Chapter 10

1.9K 53 0
                                    

Hindi maintindihan ni Belle ang sarili, kanina lang ay parang nanlalata sya ngunit heto sya ngayon at naglilinis ng buong bahay ni Lorenz.

Nalinis na nya ang kitchen, nakapagmop na din sya. Ang glass wall naman ngayon ang napagdidisketahan nyang linisin.

"Kakalinis ko lang dito nung isang araw may dumi na naman. Ayan.." monologue pa ni Belle habang kinukuskos ang isang parte ng glass wall. After several minutes ay hindi pa din sya umaalis sa parte na iyon ng glass wall.

Napabagsak ang kamay ni Belle na may hawak ng basahan. Napabuntong-hininga syang pinulot iyon.

"Nababaliw ka na talaga Aurea....

"Constancia Ysabelle Ortiz Villarama." napalingon sya sa nagsalita. It was Lorenz.

"I told you, you don't have to do that." lumapit ito sa kanya at tinanggal ang bandana sa ulo nya.

"You have props, cute." dagdag pa nito habang pinagmamasdan ang bandanang tinanggal.

"Wala naman akong ginagawa, saka ano ba gawain ng isang house keeper, ang maglinis diba?" sagot nya dito at binawi ang bandana mula dito bago isuot ulit. Inayos pa nya ang buhok habang nakaharap sa glass wall.

"Ikaw lang naman ang nagke-claim na housekeeper kita eh." this time ay ang hawak naman nyang basahan ang kinuha nito.

"Urgh, eto lang ang pwede kong gawin sa lahat ng pagtulong mo saken." she tried to get the rug from Lorenz pero dahil hamak na mas matangkad ito sa kanya ay hindi nya ito maabot.

"Remember what you ask during your first day here?" he was looking down on her.

"That I will do whatever you want?"

"Exactly! So?" nakapamulsang umupo ito sa may sandalan ng sofa.

"Fine, hindi na po maglilinis." kinuha nya ang basahan mula sa kabilang kamay ni Lorenz at nagmartsa pumunta ng kusina.

Tumayo naman si Lorenz at tiningnan ang nililinis ni Belle kanina sa glass wall. "May nakikita kaya syang hindi ko nakikita, malinis naman toh ah." tiningnan pang mabuti ni Lorenz ang ibang parte ng glass wall pero malinis naman ito. Hindi tuloy nya maiwasan na hindi matawa.

Pagpunta ni Lorenz sa kusina ay nakita nya si Belle na nakatayo sa may counter malapit sa lababo habang nakabukas ang gripo. Mukhang malalim ang iniisip nito.

"Tsk, are you alright? You're spacing out." pinatay agad ni Lorenz ang gripo dahil kanina pa puno ang pinatutuluan nitong takure.

"Ha? What?" akmang papatayin nya din ang gripo pero ng makitang patay na ito ay umayos na lang sya ng pagkakatayo.

"Are you sick?" hinawakan pa ni Lorenz ang noo ni Belle saka chineck kung magkaparehas sila ng temperature. Napatitig lang si Belle dito.

"Stop that or I will kiss you."

"Stop what?" inosenteng tanong nya dito.

"Stop staring." ngunit maging si Lorenz ay tumitig na din sa kanya.

"Ehem...knock knock" they break their eye contact dahil sa dumating.

"Bigla ka na lang nawala, alam mo naman na mamamatay ako kapag nakasama ko yung Riley na yun eh. Saka anong gagawin mo kay Belle kung hindi ako dumating." agad na kumapit ang bagong dating sa braso ni Belle at inilayo sya kay Lorenz.

"Tss, masanay ka na dapat na kasama si Riley." napasmirk ito.

"I still can't believe that you agree on this." Clover stomp her foot after saying that.

Stallion Riding Club Series (Fanmade) : LORENZ DELA TORRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon