Dancing With Our Hands Tied

1.3K 21 0
                                    

Anger is your worst and most dangerous enemy.

"We're requesting the awardees to give us a dance number, with our singer for tonight... Gary Feliciano and he will going to serenade us tonight." The MC announced.

Naghiyawan at tumitili sila dahil lumabas ang singer na si Gary who's known in this city na magaling kumanta. Gwapo rin kasi siya.

Humarap si Louis sa akin and he grabbed my hands and nilagay niya sa balikat niya.

I looked at his eyes. Beautiful brown eyes. Then he put his hands in my waist na dahilan ng pagkagulat ko at napatingin ako sa mga tao na nasa kanya-kanyang upuan. May gulat na gulat, may naiinis at may kinikilig.

"Don't worry, don't mind them. Just follow my lead." He said while smiling.

Teka. Lyrics yun ng ah.
Tumango nalang ako.

Sa kalagitnaan ng kanta, inannounce ng MC na ang mga gustong sumayaw na nasa tables nila, maghanap lang daw ng partners then pumunta lang sa gitna.

Kaya ayun, most of the boys, stood up and nanyaya sa mga gusto nilang makasayaw.

Benta rin ang dalawang gaga na nakita kong nagpakipot nung may nagyaya sa kanila. Haha

Sumasayaw parin kami ni Louis, parang ayaw niyang tumigil eh.

"Did you remember me?" He asked me na siyang ikinagulat ko.
"Huh? Remember? Yes. I bumped into you earlier diba?" I answered him.
"Well.. Nevermind." Sabi niya then ngumiti.

Hindi na ako umimik pa. Hindi ko kasi alam ang sinasabi niya pero napaisip din ako.

"Outch!" Natapilok ako but I didn't fell kasi nasalo niya ako.
"You okay?" He asked me and I can see na nag-aalala siya.

I shook my head as a response. Kanina pa talaga itong mga paa ko na parang mag gigive-up na pero pinipilit ko parin.

"Okay. Let's go." He said. Then inalalayan niya ako upang makaalis na kami sa dancefloor. Hindi narin kasi kami masyadong napapansin dahil marami nang sumasayaw. Hindi ko na rin tanaw sila Ellise and Annie, pati si Liam.

"Where are we going?" I asked him.
"To my car." He said while smiling.
"W-what? What are we going to do there?" I asked him again na nauutal at tinawanan niya ako.

"Relax. I'm not going to bite you or something. I just want to help you... getting rid of pain?" Sabi niya.
Bakit siya nagtatanong?

"Ok." Sabi ko nalang.

Nandito na kami sa kotse niya. Wala naman sigurong makakakita sa amin dito at kung mayron man, iisipin talaga nilang nilalandi ko tong boss namin. Eh, alam naman nating masyadong makitid ang utak ng iba. Hays.

He opened the door sa passenger seat at pinaupo niya ako doon habang nasa labas ang mga paa ko.
And he took my sandals from my feet.

"Which one was hurt?" He asked me.
"Actually both but ang left foot ko yung natapilok kanina." I answered him and he said okay.

Minasahe niya ang mga paa ko.
Tinitingnan ko lang siya habang ginagawa niya yun.

Hindi siya nagalit sa akin nung nabangga ko siya kanina at ngayon naman, tinulungan niya ako.

Sa akin lang ba siya mabait? O sa iba din? Hmp! Lainey, 'wag assuming!

"Feeling better?" Tanong niya na nakangiti.
"Yeah. Thanks." Sabi ko at ngumiti rin sa kanya.

"So... babalik ka pa doon?" He asked me.
"I don't know, hindi na siguro. Maybe I need some rest." Sabi ko.
"I think so. So.. Ihahatid na kita." Sabi niya.

Lamaki ang mga mata ko sa sinabi niya. CEO? Ihahatid ako? Wow lang.

"Naku, wag na Sir, nakakaabala na ako sa inyo eh." Pagtanggi ko.

"No no no. Hindi ka nakakaabala kasi ako naman talaga ang dahilan kung bakit nangalay ang mga paa mo. And, one more thing, wag mo na akong tawaging Sir. Okay?" He said then kinuha ang sandals ko at inilagay sa loob ng kotse niya.

"Pero Si-"
"Shh shh shh." Pinutol niya ang pagsasalita ko.

"Ahm.. Okay, but my purse was inside." I told him while setting myself up in the seat.
"Okay then I'm going to get it." Sabi niya and he close the car's door.

I see him walking into the venue. A bit faster than his usual walk.
Bakit kaya ganun ang asal na ipinakita ni Louis sa akin?
Tapos bakit parang may iba siyang tinutukoy sa tanong niya sa akin na kung naaalala ko pa ba siya? Hindi naman ako nagkaamnesia.

As far as I know, wala naman akong nakilalang bago except kay Liam.
Hmp? Wala na talaga..

I jolted when I heard the door open, napahawak ako sa dibdib.
Akala ko kung sino, si Louis pala. Nandito na pala siya, bitbit ang purse at panyo ko.

"I'm sorry, did I scared the hell out of you?" Natatawang sabi niya.
"My gosh! Kumatok ka naman." Hahaha napagalitan ko tuloy.
"Sorry. Here." Sabi niya sabay abot sa aking purse and panyo.

"Thank you." Sabi ko at nag smile lang siya then he close the driver seat's door. He started the engine and we left the venue.

Kung wala sanang pasayaw-sayaw, hindi sana kami umabot sa ganito. Tsk!

LIAM's POV

Namumula talaga ako sa inggit at galit kanina.
Ang mga tingin at ang ngiti ni Louis kay Lalaine ay nagsasabing gusto niya si Lalaine. Lalaki din naman ako kaya alam ko yun.

Pero mas lalo akong nagalit nung inannounced na sila ang Queen at King of the night.
Bakit sila pa ang nagkapartners? Bakit hindi ako? O bahala na if sino basta 'wag lang ang lalaking yun!

Nakakainis! May balak pa naman akong tanungin si Lalaine ngayon na maging girlfriend ko.
Panira talaga ang lalaking yun.

Nung natapos na kami ni Shane sa pagsasayaw, umalis na kami sa dancefloor kasi sobrang crowded na rin at nawala na sa tingin ko si Lalaine pati na si Louis.

Nakakainis talaga! Bad trip talaga! Nasaan kaya sila?

Hinanap ko sila, pero hindi ko sila mahanap. Bumalik na lang ako sa table at uminom.

Maya maya'y dumating si Louis sa table namin at kinuha ang gamit ni Lalaine. Ibig sabihin magkasama sila.

Shit! Alam na siguro ni Lalaine ang totoo.

Paano na ang plano ko? Shit! Mabubuking na ako.

Learning How To Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon