Chapter 17

1.8K 41 1
                                    

Nakaupo sa carpet si Belle sa sala. Halos mag-dadalawang oras na ang huling message sa kanya ni Lorenz. Nakatingin lang sya sa cellphone na bigay nito, iniisip nya kung tatawagan nya ba ito para tanungin kung nasan na ito o hindi.

"Sabi naman nya pwede ko syang tanungin kung nasan na sya o anong oras sya uuwi eh." nasabi na lang nya bago mapabuntong hininga. 

"Aist.." ginulo pa ni Belle ang buhok nya dahil hindi nya alam ang gagawin.

"Bakit ba ang hirap..." napadukdok na lang sya sa may sofa pagkasabi non. Pero agad din naman nyang kinuha ulet ang cellphone at pinagmasdan. Hindi nya maiwasan na mapangiti ng makita ang wallpaper nya.

"Haayy Aurea. Mali-mali ano ba yang pinag-iiisip mo." inilayo na naman nya ang cellphone at saka humiga naman ngayon sa carpet habang tinititigan ang ceiling.

Nagulat pa sya ng mag-ring ang cellphone nya. Nang tingnan nya ang caller ID ay si Lorenz iyon. Hindi nya alam bakit automatic nyang iniayos ang sarili bago sagutin ang tawag nito.

"Hello? You should answer your phone right after it's first ring especially if I am calling. I thought something wrong happened again." ito agad ang bungad sa kanya ni Lorenz pagkasagot nya ng tawag nito.

"Hindi ko kasi agad narinig. Bakit ka ba tumawag?" natanong na lang nya dito.

Hindi pa ito agad sumagot.

"Bakit kasi ang tagal mong tumawag?" 

"Huh?" nasabi na lang nya sa narinig na sinabi nito, kaya naman napatingin pa sya hawak nyang cellphone.

Narinig nya ang pagbuntong-hininga nito.

"I was waiting for your call." ito lang ang naging sagot nito sa kanya. Nakagat nya naman ang labi nya para pigilan na mapangiti.

"Bakit mo naman hinihintay ang tawag ko?" isinubsob pa nya ang mukha sa throw pillow na nasa sofa pagkasabi non.

"Pshh.. I told you, you can ask me where I am and the time I will be home, didn't I?" mukhang malapit na itong mafrustrate sa kabilang linya.

"Ah....akala ko kasi hindi ka seryoso sa sinabi mo eh." this time ay nakangiti na sya talaga.

"Tsk." ito lang ang narinig nyang sagot dito nagulat pa sya ng bumukas ang pinto. Agad na pumasok si Lorenz habang hawak ang cellphone na nakalapit sa tenga nito at dalawang box ng pizza naman sa kabilang kamay.

"I waited for almost thirty minutes for your call, lumamig na nga tong pizza." napanganga lang sya dito.

"Haist Aurea." ibinaba na nito sa coffee table ang dalang pizza at saka ginulo ang buhok nya paglapit nito sa kanya. Pumasok din ito ng kwarto nito pagkatapos non.

Tiningnan nya ang dala nito at nagning-ning ang mata nya sa nakita. Agad syang kumuha ng isang slice ng bacon and cheese flavored pizza. Hindi nya napigilan na mapa-sway ang katawan pagkakagat nya dito. 

"Hmm heaven." nasabi na lang nya bago kumagat ulet. Nakatapos na sya ng isang slice kaya naman kumuha ulet sya ng isa pa. Isang malaking kagat pa sana ang gagawin nya ng lumabas si Lorenz sa kwarto nito. Nagpalit na ito ng damit, nakajacket ito at sweatpants. Naitikom nya tuloy ang bibig nya. 

"Nahiya ka pa ah." natatawang baling nito sa kanya bago rin kumuha ng isang slice pagkatabi sa kanya.

"Wait lang."  Nagtatakbo syang pumunta sa kusina. Bago pa sya makarating doon ay binalingan nya ulet ito.

"Huwag mong ubusin ah." natawa lang si Lorenz pagkarinig non saka tumango.

Gumawa sya ng sparkling mint-lime iced tea.

Stallion Riding Club Series (Fanmade) : LORENZ DELA TORRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon