"How's Aurea?" ito ang naging tanong ni Agusto pagdating nito sa opisina ni Arthur pagkatapos ng kanyang naging official statement tungkol sa issue. Nagkatinginan lang si Arthur at Alleli.
"Dad mabuti pa siguro kung magpahinga ka na muna ngayon. Kami na lang ang bahala ni kuya dito. We are sure that Aurea is fine, kilala mo naman sya diba." nag-aalalang sagot sa kanya ni Alleli.
"Mas mabuti sana na huwag na nya muna malaman ang tungkol dito. Tell Atty. Kristoff to meet me later." tumayo na si Agusto. Hinatid sya ni Arthur palabas ng opisina.
"Paano natin sasabihin kay Dad na matagal nang hindi pumapasok sa restaurant si Aurea pati sa pinag-papart time-an nya hindi na din sya pumupunta. Bakit naman kasi ngayon pa toh nangyari." napaupo lang si Alleli sa couch sa harap ng table ng kapatid.
They were shocked when they heard that their father will be under investigation for a crime that he didn't do.
"I'll ask for Tito Noel's help. We can go through all of these, okay." nilapitan ni Arthur ang kapatid para pakalmahin ito.
*******************
"Cheers!" kitang-kita ang ngiti sa mukha ni Noel Villarama ng oras na iyon. Nasa opisina sya ni Felipe.
"I told you, my plan will work perfectly." nasabi ni Felipe pagkainom nya ng wine.
"I really enjoy watching Agusto struggle kung ano ang sasabihin nya sa media. Tiyak na wala ng magtitiwala sa kanya kahit pa na makalusot sya sa imbestigasyon na ito." humalakhak pa si Noel pagkasabi nito.
"I think I should be ready when the right time comes para magpakitang gilas sa mga tao na ako talaga ang nagmamalasakit sa kanila." pati si Felipe ay tumawa din pagkasabi ng mga iyon.
"He's really pathetic, I think Noel, you're suited to be an actor more than his half brother. Napaniwala mo sya na isa kang santong kapatid na sunud-sunuran sa kanya." nagcheers pa ulet sila pagkasabi na iyon ni Felipe.
"Ahhh this is life. After so many years, I will finally get what's right for me. It's so hard to act like you care for him and his family." nilasap mabuti ni Noel ang iniinom na wine.
"Wait lang, sasagutin ko lang ito." paalam ni Noel ng tumunog ang kanyang cellphone.
"It was Arthur, I think I should put the actor Noel Villarama on again. Gusto ko na din makita ng personal ang paghihirap ni Agusto." tinanguan lang sya ni Felipe bilang sagot.
******************
Hindi mapakali si Lorenz, kanina pa sya pabalik-balik sa sala. Hindi nya maalis sa isip nya ang nangyari kanina. Alam nya na sobrang nag-aalala si Belle kahit pa na pinapakita nito sa kanya na okay lang sya.
"Sh*t" napahilamos nya ang dalawang kamay sa mukha nya.
Lumabas sya ng villa at sumakay ng kotse. He need to do something.
"Nahihilo na ko sa kakabalik-balik mo. Can you please sit down." hindi na nakatiis si Myco. Nang dumating ito kanina sa opisina nya ay halatang may kung anong gumugulo dito.
"I can't... Damn it!" he just brushed his hair out of frustration.
"We really need to wait until I confirm the details that we have now. Hindi tayo pwedeng magpadalos-dalos just because they take the first step. We need to be patient Lorenz." umupo ito sa couch sa harap ni Lorenz.
"I don't know Myco, sa state ni Aurea ngayon hindi ko alam kung kaya ko pang maging patient."
Imbes na sumagot ay bahagyang natawa pa ito at nakangiti nitong pinagmasdan si Lorenz.
BINABASA MO ANG
Stallion Riding Club Series (Fanmade) : LORENZ DELA TORRE
FanfictionThis is a fanmade story inspired by Stallion Riding Club Series of Ms. Sonia Francesca and Ms. Sofia. Places and some of the characters are from the original series. Aurea Constancia Ysabelle Ortiz Villarama (Belle) - is the daughter of the most inf...