Lorenz' singing voice was okay, not that great but not that bad either. Nakisali din sa tilian ang mga crew at ilang guests ng Lakeside Bistro. But he can't hear any of that because his focus was on the person in front of him.
"Iba na yan talaga Lorenz."
"Nagbabagong buhay na ba? Baka maraming sumugod dito"
"Not a bad thing to fall in love with you pala ah."
"Love is in the air."
Ito ang sunod-sunod pa na kumento ng mga kasamahan nila at ilang members na nakasaksi ng performance na iyon ni Lorenz. He just shrugged then coolly walks out of the small stage pabalik sa mga kasamahan nito.
"I didn't know may talent ka pala sa pagkanta, wag ka ng uulet pare." natatawang kumento na lang ni Miro sa kanya.
"Tss inggit lang kayo, mas maganda ang boses ko sa inyo." depensa naman agad ni Lorenz dito pagkaupo.
"Akala ko yung may Dear Future Husband ba yun yung kakantahin mo, kahapon ko pa yun naririnig sayo." dagdag pa ni Theo na nakapagpatawa sa mga kasamahan nila. Napatakip na lang ng mukha si Belle sa narinig.
"I didn't know you like that kind of music Lorenz."
"Ano bang pakialam mo kung ganun ang mga trip ni Lorenz na mga kanta." pambabara naman ni Clover kay Riley. The two started to bicker, which amused everyone.
"Nasan ba si Kenzo, sabi nya kanina dadaan sya dito." natanong na lang ni Lorenz.
"Baka tulog na naman, sleep is life ang motto ng isang yun eh." napuno pa sila ng tawanan sa sinabi ni Miro.
Nagkantahan pa ang mga ito at kanya-kanya ng kwentuhan.
Nagulat pa si Belle ng balingan nya si Lorenz at nakatitig lang ito sa kanya. He then mouthed "Lets go, outside." she just gave him a questioning look.
"Outside now." itinuro pa nito ang pinto saka tumayo at dirediretsong lumabas.
Dahil busy sa kanya-kanyang kwentuhan at pagkanta ang mga kasamahan nila ay kay Charly na lang sya nagpaalam na may kukunin lang sa labas.
Paglabas nya ay nakita nya itong nakapamulsang naghihintay sa kanya malapit sa isang lamp post.
"Akala ko kailangan pa kitang sunduin." nasabi nito bago naunang maglakad.
"San ba tayo pupunta? Pano sila dun?" tanong nya habang nakasunod dito.
"Malalaki na sila, kaya na nila ang mga sarili nila." he then grabbed her hands and guided her paglakad.
"No more questions."
Nakatingin lang si Belle sa kamay nila ni Lorenz habang nakasunod dito. Hindi nya maintindihan kung bakit ganito na naman ang nararamdaman nya. But she just let him lead her to wherever place he will take her.
She then realized that they were actually going to the hill na pinuntahan nila when he first show her around. Napangiti tuloy sya ng maalala ang naging eksena nila kasama ng mga langgam.
"Wow." ito lang ang nasabi nya ng makarating sila sa taas. She already saw it before but it seems like they're in a different world because of the lights from the distant establishments. Isama pa ang liwanag na pinoproduce ng buwan na tumatama naman sa Taal lake dahilan para kuminang ang tubig nito.
"I didn't expect that it's the same spot from last time. It's more beautiful at night." dagdag pa nya
"Peaceful isn't it." binalingan nya si Lorenz na nakatingin din sa paligid, napangiti lang sya.
BINABASA MO ANG
Stallion Riding Club Series (Fanmade) : LORENZ DELA TORRE
FanfictionThis is a fanmade story inspired by Stallion Riding Club Series of Ms. Sonia Francesca and Ms. Sofia. Places and some of the characters are from the original series. Aurea Constancia Ysabelle Ortiz Villarama (Belle) - is the daughter of the most inf...