Chapter 15

1.8K 33 5
                                    

Maagang nag-ayos ng sarili si Belle kahit na medyo masakit ang ulo nya at lalamunan. She can't be sick, sobrang excited pa naman nya for her first day at Lakeside Cafe.

After the night when she and Lorenz knew each other deeper, Lorenz seems to be bothered and hindi pa ito bumalik ng Manila, not until now.

"Aalis ka?" nawala ang ngiti nya matapos itanong ito kay Lorenz. Gusto sana nyang idagdag na ngayon na sya magsisimula sa Lakeside Cafe ngunit hindi na lang nya sinabi.

"Important meeting. Baka magwelga na ang mga client namin kapag hindi nila nakita ang kagwpuhan ko. But don't worry hindi mo ako mamimiss, dahil babalik din ako mamaya." he gave her a playful smile, she just pouted at him.

"Are you asking for a kiss? I'll be willing to give that to you." this time ay napasmirk naman ito kaya agad nyang tinakpan ang lips nya.

"U-umalis ka na nga kung aalis ka." pagtataboy nya dito. He just laughed and walks toward his car. Bago pa man ito makasakay ng sasakyan ay binalingan sya ulet nito.

"Don't talk to other members if it's not related to their order. Galingan mo sa first day mo sa Lakeside Cafe." he smiled at her before winking at tuluyan ng pumasok ng kotse nito.

She just stared at his car na palayo na ng mga oras na iyon. Kinawayan nya rin ito, hindi nya maitago ang kanyang ngiti ng sandaling iyon.

"This will be a good day." nasabi pa nya bago magsimulang maglakad papunta sa Lakeside Cafe.

**********

"Basically iyon lang naman ang mga dapat mong tandaan. Since sabi mo na nagpart-time ka na din before sa isang coffee shop, I'm sure na familiar ka na sa mga ganito." pinapaliwanag ni Liz ang assistant manager ng Lakeside Cafe sa kanya. 

"Wag po kayong mag-alala sanay po ako sa ganito."ngiting sagot nya dito. Sa counter sya na-assign since first day pa lang nya.

"Kung kailangan mo ng tulong o may tanong ka, lapitan mo ako or si Ivan." sinabi pa nito sabay turo sa barista na nakaduty.  Nagthumbs-up sya bilang sagot at nginitian din ang makakasama nya.

"So, how do you find your new working place so far." nagulat sya ng magsalita si Danzelle Ann ang asawa ni Richard Don mula sa likod nya, galing ito ng office nito.

"Okay naman po ma'am."

"Nyek you don't have to call me ma'am, Danzelle Ann na lang." ngumiti pa ito at saka sya tinabihan sa counter.

"We heard from Lorenz na masarap daw ang espresso na ginawa mo sa kanya last time. Can you make one for me?" napangiti sya sa request na iyon kaya naman agad syang tumango dito.

"Hmmm...hmmm this is so good." nasabi ni Danzelle Ann matapos nitong matikman ang ginawa nyang coffee para dito.

"I will tell Liz to let you prepare orders na din." ngumiti pa ito bago ulet uminom ng coffee.

"Talaga po? Thank you Ma...I mean Ms. Danzelle.."

"Miss? Danzelle Ann na lang. D-a-n-z-e-l-l-e A-n-n walang labis, walang kulang." kinindatan pa sya nito bago tumayo bitbit ang mug ng coffee na ginawa nya pabalik sa office nito.

Natawa na lang sya at inayos ang mga ginamit nya kanina.

"Looks like magiging magaan na ang trabaho ko, thanks to you." nilapitan sya ng baristang nakaduty ng oras na iyon.

"I still have a lot to learn especially sa mga specialty coffee dito." 

"Don't worry akong bahala sayo. By the way I'm Ivan cousin ni Danzelle Ann." nilahad nito ang kamay na tinanggap naman nya.

Stallion Riding Club Series (Fanmade) : LORENZ DELA TORRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon