Chapter 9

1.7K 34 0
                                    

"Mga walang kwenta!! Ilang linggo nyo ng hinahanap si Aurea hanggang ngayon wala pa din kayong magandang maibalita saken." malakas na nahampas ni Noel ang table na nasa harap nya. Hindi ito ang balita na inaasahan nya mula sa mga tauhan.

"Pasensya na po kayo boss, hindi na sya nagpakita pa sa trabaho nya pati umuwi sa unit nya."

"Tanga ba tlaga kayo?!" napapikit si Noel at pinipigilan ang sarili na magalit ulet.

"Hanapin nyo na si Aurea, ayoko nang makatanggap ng ganitong klase ng balita, maliwanag ba?"

"O-opo boss." nakayukong sagot dito ng tauhan nya.

Nakatanggap ng tawag si Noel ng oras na iyon, ngunit bago nya ito sagutin ay binalingan muna nya ang tauhan nya.

"Ano pa ang tinatayo-tayo mo dyan?" agad naman na umalis ang tauhan nito.

"Congressman pasensya ka na natagalan ako sa pagsagot ng tawag mo, may inasikaso lang ako." nakangiting bati dito ni Noel.

"Ako na ang bahalang luminis don. Hanggang ngayon ay wala pa ding kaalam-alam si Agusto." rinig sa buong kwarto ang paghalakhak nyang iyon.

****************
It has been two weeks since she arrived sa riding club. Hindi pa din sya makapaniwala na nakasurvive sya ng gabing iyon at ngayon ay nasa Stallion Riding Club.

During her stay mas naappreciate nya ang buong lugar and mas nakilala pa nya si Lorenz. Madalas pa din sya nitong akitin na nakasanayan na lang din nya pero hindi ang weird feeling kapag malapit ito sa kanya. He would often go to his office in Manila but will return after one day.

Kapag wala si Lorenz sa riding club ay sinusubukan din nyang tumawag sa opisina ng kapatid nya o maghanap ng iba pang detalye ng mga transaksyon ni Noel Villarama.

Lorenz would always tell her that she has nothing to worry about lalo na kapag naiisip nya ang pang-aabala nya dito. Hanggang ngayon kasi ay wala pa din masyadong progress ang pagkuha nya ng ibang impormasyon laban sa kanyang tito.

Pinangatawanan din nya ang pagiging housekeeper dahil nililinis nya ang bahay nito kahit pa na ayaw ni Lorenz na ginagawa nya iyon.

Belle wakes up with a smile on her face. She dreamt of her, having her own bar again. "I guess I really have to work hard for that dream." nag-inat pa sya bago lumabas.

"AAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHH" sabay pa silang napasigaw ni Lorenz.

Sabay kasi silang lumabas ng kwarto ni Lorenz. Kakatapos lang nitong maligo, wala pa itong suot na pang-itaas at basa ang buhok habang nakatapis lang ito ng twalya sa may bewang. Nagtaas baba ang tingin ni Belle dito bago takpan ang kanyang mga mata at mapasigaw.

Si Lorenz naman ay nagulat sa paglabas at pagsigaw ni Belle kaya naman napasigaw din ito, isama pa na gulo-gulo ang buhok ni Belle ng lumabas ng kwarto.

"What the...." agad na nasabi ni Lorenz pagkabawi sa pagkagulat ngunit hindi na nya natapos ang sasabihin ng marealize ang dahilan ng pagsigaw ni Belle.

"B-bkit ka ba nakaganyan? Hindi mo ba alam na may babae kang kasama sa bahay?!" hindi makapaniwalang tanong ni Belle dito habang nakatakip pa din ang kamay sa mata pero nakakasilip naman sya sa pagitan ng kanyang daliri.

"You usually wake up at 6:30, I didn't know na mas maaga kang magigising ngayon." napakamot pa si Lorenz ng sagutin sya.

"Maaga akong gumigising kapag nasa Manila ka..." tinanggal nya ang kamay sa pagkakatakip sa mata nya ng may maalala. "Teka diba dapat nasa Manila ka pa ngayon?" dagdag pa nya dito, napatitig pa sya ulet sa katawan ni Lorenz kaya napatingin din ang binata sa tinitingnan ni Belle. Napatakip tuloy ulet sya ng mata.

"Bakit ba nakaganyan ka pa din, ang aga-aga." dirediretsong salita ni Belle dito.

"I finished all my work yesterday so I decided to go home. Wait, are you drooling?" nakangiting sagot ni Lorenz sa kanya. Pagkarinig nya sa huling sinabi ni Lorenz ay napahawak tuloy sya sa may bibig nya at chineck kung nagdu-drool nga sya.

"Bakit naman ako magdudrool sayo?" napapunas pa sya ulet sa bibig nya at tiningnan pa ito.

"Really?" tila nag-eenjoy pa si Lorenz sa reaksyon nya. Nakahawak ang magkabilang kamay nito sa bewang na tila pinapakita pa sa kanya ang kabuuan ng katawan, hindi tuloy mapigilan ni Belle na hindi mapalunok.
Napatingala na lang siya para hindi na magkasala pa ang kanyang mga mata.

"Hala may mga agiw na pala dito, tsk kailangan na kitang linisin. Ayun pa." nakatingala pa din syang naglakad papuntang kusina. Ngunit bago pa man sya makaalis ay nagulat sya ng may babaeng pumasok sa bahay ni Lorenz.

"What happened? We heard your scream from the other side of the street. Iba ka ngayon Lorenz ah tumitili ka na." iiling-iling pa ang babae at saka tinanggal ang suot na sunglasses.

The girl was beautiful no doubt about that, parang gusto tuloy nyang mainsecure dito. Lalo pa ng makita nya ang sariling repleksyon sa glass wall na magulo ang buhok.

"Saka ang aga-aga nakaganyan ka na, eewww." dagdag pa ng babae kaya natawa lang si Lorenz.

"This is my new way of saying good morning." kibit balikat na sagot nito bago mapalingon sa kanya nag-iwas tuloy sya ng tingin dito.

"Besides this world needs to see my body first before it can start." Belle snort sa naging sagot ni Lorenz kaya naman sa kanya napunta ang atensyon ng babae.

"Oh hi, you must be Ysabelle?" lumapit sa kanya ang babae.

"I'm Clover." she offered her hand na tinanggap naman agad ni Belle.

"Magbibihis lang ako then, I will show you around." paalam ni Lorenz dito bago pumasok sa kwarto nito.

"Uhm upo po muna kayo. Gusto nyo po ng coffee, juice or water?" imbes na sumagot ito ay nakatingin lang si Clover sa kanya.

"May iba na bang babaeng dinala dito si Lorenz?" nagulat pa sya sa naging tanong nito.

"Wala pa naman po.Actually..."

"Good, I don't like na may other girls na aali-aligid kay Lorenz." nakangiti at prenteng umupo ito sa may sofa habang inaayos ang suot na summer dress.

"Can you do me a favor?"

"Ano po yun?" agad nyang sagot dito.

"Please watch over Lorenz for me."

"Po?" hindi nya alam kung nabingi ba sya sa sinabi nito.

"I don't trust other girls na dumikit kay Lorenz, so if I'm not around I want you to watch Lorenz for me." again the girl gave her a warm smile kaya naman napatango na lang sya bilang sagot.

"Thank you very much. I assume na close na din tayo so I can do this to you na." nagulat sya ng yakapin sya ni Clover pagtayo nito.

"Hey Clov, let's go. I'm sure you will like here." nakariding uniform na si Lorenz ng lumabas. .

Agad na bumitaw sa pagkakayakap sa kanya ito at kumapit kay Lorenz.

"I'm not sure kung what time na kami makakabalik, you can order your food for later." iyon lang ang sinabi nito bago sila umalis.

Hindi nya maintindihan bakit ang aga-aga pa ay parang nawalan na agad sya ng lakas. Nakatingin lang sya sa pinto kung saan lumabas sina Lorenz.

"I think sya talaga yung girlfriend ni Lorenz." bumalik muna sya sa kwarto nya.

Bakit ba kasi nya iniisip ang dalawa na iyon lalo na ang way ng pagtitig ni Lorenz kay Clover. Hindi tuloy nya maiwasang may maramdamang parang may kumukurot sa puso nya.

"Wake up Belle, priority first." she slap herself again.

Stallion Riding Club Series (Fanmade) : LORENZ DELA TORRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon