Chapter 11

1.8K 42 5
                                    

Gumising ng maaga si Belle although late na silang nakatulog ni Lorenz kagabi. She was in a good mood at gusto na din nyang ipagpaalam kay Lorenz ang tungkol sa balak nya na pagpapart-time sa Lakeside Cafe.

Kaya naman she prepared a special breakfast for him, pangsuhol. Ham and egg crepe squares, she also make her signature espresso. She arranged the table on how she would usually do it in the restaurant. With a satisfied smile she decided to wait for Lorenz.

After 5 minutes ay lumabas na din si Lorenz sa kwarto nito at dumiretso sa kitchen. His disheveled hair still looks good on him. Agad naman itong dumiretso sa kitchen.

"Good morning." nakangiting bati nya agad dito. Pinanliitan lang sya ng mata ni Lorenz saka napailing.

"Wow, these actually look good. Nag-order ka ng breakfast for us?" gusto na nya itong samaan ng tingin ngunit ngumiti pa din sya dito.

"I prepared that, even the coffee." she proudly said to him.

He look at her amused, kaya naman mas mas lalo pa syang ngumiti dito. Lorenz was taken aback for a moment bago nag-iwas ng tingin.

Umupo na ito, he tried first the espresso and was surprised sa lasa nito. Nang balingan naman ni Lorenz si Belle ay nakamasid lang ito sa kanya at hinihintay ang magiging reaksyon nya.

"So hows the espresso?" inilapit pa ni Belle ang mukha nya kay Lorenz kaya naman muntik na itong masamid.

"Are you okay? Here." inabutan ito ni Belle ng tubig.

"May sakit ka ba?" natanong na lang ni Lorenz pagkainom ng tubig.

"You're acting weird today. Hindi ka na naman ba nakatulog kagabi? Sabi ko naman kasi sayo wag mo ko masyadong isipin." dagdag pa nito bago kumuha ng egg crepes at kainin ito.

"I'm not, actually maayos nga ang tulog ko kagabi. So ano na ang masasabi mo sa espresso ko?" masiglang sagot pa ni Belle dito habang nakatingin pa din kay Lorenz.

Sensing something ay ibinaba ni Lorenz ang kinakain at hinarap si Belle.

"Do you need to tell me something?" he just crossed his arms around his chest. Waiting for whatever she will say.

Tumikhim muna si Belle bago nagsalita.

"Alam naman nating lahat na mabait ka, matulungin din kasi tinulungan mo nga ang isang tulad ko. You are good in riding your horse. Number one sa show jumping diba." nagthumbs up pa si Belle habang sinasabi ito, tatango-tango naman si Lorenz at hindi mapigilan na hindi mapangiti sa bawat sinasabi ni Belle.

"Higit sa lahat..............................gwapo." halos pabulong na ang huling parte ng sinabi nya.

"I am what?" naging tanong na lang ni Lorenz dito.

"I said....gwapo ka." napapikit pa si Belle pagkasabi nun, nararamdaman nya ang pag-iinit ng mukha nya.

"Sorry hindi kita masyadong marinig." hindi maiwasan ni Lorenz na hindi mapangiti lalo na sa huling sinabi nito, although he was trying his best not to smile.

"You're handsome! Ayan na sinabi ko na ng malakas." napatayo si Belle at tumalikod muna dito. Ramdam nya kasi na namumula na ang mukha nya.

Tumikhim din muna si Lorenz, while grinning like a fool. "So nagagwapuhan ka pala saken?"

"I-iyon nga yung sinabi ko diba." hindi sya makatingin ng diretso dito. "Kasi naman eh." nasabi na lang ni Belle sa sarili. Tumikhim sya ulet bago magpatuloy.

"Dahil mabait ka alam ko naman na papayag......."

"No."

"Ha? No?"

Stallion Riding Club Series (Fanmade) : LORENZ DELA TORRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon