Chapter 12

1.7K 49 8
                                    

"Dear Future Husband hmmmm hmmmm" napairap na lang si Belle pagkarinig kay Lorenz, matapos kasi ng eksena nila kahapon ay hindi na sya nito tinigilan.

Nasa sala siya at ito naman ay nasa labas kasama si Goal.

"You know what, I witnessed an interesting show yesterday. I got an idea what music to use for our practice." hindi alam ni Belle kung sinasadya ba talaga nito na iparinig sa kanya yun.

The horse neighed na para bang sumang-ayon sa sinabi nito.Naitakip na lang nya ang throw pillow sa mukha.

Pumasok si Lorenz habang pasipol-sipol pa sa tono pa rin ng Dear Future Husband. Napanggigilan tuloy nya ang hawak na throw pillow.

"Nang-iinis ka ba talaga?" nilingon sya nito habang nakangiti.

"Bakit? Ano ba ang ginawa ko?" inosenteng tanong nito sa kanya pero kitang-kita pa din ang ngiti nito.

"Please lang itigil mo na yang kakakanta nyan."

"I think this will be my favorite song now." lalong lumapad ang ngiti nito kaya naman lalo nyang pinanggigilan ang hawak na throw pillow.

Natawa pa ito lalo bago magpatuloy sa paglakad papunta sa kwarto nito na pakanta-kanta pa din.

Balak na talagang ibato ni Belle dito ang throw pillow kung hindi lang sya binalingan nito ulet bago pa man makarating sa pintuan ng kwarto nito. Ang bilis tuloy nyang ibinaba ang throw pillow.

"Oo nga pla, Clover asked if you want to go to Lakeside Bistro mamaya?" nakakalokong ngiti ang ibinigay pa nito sa kanya.

"Kung kami lang ni Clover, pupunta ako."

"Ganun ba hmmm let me see. Panu kaya yan, it will be my treat later so I think I need to be there also." kibit balikat na sagot lang nito sa kanya.

"If that's the case, sasabihin ko na lang kay Clover na hindi ka makakasama." he just smirked at her before entering his room.

"Tch, kung alam ko lang aasarin mo lang naman ako dun mamaya eh." pumasok na din sya sa kwarto nya pagkasabi nun.

*************
Hindi makapaniwala si Belle na nandito sya  ngayon sa Lakeside Bistro at kasama sina Clover, Lorenz, Miro, Riley, Charly, Theo at Julian.

Kanya-kanya ng kanta ang mga ito at pasikat.

"Buti talaga sumama ka ngayon. Kung hindi kami lang ni Charly ang matino sa mga nandito." napatingin pa si Clover sa paligid nya at natawa.

-Flashback-

"Please sumama ka na, Clover consistently ask me na papayagin ka na pumunta mamaya." bungad ni Lorenz pagbalik nito galing ng Clubhouse.

"She will not stop until mapapayag kita." napahilamos pa ito ng kamay sa mukha.

"I told you kapag kami lang....."

"I will not sing it again, I promise. Kaya please sumama ka na." sya naman ang nag-eenjoy ngayon na panuorin ang frustrated na Lorenz.

Magsasalita pa lang sana sya ng biglang magring ang phone nito.

"See, she's calling me every freakin' 5mins to ask for update." napasabunot na lang ito sa buhok bago sagutin ang tawag na iyon.

"I'm already asking her now.....I know, wait." inilagay ni Lorenz ang cellphone sa loud speaker.

"Belle!!!!! Sumama ka na, nakakainis kasi tong si LORENZO inaya pa yung Riley na yun, urgh." sintemyento agad ni Clover sa kabilang linya.

"I need to ask someone kesa naman tayo lang na dalawa ang......" depensa agad ni Lorenz

"But not that Riley, anyways Belle please sumama ka na. I met a new friend her name's Charly I already ask her, I'm sure mag-eenjoy ka mamaya promise. Pretty please.."

Binigyan sya ni Lorenz ng please answer yes look, it is her turn now to smirk.

"Clover, I already told Lorenz my answer...."

"And she said yes." pinanlakihan nya ito ng mata dahil ito ang sumagot para sa kanya.

"Really? OMG thank you Belle. See you later. At para sayo naman Lorenzo lagot ka saken."

"Tsk I'm still older than ......" hindi na naituloy ni Lorenz ang sasabihin dahil inend na ni Clover ang tawag.

"Bakit mo sinabi na pumayag ako?" natanong na lang nya dito.

"She will not stop, and you need to obey me right?" this time ay bumalik na naman ang playful na ngiti na iyon ni Lorenz.

Napailing na lang syang pumasok sa kwarto nya.

-End of Flashback-

"So Charly I heard kababata mo si Theo, tapos event head ka pa ni Julian? Kamusta naman na mainvolve sa dalawang lalaki na yun?" panimulang tanong dito ni Clover habang umiinom ng iced tea.

"I don't know, saka schoolmate lang kami ni Theo." madiin ang pagkakasabi nito sa huling parte kaya naman nagkatinginan si Clover at Belle.

"Ah okay, iyon kasi ang sabi ni Miro eh." kibit balikat na sagot na lang ni Clover dito.

"How about you Belle, how is it living with my cousin? Pinapahirapan ka ba nya?" maging si Charly ay curious syang binalingan at hinihintay ang magiging sagot niya.

Hindi alam ni Belle kung paano nya sasagutin ang tanong na iyon. Bago pa man siya makasagot ay napalingon na sila ng marinig nila ang kantyawan ng mga kasamahan nila.

Si Lorenz na ang may hawak ng microphone. He was looking at her. Niyugyog pa sya ng konti ni Clover bago ito nakisama sa pagpalakpak at pagsigaw dito.

"Anong nakain mo Lorenz at kakanta ka ngayon." sigaw ni Miro dito.

"Is he going to sing for real?" hindi makapaniwalang dagdag pa ni Riley.

"This is a rare occassion, I should capture it." nasabi na lang din ni Theo, lumabas pa ito at makalipas ang ilang minuto pagbalik ay may dala na itong camera.

Ito ang mga narinig ni Belle na kumento ng mga kasama nila. Sya naman ay hinahanda na ang sarili sa magiging pang-aasar nito.

"Sabi nya hindi na nya iyon kakantahin, lagot talaga sya saken mamaya." nasabi na lang ni Belle sa sarili at napayuko na lang.

She was surprised that it was another song. Not a bad thing by Justin Timberlake's intro played kaya naman agad syang napatingin dito. (play the video in the multimedia)

He was again looking at her, and before he started singing the first lyrics ay napasmirk pa ito sa kanya. Agad na naghiyawan ang mga kasama nito ng kumanta na si Lorenz.

He was looking only at her while singing. Hindi masyadong marinig Belle ang pagkanta nito, parang nabibingi kasi sya dahil sa lakas ng tibok ng puso nya habang pinapanuod ito.

"I know people make promises all the time, then they turn right around and break them.
When someone cuts your heart open with a knife now you're bleeding.
But I could be that guy to heal it over time, and I won't stop until you believe it .
'Cause baby you're worth it."

He will smile on some part while singing and while looking at her. Feeling tuloy nya ay parang silang dalawa lang ang nasa lugar na iyon ng oras na yon.

She then remembered Clover's question a while ago. Hindi tuloy maiwasan ni Belle na hindi mapangiti.

It's unusual to live with someone you just know but for her and for Lorenz it seems like being with each other is the most natural thing and she like it.

-Authors Note-
Thank you for 400+ overall reads. Hope you like this chapter.

Stallion Riding Club Series (Fanmade) : LORENZ DELA TORRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon