nya na makaalis sa lugar na iyon ay ayaw makisama ng katawan nya.

Nang haharap na ang kanyang tito ay napapikit na lang sya. Waiting for whatever will happen to her.

Her heart almost leap when someone grabbed her from behind.

**************
"Sh*t!! Come on move!!" sunod-sunod na busina ang ginawa ni Lorenz. He's stuck in traffic. Pabalik na sya ng riding club ng oras na iyon.

"Damn it!" nasabi na lang nya ulet ng hindi pa din gumagalaw ang mga sasakyan sa harap nya.

"Why isn't she picking up the phone." frustrated na nasabi nya ng mapunta sa voice mail ang tawag nya kay Belle.

Agad nyang minaniobra ang sasakyan ng makakita sya ng kanto na pwedeng syang makapasok. He need to find another way to get to SRC quickly.

Nang makapasok ay wala na syang sinayang na oras.

"Hello Clover, kasama mo ba si Ysabelle?" agad na tanong ni Lorenz ng sagutin ni Clover ang tawag nya.

"No, we're not together. I'm at the stable may pinapagawa saken yung Riley na yun eh. Why? I thought kayo ang magkasama?"

"Can you check her for me? I'm on my way back to SRC, I'm just stuck in traffic."

"Did something happen? I'll check her sa cafe. I'll text you after."

"Thanks Clov." inend na din ni Lorenz ang tawag at nagconcentrate sa pagmamaneho.

Nang makarating sya sa highway ay kulang na lang ay paliparin ni Lorenz ang sasakyan nya para lang mabilis na makarating sa SRC.

He received a message from Clover that Belle's still in the cafe. He somehow felt relieved but he's still worried about her.

He almost bumped the car in front of him kung hindi lang sya nakapagpreno agad.

"F*ck!!" he brushed his hair out of frustration ng bumaba ang may-ari ng kotse sa harap nya. He don't have time for arguments.

"Magdahan-dahan naman kayo. Muntik nyo na kong mabangga." ito ang sinabi ng lalaki pagkababa nya ng bintana ng kotse nya.

"Sorry..here, just contact that number in case may nadamage sa sasakyan mo. Nagmamadali lang ako." binigyan nya ng business card ang lalaki. Nang hindi na kumibo pa ito ulet ay umalis na sya.

When he reaches the riding club proper ay wala na syang sinayang na oras. Dumiretso sya agad sa Lakeside Cafe.

Nagtatakbo sya papasok ng cafe. He bumped into Theo dahil sa pagmamadali nya.

"Tsk, what's with you today?" natanong ni Theo sa kanya.

"Have you seen Ysabelle?" he's panting while asking this to Theo.

"I haven't..." agad na nilagpasan ni Lorenz si Theo pagkarinig sa sagot nito.

Napailing na lang si Theo sa ginawa ni Lorenz. Dumiretso sya sa counter.

"Where's Ysabelle?" medyo nagulat pa ang assistant manager ng cafe sa naging tanong na ito ni Lorenz.

"Nasa may likod po, inutusan ko po kasi na magtapon ng....." hindi na nya tinapos pa ang sinasabi nito at agad na lumabas ng cafe.

He ran as fast as he could until he arrived at the back area of the cafe. Bigla syang napahinto ng makita nya si Belle na nakatayo habang may hawak pa na trashbag.

Napahawak sya sa magkabilang bewang nya habang hinahabol ang hininga dahil sa pagtakbo. Bahagya syang napangiti dahil naconfirm nya na ayos lang ito.

Stallion Riding Club Series (Fanmade) : LORENZ DELA TORRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon