Chapter 16.2

1.8K 30 6
                                    

"How is she? Bakit hindi pa sya nagigising?"

"She will be okay, right?" sunod-sunod na tanong ni Lorenz kay Kester matapos nyang madala doon si Belle.

Kasalukuyan itong inaasikaso ng doktor.

"If you will be this loud, it will be better if you just wait outside. I can't concentrate." ito ang naging sagot ng doktor dito.

"I will stop asking questions just please tell me she will be fine." halos magmakaawa na si Lorenz dito, Kester look at him bago napailing.

"Yes she will be fine. She have fever and cold. Kaya hindi pa sya gumigising dahil iyon ang kailangan ng katawan nya. She's just resting." ngumiti pa ito ng makabuluhan kay Lorenz.

Nun lang nakahinga ito ng maluwag pagkarinig ng mga salitang iyon mula kay Kester.

"Don't worry too much loverboy." natawa pa ang doktor bago sya senyasan na lumabas muna.

Hindi alam ni Lorenz pano nya nadala ng kalmado si Belle sa clinic. Nang makita nya itong walang malay kanina ay hindi na sya nag-isip pa at nilapitan agad ito at buhatin.

The moment they reached the clinic nun lang nya naramdaman na parang nawalan sya ng lakas.

He was afraid something serious happened to her. Nun lang nya naramdaman ang ganun klaseng takot.

****************
"San ba nagpunta si Lorenz? Kanina pa yun umalis ah. Lagot talaga saken yung magaling kong pinsan na yun." hindi malaman ni Belle kung sa kanya ba ito sinasabi ni Clover o sa sarili nito.

Nasa villa na sila ngayon ni Lorenz. Pinalabas din naman agad sya since hindi naman malala ang lagay nya.

Nasermonan pa sya ulet ni Lorenz bago pinagpaalam na hindi muna sya makakapagduty ng Lakeside Cafe hanggang hindi ito nakakasigurado na magaling na sya talaga.

Kasamahan ni Lorenz ng pumasok ito sa kwarto nya si Danzelle Ann at Ivan.

"Belle okay ka na ba? Kinausap na kami ni Lorenz, kahit naman ako hindi papayag na pumasok ka ng ganyan ang lagay mo." nasabi ni Danzelle Ann sa kanya. Napayuko na lang si Belle.

"Sorry po, hindi ko din naman ginusto na makaabala sa cafe."

"Dapat hindi na maging matigas ang ulo mo. You're one tough lady." natawang kumento ni Ivan sa kanya.

"Hindi ba dapat nasa cafe ang barista nyo?" walang kangiti-ngiting sabi ni Lorenz habang nakasandal malapit sa pintuan at nakapatong ang braso sa dibdib nito.

"Ah..may other barista naman na nakaduty ngayon kaya wag kang mag-alala." pagsisigurado ni Danzelle Ann dito.

Napatingin lang si Belle kay Lorenz, bakit ba kapag nakikita nito si Ivan ay parang laging hindi maipinta ang mukha nito.

"Oo nga pala we brought something for you." iniabot naman ni Ivan ang basket of fruits sa kanya.

"Thank you po talaga."

"We better go, chineck lang namin ang lagay mo. Baka nga kailanganin na din si Ivan sa cafe. See you sa cafe when you feel better."

"Pagaling ka." pahabol pa ni Ivan.

"Ang bait talaga ni Ivan noh tapos cutie pa." narinig nilang sabi ni Clover pagkaalis ng mga ito.

"Tss cutie? Parang hindi naman." Lorenz snorted after saying that.

"I am not asking your opinion." pambabara dito ni Clover.

"Ano pa bang ginagawa mo dito? Hindi mo ba namimiss si Riley." this time ay si Clover naman ang napasnort sa narinig.

Stallion Riding Club Series (Fanmade) : LORENZ DELA TORRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon