Belle is watching Lorenz on how he maneuver Goal to complete every course. Hindi nya maiwasan na hindi humanga dito, sa bawat pagtalon nito ay makikita din ang pagngiti ni Lorenz. Malakas na tilian at sigaw ang maririnig sa buong arena tuwing makakatalon ang mga ito at ngingiti ang binata.
"Lorenz is one of the best when it comes to show jumping. First batch ng jumpers pa lang sumalang na sya. Maagang nagpapaimpress." Siniko pa sya ni Nadja habang nakangiti at kumukuha ng pictures.
"Nadj, nandito ka lang pala." Isang magandang babae ang lumapit sa table kung nasaan sila. Nginitian sya ng babae bago bumaling sa kaibigan.
"Maganda ang pwesto dito kitang-kita lahat. Dito na din kayo pumwesto Kass." Sagot ni Nadja dito habang ang atensyon ay nasa arena. Parang may naalala ito kaya naman hinarap na nito ang kaibigan.
"By the way this is Ysabelle, Lorenz' new housekeeper." Makabuluhang ngumiti si Nadja sa kaibigan, nakuha naman ni Kass ang nais ipahiwatig ni Nadja kung kaya lumapad din ang ngiti nito ng tingnan sya ulet. Hindi na tuloy alam ni Belle paano sya magre-react.
"Pati pala sa housekeeper ibang klase pa ding mamimili si Lorenzo. By the way I'm Kassandra Villazanta. Asawa ko yung nilalampaso ni Lorenz ngayon sa show jumping." May itinuro pa ito sa may arena at natawa kaya naman maging si Belle ay natawa din.
May ilan pang mga asawa ng mga members ang lumapit sa pwesto nila. She doesn't feel out of place sa mga ito kahit pa na asawa sila ng mga members dito.
"So kamusta naman kayo ni Lorenz?" nagulat sya sa naging tanong ni Polly ang asawa ni Cloud. Hindi nya kasi alam kung ano ang isasagot niya.
"Is she blushing? Uyyy." Tukso sa kanya ni Liyah na asawa naman ni Thyago. Agad syang umiling bilang sagot. Hindi na nya nagawa pang makasagot dahil nagbigay na ito ng kani-kanilang mga advice patungkol kay Lorenz. Natahimik lamang ang mga ito ng magsimula na muli ang tournament.
Nang magbreak muna ang mga player ay sinundo na din ang mga ito ng kani-kanilang mga asawa. Bago pa nga umalis ang mga ito ay ilang beses pa syang tinukso ulet kay Lorenz.
Nang maiwang mag-isa ay saka lang niya napagmasdan ang paligid ng restaurant na iyon. Humanga sya dito dahil ang viewing deck kung saan sila nakapwesto ay tanaw halos ang kabuuan ng riding club. Cozy din ang ambiance ng lugar kaya hindi na nakakapagtaka na maraming kumakain dito.
"Babalikan pa kaya ako ni Lorenz." napalingon sya sa may entrance at saktong papasok naman si Lorenz. Sa gawi nya ito agad nakatingin kaya naman nagulat sya ng magsmirk ito. Napabawi agad ng tingin si Belle at tumingin sa labas. Ineexpect nya na lalapit ito sa kanya ngunit ng ilang minuto pa ay walang Lorenz syang kaharap, nilingon nya ang pinanggalingan nito kanina.
Napanguso si Belle ng makita nya ito kasama si Dianna. "Oo nga naman syempre uunahin nya yung girlfriend kesa sa housekeeper nya." nakangusong nasabi na lang ni Belle.
"Ano pa ba ang gagawin ko dito eh may iba na syang ipapasyal....Wait bakit parang ang bitter ko namang pakingggan?" Natampal pa ni Belle ang sarili dahil sa sinabi nya.
"Tagos nga hanggang dito ung bitterness eh." Gulat syang napalingon sa nagsalita. It was Miro, prenteng nakaupo ito sa kabilang table at nakamasid sa kanya bago lumapit sa kanya.
"Namisinterpret nyo lang po yung sinabi ko, I didn't mean it that way." Depensa nya agad sa sarili.
"Really? But from the sound of it, it's like you're sulking." bahagya pa itong natawa. Nagtatampo nga ba sya dito? Natawa na lang sya sa sa sinabi nito, sakto namang napadaan sa table nila si Lorenz kasama si Diana.
"Ikaw talaga sir, yung mga joke mo ano eh. Ipagpatuloy mo lang yan sir." Dagdag pa ni Belle habang hinampas si Miro. Ano ba tong ginagawa ko? naitanong na lang ni Belle sa isip nya.
Miro looked at her incredulously but when he saw Lorenz, he just play along nang mapatingin sa side nila si Lorenz.
"Nakapamasyal ka na ba dito? Why don't I show you around. Mamaya pa naman ako maglalaro." Miro offered. And when she was about to say a reply, they heard a loud bang, it was from Lorenz' table.
"Sorry may langgam." Nasabi na lang ni Lorenz, na hindi inaalis ang tingin sa kanila. Miro was enjoying it so much kaya naman balak pa nyang asarin lalo si Lorenz. Lumipat sya ng pwesto malapit kay Belle, nagulat ang dalaga dahil masyado na itong malapit sa kanya.
Hindi na makatiis si Lorenz sa nakikita pero hindi sya makaalis dahil kay Dianna. "Look Lorenz ang gaganda ng shot ko diba. Ang gwapo mo dito." Pinapakita nito sa kanya cellphone nito na ginamit sa pagkuha ng litrato nya, pero wala dun ang atensyon nya.
Napangiti na lang si Lorenz ng tawagin ni Rodjan si Miro. "Serves you right." nasabi na lang ni Lorenz na muling ibinalik ang atensyon kay Dianna ng may ipinakita na naman itong picture.
Nang balingan ulet ni Lorenz ang pwesto nila Belle ay nawala na ito, kaya agad syang napatayo at nagpalinga-linga.
*******************
Belle decided to go back to Lorenz' villa since wala naman na syang gagawin doon. Hindi din nya maintindihan ang sarili bakit naiinis sya kay Lorenz na hindi man lang sya nito pinuntahan kahit pa na kausap nya si Miro. "Hoy Aurea Constancia umayos ka nga, pangalawang araw mo pa lang dito tapos gumaganyan ka na. Alalahanin mo may mas dapat ka pang gawin." Nasampal ni Belle ang sarili matapos sabihin iyon.
Nakasalampak na tiningnan ni Belle ang Taal Lake mula kasi sa sala ay kitang-kita ito dahil sa glass wall.
Bigla na lang may pumatak sa may braso nya, natawa pa sya ng punasan ang luha nya. She didn't know she's crying again.
"Bakit naman kasi ganito? Siguro napakasama ko nung past life ko kaya ganito ang nangyayari sa buhay ko." hindi na napigilan ni Belle na umiyak. Napayuko na lang si Belle habang nakapatong ang noo sa braso nya.
She cried her heart out, ngayon lang ulet sya umiyak matapos lahat ng nangyari ng nakaraang araw. Sinanay nya ang sarili nya na maging matatag at hindi dumedepende sa iba. Ngunit heto sya ngayon umiiyak na naman at nangaabala pa ng ibang tao.
"Hey are you okay?" napaangat ang ulo ni Belle, nagulat pa sya ng makita si Lorenz na mukhang nag-aalala. Agad nyang iniayos ang sarili.
"Oo naman." pinilit nyang hindi suminghot. "Ano pa lang ginagawa mo dito? Di ba mamaya pa matatapos ang tournament pati yung awarding?" nagtatakang tanong nya dito.
Narinig kasi nya kanina mula kina Nadja na pagkatapos ng tournament ay magkakaron pa ng after party kaya naman inaasahan nya na late na ito makakauwi. Lalo pa na kasama nito ang girlfriend nito na si Dianna.
"This is my house that's why I'm here." napakunot ang noo ni Belle sa naging sagot ni Lorenz.
Ngumiti muna si Lorenz bago ulet magsalita. "I already did my part, and I'm sure na ako pa din ang una sa show jumping." kibit balikat na sagot nito bago sya tabihan sa pagkakasalampak sa sahig kaya naman ay napausad nya ng kaunti.
"Eh paano ung girlfriend mo?" huli na ng marealize ni Belle ang tanong nya. Nang tingnan nya ito ay malapad ang naging ngiti nito sa kanya.
"Baka hinahanap ka nya, kasi nga diba ang sabi nya miss ka na nya." humarap na sya sa kabilang side at itinuon ang atensyon sa throw pillow sa may sofa.
"She already went home." iyon lang ang naging sagot nito.
"Ahhhh kaya nandito ka na wala na pala ang....." hindi na nya naituloy ang sinasabi dahil naramdaman nya ang pagsandal ng ulo ni Lorenz sa balikat nya.
"I will not ask you why you're crying a while ago. I will just say that it will soon be okay hmmm." nakapikit ito habang sinasabi iyon, kaya naman napatitig lang dito si Belle.
BINABASA MO ANG
Stallion Riding Club Series (Fanmade) : LORENZ DELA TORRE
FanfictionThis is a fanmade story inspired by Stallion Riding Club Series of Ms. Sonia Francesca and Ms. Sofia. Places and some of the characters are from the original series. Aurea Constancia Ysabelle Ortiz Villarama (Belle) - is the daughter of the most inf...