Belle's not feeling well the next morning. Pinilit lang nya ang sarili na tumayo sa sofa kung saan sya nakatulog kagabi.
"I must be crazy, bakit ko ba kasi sya hinintay buong magdamag." gustong matawa ni Belle pagkasabi non.
She went to her room pero imbes na mag-ayos ng sarili ay humiga sya ulet sa kama nya at ibinalot ang sarili ng kumot.
"Five more minutes. I just need more rest." nasabi na lang nya bago sya makatulog ulet.
***********
"I can't believe na ganun ang Lorenzo Dela Torre na yon. He must be thinking full of himself. Kung hindi lang ako nagpapa-impress kay Agusto para ibigay sa akin ang project na toh, I will not make a fool out of myself." ito ang nasabi ni Noel pagkaupo nya kaharap si Felipe.
"Ganun siguro talaga kapag bata pa at sikat." kibit balikat lang na sagot ni Felipe dito bago manigarilyo.
"Kamusta ang paghahanap mo sa pamangkin mo?" naikuyom ni Noel ang kamay pagkarinig sa tanong nito.
"I'm already working on that. Wag kang mag-alala." ito lang ang naisagot nya dito.
"You need to find her quick, kahit na wala pa syang pinagsasabihan hindi tayo pwedeng maging kampante. You know your brother,Noel." pinatay nito ang hawak na sigarilyo saka tumayo.
"I have other important things to do. I need to be ready when congress starts it's investigation on Agusto." pati si Noel ay napangiti sa narinig. Ito na ang matagal nilang hinihintay.
*************
Napabalikwas ng bangon si Belle, it was already 9:00am ng magising sya.
"Oh no, late na ako sa shift ko sa Lakeside Cafe." kahit na medyo nahihilo pa ay nagmadali syang nagpalit ng damit at nagtatakbong lumabas ng kwarto. She checked if dumating na si Lorenz pero wala pa din.
"What am I doing." napailing pa sya bago magmadali papunta sa Lakeside Cafe.
Marami-rami na ding customer ng dumating sya. Agad nyang isinuot ang apron nya at pumunta sa counter. Napalingon sya ng may tumawag sa kanya, it was Clover.
Nginitian lang nya ito saka inayos ang station nya.
"Belle are you okay? You look pale." narinig na lang nyang sinabi ni Ivan ng may ibigay syang order dito.
"Oo naman okay lang ako, baka dahil lang toh sa pagtakbo ko kanina." ngumiti sya dito saka bumalik sa counter. Ang totoo nyan ay sobrang sakit na ng ulo nya.
"Welcome to...Lakeside...Cafe." pahina ng pahina ang pagkakasabi na iyon ni Belle ng makita nya kung sino ang mga bagong dating nilang customer.
Lorenz was walking towards her while a girl was clinging unto him. Iniwan muna nito ang kasama sa isa sa mga table bago dumiretso sa kanya.
"Ano pong order nila sir." nasabi nya habang nakatingin sa screen ng POS machine. Nakagat nya ang labi nya para hindi sya mapatingin dito.
"Can I order a cup of your time and a slice of your attention perhaps?" napatingala sya dito, he was smiling at her. Ngunit nabakas dito ang pag-aalala ng mapagmasdan syang mabuti.
"Are you okay? You look sick." he was about to touch her forehead ng pigilan nya ito.
"I am perfectly fine sir. Now may I take your order." she sternly look at him, he was about to say something pero hindi na din nito itinuloy.
He sighed before giving his order. Hindi din inaalis nito ang tingin sa kanya the whole time na inaassist nya ito.
Hindi alam ni Belle bakit naiinis sya dito. Naiinis nga ba ang word o nagtatampo? Hindi din nya maintindihan bakit ganito ang nararamdaman nya.
BINABASA MO ANG
Stallion Riding Club Series (Fanmade) : LORENZ DELA TORRE
FanfictionThis is a fanmade story inspired by Stallion Riding Club Series of Ms. Sonia Francesca and Ms. Sofia. Places and some of the characters are from the original series. Aurea Constancia Ysabelle Ortiz Villarama (Belle) - is the daughter of the most inf...